KABANATA PITO
Walang pasidlan ang sayang nararamdaman ni Raiza sa mga oras na ito habang pinagmamasdan ang mga estudyante niyang masaya sa kani-kanilang ginagawa. Hindi rin nakalampas sa kaniyang paningin ang tatlong estudyante na kung dati ay mailap sa isa't isa, ngayon ay halos hindi na yata mapaghihiwalay. Natutuwa siyang isipin na sa kabila ng hindi magagandang pakikitungo ni Dariuse sa mga kaklase nito ay nabigyan pa rin ito ng pagkakataon na maipakita ang tunay na kabutihan at ninanais ng kaniyang puso. Hindi man naging maganda ang mga nangyari sa kaniya nitong mga nakalipas na buwan ay malaking bagay na para kay Raiza na makita ang kaniyang estudyanteng may ngiti sa kaniyang mga labi.
'He still managed how to smile, even the whole entire world makes him cry.' Nakangiting bulong ni Raiza sa kaniyang isip.
Ngayon, bilang pangalawang ina ng mga batang kaniyang tinatanaw ay ipinapangako niya sa sariling mas kikilalanin pa niya nang husto ang mga ito. Natutunan niya sa mga nangyari, sa tulong ni Adom, na hindi dapat husgahan ang kung ano lamang ang nakikita sa panlabas na anyo. Dahil sa likod ng ipinapakita nilang tapang—sa likod ng kanilang mga ngiti, may karanasan na hindi nila diretsong maipahayag sa nakararami. They're just a kindergaten, actually. They're just a child who needs full attention and love from adult.
"Hello? Yes, Attorney? Alright, balitaan mo na lang ako." Inilapag ni Raiza ang cellphone nito pagkatapos kausapin ang kaniyang attorney sa kabilang linya.
Ibinalita ng kaniyang attorney na ipinoproseso na ng DSWD ang mga papeles upang maging legal na ang pagkupkop ni Raiza kay Dariuse. Ayon din kasi sa naging hearing, wala na ang ina at tunay na ama ng bata, kung kaya malakas ang laban at kompiyansa nila na mananalo sila sa isinampang kaso ng naturang guro sa tatay-tatayan ng bata lalo na kung hindi nito piliin ang dating pamilya. Nakita rin ng awtoridad ang ebidensiya ng pambubugbog sa bata dahil hanggang ngayon ay nakamarka pa rin ang mga pasa sa katawan nito. Naghihintay na lamang sila na maayos ang lahat upang mamuhay nang matiwasay at maginhawa ang naturang estudyante.
"Alam mo, Adom. Ang saya ko ngayon," untag ni Abet habang binabaybay nila ang daan pauwi sa kanilang bahay.
Napatingin sa kaniya si Adom. "Batit naman, Abet?" aniya.
"Eh, kasi si Danille, 'yong kuya ni Dariuse? Hindi na siya bully, Adom. Nagbago na siya! Lagi na siyang uma-attend sa klase at sumasagot na rin siya sa mga tanong ng teacher namin," masayang pahayag ni Abet.
"Talaga, Abet? Magandang balita nga 'yan! Si Dariuse rin, eh. Hindi na siya bully. Ang totoo nga niyan, lagi na namin siyang talaro ni Jasmine. Iyon nga lang, madalas pa siyang wala tasi sabi ni Teacher Raiza may tailangan pa silang asitasuhin sa DSWD."
Saglit na natahimik si Abet bago muling nagsalita. "Nakakaawa si Dariuse, no? Akalain mo 'yon, sinasaktan pala siya ng tatay niya—ah este, hindi pala niya tunay na tatay. Kaya pala gano'n na lang siya kung saktan, eh!"
"Oo nga, Abet eh! Sino kaya ang tunay na tatay niya, no? May tatay pa taya siya?"
"Syempre naman, meron pa!" agap ni Abet. "Lahat naman tayo, may tatay—" Subalit natigilan siya nang sambitin nito salitang 'tatay'. "Lahat sila, may tatay pa." At napalitan ng lungkot ang kaniyang tinig bago marahang nagbaba ng tingin.
Nagtaka naman doon si Adom. Rumehistro ang pag-aalala sa mukha nito kung kaya agad niya itong tinanong. "May problema ba, Abet?" aniya.
Mabilis na umiling si Abet.
"Meron, eh... ano 'yon, Abet? Pwede mo namang sabihin sa atin, eh!" pagpupumilit ni Adom.
Muli itong umiling. "Wala nga, Adom. Tara na?" pag-iiba niya ng usapan.
BINABASA MO ANG
The Journey of Adom (PUBLISHED UNDER H&K BPF PUBLISHING)
Short Story🎖#5 in NONFICTION - January 16, 2019 🎖#1 in CHILDREN STORY - April 30, 2019 In Genevieve: The name ADOM has the meaning of God's blessing. Kaya naman ito ang naisipang ipangalan ni Enelda Tolentino sa kaniyang nag-iisang anak na lalaki simula noo...