The Romantic Night

2.3K 40 5
                                    


Nang makarating si Kevin ay dina siya nag tanong sa nurse dahil alam naman niya kung saan sina Marga dahil naitanong nya na ito habang mag kausap sila.

Bumagsak naman ang balikat nya ng makitang nag iiyakan ang mga ito. Biglang bagsak ng mga luha nya habang dahan dahan siyang lumapit sa mga ito.

Naningkit naman ang mga mata ni Susan ng makita niya kung sino ang naruruon. Kaya walang pag dadalawang isip na lumapit siya kay kevin at malakas niya itong sinampal.

Paaaakkkkkk

Ang kapal ng mukha mo!  Anong ginagawa mo dito? 

Nagulat naman si Marga kaya agad siyang umawat dito. Tika ka mag hulos dili ka!  Saad nya kay Susan.

Hindi mo kilala ang lalaking yan.!  Walang kwenta yan.  Hayop yan! 

Napayuko naman si Kevin. Patawarin nyo ako, 

Patawad!  Anong magagawa ng patawad mo kung may masamang manyari sa kaibigan ko. Kayo!  Kayong dalawa ng fiance mo mapapatay ko kayo kapag may masamang nanyari sa beshei ko.. Humahagolhul na saad ni Susan at napa upo ito dahil nawawalan na sya ng lakas.

Nag katinginan naman si Marga at Kevin dahil di nila maintindihan ang sinabi ni Susan..  Pero masyado pang kumplekado ang lahat kaya mas minabuti nilang maupo at antayin ang pag labas ng doctor.

Mga ilang minuto din silang nag antay..  Pero hindi padin kumikibo si Susan.. Nanginginig padin ang mga tuhod nito at bumabalik padin sa alaala nito ang nanyari kanina.

Napansin naman ni Kevin ang madaming dugo sa damit ni Susan sa isa sa nag pasikip ng dibdib nya. Di nya pa lubos na alam ang mga nanyari.  Basta ang alam nya lang na si Catlyn ang business partner ni Barron ang may gawa ng lahat ng yon. Maya maya pa ay lumabas na ang doctor.

Kaya sabay sabay silang tumayo.

Doc kamusta po kaibigan ko?  Namamaos na tanong ni Susan.

Napayuko naman ang doctor.

Sad to say na sabihin sa inyo na subrang dilikado ng kalagayan ng Pasyente. Nag cost ito sa kanya ng subrang trouma kaya hanggang ngayon ay hirap padin kami na pakalmahin sya.

Doc ang bata po kamusta po? Tanong naman ni Kevin na isa ding binabalot ng takot.

As of now nasa tamang condition ang bata.  Dahil sa hindi pa completo ang mga organs nya kaya hindi pa namin siya mailabas sa sina pupunan ng nanay nya.

Napailing naman si Kevin dahil sa sinabi ng doctor.

Bakit nyo po ilalabas? wala pa po sa tamang buwan ang bata. Naluluha niyang tanong.

Masyadong masilan ang pag bubuntis ng pasyente.  Nakakaapekto ito sa kalagayan ng bata.  Sa ngayon iyon lang ang naiisip namin para mairisulba ang kalagayan ng bata.  Ang ilagay sya sa ecuvator. 

Doc may iba pa bang paraan para hindi naman ganon ang maging kalagayan ng mag ina ko?  Humahagolhol na tanong ni Kevin dahil pinipiga na sya sa subrang sakit ang isipin pa lang na hindi sa luob ng tyan mabubuo ang bata ay hindi nya na lubos maisip.

Well may paraan pa pero kailangan nya ng maraming process at bawal na bawal siyang ma stress dahil kung hindi malalag lag at malalaglag ang bata.  Tika asan ba ang magulang ng pasyente mas maganda na sakanila ko ito sabihin.  Ani doctor na nag palinga linga ito sa paligid.

Ah papunta na po sila dito doc. Sagot naman ni Susan na nakahawak sa dibdib nito ang mga kamay.

Dyos ko!  Kawawa naman ang kaibigan ko. Umiiyak na saad ni Susan.

Don't worry  hindi pababayaan ng dyos si Pamela. 

Napatingin naman si Susan kay Marga kilala mo sya?  Takang tanong nya dito.

Napahangos naman si Marga. Oo kilala ko sya kaibigan ako ni Kevin. 

Walang hiya kayo!  Mag ka kilala pala kayo!  Plano nyo to no? 

Wait hindi hindi namin plano to,  makinig ka muna. 

Hindi ako makikinig sa inyo. Dahil sa inyo muntikan ng mamatay kaibigan ko lalo na sayo Puntabella.  Tapos gusto nyo makinig ako.. 

Napatingin naman si kevin sa galit na galit na si Susan.

Pwede ba ako naman ang mag tanong?  Bakit nandito si Catlyn bakit Gusto nya patayin si Pamela pwede ko bang malaman? 

Aba ang galing mo din.. Mauubusan ako ng dugo sayo. Diba fiance mo yun?  Aba bat mo sakin tinatanong.

Wait anong fiance?  Singit naman ni Marga.

Maang maangan kayo?  Acting pa more nakukunsinsya kana ba?  nanlalaking matang tanong nya kay Kevin.

Naguguluhan man si Kevin pero kinausap nya padin si Susan.

Kaya ba ako iniwan ni Pamela dahil ang akala nya May fiance ako? 

Wowww galingan mo pa ang pag acting. Anong tingin mo sa kaibigan ko malandi?  Oo kaya ka nya iniwan dahil sinabi ng babaeng yun na ikakasal na kayo.  Tapos mag sisinungaling ka!  Walang ibang lalaki ang kaibigan ko ikaw lang ang minahal nya. Sa kasamaang palad pa nga ei nabuntis mo pa sya.  Tapos ngayon mag tatanong ka.

Susan makinig ka,  hindi ko fiance ang babaing yun. Business partner yun ni Barron Anderson. Ang layo ng ugnayan namin para masabing mag fiance kami

Natigilan naman si Susan dahil nung nakaraan lang ay kasama nila si Barron. Naupo muna siya para makapag isip isip.

Ang ibig nyong sabihin si Barron ang tinutukoy nun na fiance nya?  humahamgos namang tanong ni susan ng mapag tanto ang lahat. May gusto kasi si Barron kay Pamela kaya lagi itong nakasunod sa kaibigan.

I thank so,  kasi ang alam ko pinag kakasundo na sila ng mga parents nila pero ayaw pa ni Barron. Yan ang nalaman ko ng mapa nuod ko sa news ang personal interview sa kanya nung mag lunsad sila ng magazine.ani Marga dahil un ang pag kakaalam nya.

Napatingin naman si Marga sa kaibigan.

Kevin baka kaya nagawa ni Catlyn yun kay Pamela dahil baka nag sisilos sya kay Pamela.

At Baka nung mag kausap kayo ay baka si Barron ang tinutukoy ni Catlyn na Fiance nya.

Napaisip naman si Susan.
Hindi ko alam, basta nung nakaraan bago mapag disisyunan ng kaibigan ko ang iwanan si Kevin. Sinabi ng babaing yun na layuan na ni Pamela ang fiance nya dahil ikakasal na ito. Kaya nag paubaya si Pamela dahil bukod dun wala namang malinaw na relastion sila ni kevin at Pamela ei. Umiiling na paliwanag naman ni Susan.

Napayuko naman si Kevin. Bigla nyang naalala ang kung anong meron sila ni Pamela. Mahal na mahal nya ito pero walang malinaw sa kanila.

Kevin,  wala ba kayong relastion ni Pamela?  May nanyari sa inyo diba?  Bakit wala?  Takang tanong naman ni Marga sa kaibigan.

Hindi naman nakasagot si Kevin.  Oo alam niyang first of all sya na ang mali dahil pinakikita niya na may mutibo siya sa dalaga pero hindi manlang siya nag lakas ng luob para ligawan ito.

THE ROMANTIC NIGHT Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon