The Romantic Night

4.7K 64 10
                                    

Hay salamat akala ko panaman hindi ka padin papasok ngayon.  Subrang stress na kami dito ni Marga bro!  Ani Samson na halatang pagod talaga ito.

So pano pala kung wala talaga ako. Hindi nyo talaga kaya na palaguin ang companya. Naiiling na sagot nya.

Syempre bro, iba parin pag ikaw!  Oo nga pala tumawag dito daddy mo.  Pinapauwe ka ng probensya.

Naningkit naman ang mga mata nya. Bakit daw? 

Ewan ko bro basta binaba nya agad ang linya ei.

Hello kevintot! Buti naman at pumasok kana, parang sinulo mo naman ata si Miss locsin ng halos isang linggo. Kasi pati din sya hindi din sya sumipot sa mga client nya.. Ang gagaling nyo ah. Parang halos sakin nyo inasa ang lahat ano bang meron?  Nakapamaywang tanong ni marga sa kanya.

Nginitian nya lang ang kaibigan at lumapit sya dito.. Thank you kasi maasahan talaga kita sabi nya at inakbayan pa ang kaibigan.

Wag mo nga ako madaan daan jan sa mga pag lalambing mo. Dahil sa sakin mo lahat pinagawa ang mga gawain mo pwede ba akong humingi ng pavor.

Sure..  Nakangiti niyang sagot what is it? 

Well gusto ko muna mag out of town with my co model so please.. Papikit pikit nitong pag sasalita.

Ok.. Go! 

Oh bro ako hindi mo ba ako bibigyan ng Leave ang unfair naman ata kung itong si marga lang ang mag papahinga aba napagod din ako no!  Maktol naman ng kaibigan.

Bro ikaw pa ba!  No problem this comming Christmas pwede kang mag lieve kahit san ka pumunta.

Ano pambihira ka naman oh. Tatlong buwan pa yong aantayin ko ei.. Magagalit na nito si Aika.. 

Hahaha, bro don't tell me until now umaasa ka padin jan sa long distance na  relation mo with her? 

Of course bro. Mahal ko yan si Aika.. Ako na ngalang ang inaantay nya. Ei hindi mo naman ako pinapayagan kahit one week lang kaya wala manlang ako napapatunayan na kaya ko syang ipaglaban.

Napaisip naman si Kevin masyadong unfair nga kung hindi nya papayagan si Samson ei minsan lang to mag request sa kanya.

Ok asikasuhin mona ang lieve mo.. Two weeks yun ang ibibigay ko sayo.

Really bro.. My goodness.. Thank you..
Basta two weeks lang pag lumampas ka dun babanatan talaga kita.

Pero bro pano ka?  Kaya mo bang mag isa dito? Wala din si marga

Napailing naman sya yes..  Pero kaya ko na dito mag injoy nalang kayo dahil tatambakan ko kayo ng mga gawain pag balik nyo. Usal nya at naupo na siya sa kanyang office chair para mag umpisa na sa trabaho.

***
Beshie!! 
Bungad naman ni Pamela pag kapasok nya sa dati niyang apartment.

Oh ikaw pala?  Matamlay namang sagot sa kanya ng kaibigang si Susan...
Beshie,naman parang dimo naman ata ako namiss..  Saad nya at naupo siya sa maliit na sofa nito.

Batka nandito, akala ko ayaw munang lumabas dun sa mala heaven na lugar ni Kevin.

Napansin naman niyang parang nag tatampo ito sa kanya kaya niyakap nya to.

Beshie sorry kasi ganito kasi ei.. Kaya hindi ko nasagot ang mga tawag mo sakin kasi

Kasi ano?  Busy ka? 
Alam mo ba na kaya ako tumatawag sayo kasi gusto ko ng karamay.  Saad nito na sa puntong iyon ay may tumulo ng mga luha sa mga mata nito.

Beshie?  Anong nanyari?  Nag aalala namang tanong nya dito. Dahil ito ang unang beses na makita niyang umiyak ito.

Wala beshie ayaw kong makaistorbo sayo..

Ano kaba naman!  Sorry na pero sabihin mo sakin. Anong nanyari? Beshie makikinig ako.

Beshie kasi ei.. Hayop na Ryan yan niluko nya ako.  Beshie ang sakit kasi umasa ako,umasa ako na mahal nya rin ako. Beshie ang hirap.

Niyakap naman niya ang kaibigan. Tahan na pag pakalma nya dito. Subrang guilty siya dahil siya subrang saya kasama si Kevin tapos pala ang kaibigan niya ay subrang sakit ng pinag dadaanan nito.

Ano ba kasi ang nanyari? Pauna niyang tanong dito kita parin niya ang sakit na nararamdaman ng kaibigan.

Kasi diba beshie nakwento ko sayo na gusto kung pumunta sa Cebo para surprisahin ko sya.

Hhhmmm pag tango naman niya sa kaibigan.

Ayun nga natuloy ako.  Kahit ang kunti lang ng ipon ko ginamit ko para ma maiselibrate namin ang aming ika 4th anniversary ng magkasama.  So ayon pagkadating ko ng Cebo inantay ko muna na dumating ang barko na sinasakyan nya. Tas ng dumating ang barko syempre pumasok ako kahit hindi pa nakakakababa ang mga pasahiro sumiksik ako kasi gusto ko maabutan ko sya. Tapos ayun na pag kapasok ko sa luob hindi ko sya nakita dun nag tanong ako sa mga kasama nya sa barko sabi puntahan ko daw sa kwarto nya tinuro naman sakin yung number ng kwarto. Tas nung makita ko yung kwarto wala sya dun kasi nakailang katok na ako ei.  Pero hindi ko inaasahan na ganun ang. Madadatnan ko kasi

Ano beshie anong nadatnan mo?

Kasi habang kumakatok ako ng kwarto may naririnig akong mga ungol dun sa may stakan nila ng mga lifevest  kaya tumingin ako dun. Ayun nga nakita nakita ng dalawang mata ko na su Ryan may kalampungang babae.  tapos yung babae pa nayon isang marina. Anong laban ko naman dun beshie yon laging kasama ni ryan siguro nga hindi lang yon ang unang besis na maynanyari sa kanila ei.

Nakita kaba ni Ryan? 

Oo nakita nya ako. Actually nagulat nga sya.  Hinabol nya pa ako pero ayaw ko na beshie.  Subrang sakit beshie niluko nya ako.. Hagolhol nitong saad

Napaluha naman siya sa kalagayan ng kaibigan. 

Beshie tama na, hindi mo dapat iniiyakan si Ryan. Mabuti narin at nalaman mo ng maaga para hindi na tumagal pa kung anong meron kayo.

Pero beshie mahal na mahal ko sya! 

Oo alam ko pero siguro naman sapat na ang nakita mo para mawala na yang pag mamahal mo sa kanya.

Halos maghapon din na nanatili si Pamela sa bahay ng kaibigan. Hindi nya kasi ito maiwan dahil sa sitwastion nito ngayon

Ok beshie mag bihis ka!  Usal nya dito dahil kung mag mumukmuk lang ito ay talagang hindi ito malilibang.

Ha?  Bakit naman.

Basta may pupuntahan tayo. Mamasyal tayo kakain tayo kahit san mo gusto.

Napangiti naman si Susan dahil sa sinabi ng kaibigan.

Habang nasa luob sila ng malaking restaurant.  Pinag mamasdan niya ang kaibigan kung omo ok na ito.

Ano beshie nagustuhan mo ba?  Nakangiti niyang tanong dito.

Oo beshie thank you,sorry ah kasi napaka drama ko

Ok lang yon beshie ikain mo lahat ng sama ng luob mo. Saad nya at nilagyan nya pa ng pagkain ang plato nito.

Tika beshie mukhang mahal dito aa restaurant nato ah. Ani susan at inikot nito ang kanyang paningin.

Bakit?  Hindi ba pwede satin ang ganitong kainan?  Natatawa niyang sagot dito.

Hindi sa ganon beshie pero alam mo bigatin kana talaga ngayon.

Natawa naman siya sa sinabi ni Susan, kumain kana kung ano ano nanaman ang sinasabi mo ei.

Hindi naman mapakali si Catlyn habang iniisip na subrang cold na sa kanya si Barron, ilang besis nadin siya nitong tinatanggihan, pati ang mommy nya ay hindi na kinakausap ng kababata.

Hindi mo pwedeng gawin sakin to barron. Hindi pweding masayang ang lahat ng pinag hirapan ko at mga bagay na nakuha mo sakin. Usal nya at pinunasan ang mga luha na tumulo sa kanyang mata.

Napagawi naman ang tingin niya sa dalawanga babae na nag tatawanan habang kumakain. Nang dilim nalamang ang paningin niya ng makilala ang isa sa mga ito.

THE ROMANTIC NIGHT Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon