The Romantic Night

1.9K 21 0
                                    


Agad naman silang nag tayuan ng biglang lumabas ang doctor.
Ah good news pwede nyo nang makausap ang pasyente.  Pero advice ko lang na wag muna tayo mag kwento oh pag usapan manlang ang dahilan ng pag ka trauma nya. Saad ng doctor at umalis na ito.

Ma sige kayo muna ang kumausap kay Pamela. Ani Martin sa nanay nya na halata sa mukha ng ina ang pag kasabik.

Opo tita pag hinanap kami tawagin nyo nalang po kami. Saad naman ni Susan.

Hindi, halina kayo, wala pa ba si Kevin mas masaya na makita nya na mag kakama tayo. Saad ni Mel..

Ng makita ni Kevin ang oras ay dali dali niyang pinarada ang sasakyan nya. late na kasi  dahil dumaan pa siya sa dangwa para bumili ng bulaklak. Bit bit niya ang bulaklak habang tinatakbo ang hagdan papunta sa room ni Pamela.

Oh ayan na pala si kevin oh. Saad ni Susan ng makita niyang tumatakbo si Kevin.

Finally! Saad naman ni Marga ng makita niyang anduon na nga si Kevin.

Let's go gising na si Pamela mas maganda kung lahat tayo ay makita nya at makakausap. Iwasan nalang nating mag kwento ng makakabigat sa situation nya. Ani Mel sa kanila.

Nanginginig man ang mga tuhod ni Kevin dahil sa hinihingal siya at isa padun sa kaba na baka ipag tabuyan siya ni Pamela.

Tinapik naman ni Marga ang kaibigan. Relax nag mumukha kang takot na aso. Natatawang saad nya

Tara, pag yaya ni Mel at sumunod naman sila.

Habang nag mumuni muni si Pamela sa kanyang pag kakahiga ay dahan dahan niyang hinahaplos ang kanyang tyan. Napalingon siya sa may pinto ng biglang bumukas ito.
Napangiti naman siya ng malapad ng una niyang makita si Susan at ang mommy nya.

Beshie!!  I miss you!  Tuwang tuwa na saad ni Susan at patakbo pa itong lumapit at yumakap sa kanya.

Ang arti ah,  di bagay paos niyang saad at niyakap din nya ang kaibigan.

Napatingin naman siya sa ina nya. Ma pag tawag nya dito.

Ah may kasama kami dito at subrang saya nya din dahil ok kana. Ani Mel na tinitingnan ang magiging reaction ng anak.

Napatingin naman siya sa may dako ng likuran ng ina nya. Hindi siya mag kakamali na si Marga iyon at ang lalaking kasama nya ay si Kevin. Nawala naman sa mukha niya ang saya ng lumapit sa kanya si Kevin.

Mas ninais niyang wag nalang kumibo dahil alam niyang bawal siya ma stress o di kaya magalit.

Ah beshie matagal ng nandito si Kevin. Mahinang saad ni Susan sa kaibigan.

Nag salita naman si Marga. Pamela i know na marami kayong di pag kakaunawaan but marami kang kailangang malaman.

Ewanan muna natin sila ani Mel,  tumango naman sina Susan at Marga.

Mag usap kayo, ayusin nyo ang problema. Pam im happy for your fast recovery. Nakangiting saad ni Martin at umalis na ito.

Naiwan naman sina Pamela at Kevin. Inilapag naman ni kevin ang hawak niyang bulaklak at naupo siya sa tabi ng higaan ni Pamela..
Subra siyang natutuwa dahil binigyan siya ng pagkakataon ng pamilya ni Pamela na makapag usap sila ng sila lang.

Kamusta kana kamusta na pakiramdam mo?  Pauna niyang tanong dito.

Umiling lang si pamela pero hindi niya sinagot ang tanong ng kausap.

Let me explain  about sa mga mes understanding natin. Oo napaka gago ko hindi ko manlang naramdaman na naguguluhan kana pala sa sitwastion nating dalawa.  Ang dami mong tanong na hindi nabibigyan ng sagot,mga hinala na hindi mo mabigyan ng sagot. Aaminin ko nasaktan ako ng bigla kang umalis dahil hindi ko alam kung bakit?  Idagdag pa yung mga iniwan mong trabaho. Pamela patawarin mo ako. Nag padala ako sa galit na ako naman ang dahilan. Sana bigyan mo ako ng chance na makabawi.

Pumukit naman ng mga ilang segundo bago nag salita si Pamela.

Kung nandito ka para humingi ng tawad. Pinatatawad na kita kung wala kanang sasabihin pwede ka nang umalis.

Bigla namang kumawala ang luha sa mga mata ni Kevin.

Pam,kailangan natin mag kaayus, hindi ako aalis sa tabi mo.dito lang ako para sa inyo ng magiging anak natin.

Napatingin naman si Pamela sa kanya. Nag papatawa kaba?  Hindi kita kailangan nakaya ko ngang lumaban kahit muntik na akong patayin ng mapapangasawa mo. Alam mo kevin ayaw kong maging emotional sa pag kakataong ito. Hindi ko pinag dadamot ang anak ko sayo pero pasinsya kana sa pag kakataon ngayon ayaw kitang makita kahit anino mo pa!  Pwede kanang umalis at nakikiusap ako sana kahit anong detalye na involve ka sana wag mo nang naisin na ipaalam sakin. Dahil ayaw ko nang mag karuon ng alaala sayo. Saad ni Pamela habang pinipigil niya ang mga luha na gustong kumawala sa mga mata nya.

Yumuko naman si Kevin. Gusto niyang ipaliwanag ang maling paniniwala ni Pamela tungkol sa kanila ni Catlyn pero inaalala niya ang sinabi ng doctor. Ayaw nyang ma pressure si Pamela dahil di iyon makakabuti.

Umalis kana!  Dagdag pa ni Pamela.

Huminga muna siya ng malalim tapos tumango tango habang pinipigil niya ang maluha. Hoooo buga nya sa hangin. Ayaw nyang sukuan si Pamela pero kung yun ang makakabuti para kay Pamela aantayin nya ang panahon na malinawan ito. Dahan dahan siyang tumayo at tumingin kay Pamela. Sige dahil ayaw kong masaktan kita at madagdagan pa ang hinanakit mo sakin.  Kapag naliwanagan kana kung ano ang totoo nandito lang ako. Marami man akong di napatunayan pero gusto kong malaman mo na mahal na mahal kita. Saad nya at dahan dahan siyang lumabas ng kwarto.

Nagulat naman sina Susan at Marga ng makita ang mukha ni Kevin namumula kasi ito. 

Anong nanyari?  Nag aalalang tanong ni Mel sa kanya.

Hindi naman siya makasagot.  Huminga muna siya ng malalim bago hinarap ang ina ni Pamela.

Ah tita siguro po hindi pa to ang tamang panahon para mag usap kami ni Pamela.

Bakit ano ba ang nanyari?  Dagdag na tanong ni Mel at nag madali itong Pumasok sa silid ng kinaruruonan ni Pamela.

Pam ano ang nanyari takang tanong ni Mel ng madatnang humahagolhol si Pamela.

Ma, sana hindi nyo nalang sya tinanggap dito sana di mo nalang sya pinakita sakin. Umiiyak na saad ni Pamela.

Anak madami kayong dapat pag usapan pero kung hindi mo pa kaya. Naiintindihan kita kahit sya naiintindihan ka. Pasinsya kana kung nabigla ka. Saad ni Mel at hinimas himas niya ang likod ng anak.

Hayaan mo muna ang kapatid ko.  Tama yang ginawa mo hindi mo ipinilit ang gusto mo sa kanya. Maayos nyo yan hindi man ngayon pero sa takdang panahon Ani Martin kay kevin.

Oo nga kevin pero wag kang mag alala,kapag ok na ang kalagayan ni Beshie at handa na siyang makinig ako mismo ang mag papaliwanag sa kanya. Pero as of now mag antay muna tayo.

Tumango naman siya. Salamat sa inyo lalo na sayo maraming salamat dahil naiintindihan nyo ako. Saad nya.

Kevin we need to talk.  Dagdag ni Marga ng mabasa niya ang text message ni Samson.

THE ROMANTIC NIGHT Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon