The Romantic Night

2.1K 25 0
                                    


Halos dinaman mag kanda uga uga sa pag lalakad papuntang ospital si Mel bitbit nito ang mga gamit ng magiging anak ni Pamela.

Ma!  Pag tawag naman sa kanya ni Martin.

Anak asan ang kapatid mo?  Nag aalala nitong tanong.

Ma, nasa delivery room na po sya..

Dyos ko ano ba kasi ang nanyari?  Bakit napaanak sya ng wala sa oras?

Ma, sabi naman po ng doctor pumutok na daw po yung panubigan nya kaya, manganganak na po sya.

Hawak hawak naman ni Mel ang Rosario habang naka upo.

Kung nakinig lang sana kayo sakin hindi mauuwe sa ganito. Naiinis na saad ni Susan.

Wag na tayong mag sisisihan, wala naman tayong kasalanan sa nanyari. Saad naman ni Marga.

Umerap lang si Susan at hindi na muli sya nag salita.

Bro!  Kanina kapang palakad lakad,nahihilo na ako pwede ka namang maupo. Puna sa kanya ni samson.

Hindi, Samson ei hindi ako mapakali parang may nanyayaring di maganda.  Kinakabahan ako hindi ko alam kung bakit?  Nag tatawang paliwanag naman ni Kevin.

Umiling naman si Samson, sos na pepresure kalang kasi ang dami mong iniisip. Para kumalma ka tawagan mo si Marga makibalita ka para hindi ka nag kakaganyan.

Agad naman niyang sinunud ang sinabi ng kaibigan. Pero ng tawagan nya ito ay hindi ito sumasagot. Nakailang dial na sya pero di padin ito sumasagot kaya pabagsak niyang binaba ang hawak na telepono.

Oh, anong nanyari gulat naman tanong ni Samson.

Ayaw sagutin. 

Ha?  Ayaw sagutin, hay nako baka naman hindi nya hawak. Kumalma kanga bro nako baka bigla kang ma high blood nyan. Ano bang gusto mong pag kain? bibili ako,

Umiling naman sya. Ikaw nalang hindi ako nagugutom. 

Martin, dala mo ba cellphone mo?  Tanong ni Marga ng mapagtanto nya na wala pala sa bag nya ang cellphone nya.

Oo, bakit?  Taka namang tanong ni Martin.

Tatawagan ko lang si kevin,gusto ko lang ibalita sa kanya ang nanyari.

O sige pero dahan dahanin mo ang pag kwento baka mag alala yun. Mahinang saad nya. Ng ibigay nya na ang cellphone maigi niyang tinitigan si Marga alam kasi niya na malapit ng mapalayo sa kanya ang dalaga.

Napabalikwas naman ai Kevin sa kanyang ginagawa ng may biglang tumawag na hindi nya kilala, mabilis niya itong sinagot..nanlaki naman ang mga mata nya ng marinig kung sino ang nasa kabilang linya.

Kevintot ipaalam ko lang sayo na manganganak na si Pamela ngayon. Kung kaya pa ng oras mo pwede kanang mag byahi pa punta dito. Kailangan ka ng mag ina mo dito.

Sige pupunta na ako. Mahina niyang sagot at sandali pa siyang nakatulala matapos marinig ang balita.

Bro ok kalang?  Sino yung tumawag?  Takang tanong ni Samson.

Bro, ewan muna kita kaylangan kong pumunta ng Mindoro manganganak na si Pamela kaylangan ako ng mag ina ko.

Oh talaga congrats bro. Oo naman kaya ko na dito. Wala namang naka line up na appointment mo ei. Pero kung meron ako ng bahala ingat ka bro. Congrats ulit. Nakangiti namang saad nya t niyakap nya ang kaibigan.

Halos naman paliparin ni Kevin ang kanyang kotse papuntang sakayan ng barko. Pag ka dating nya dun agad siyang nag tungo sa may sakayan nito.

Sir sir!  Pag tawag sa kanya ng isang matanda na isa sa mga nag mamaniho ng sasakyang pandagat. San po kayo pupunta? 

THE ROMANTIC NIGHT Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon