CHAPTER 1

135 7 0
                                    

CHAPTER 1

"Mag-iingat ka anak doon ah. Tawagan mo kami agad pag andun ka na ha ?" umiiyak si Nanay dahil mawawalay ako sa kanya.

"opo nay, alagaan nyo po si Riane ha? Kaya ko na po ang sarili ko dun.

Kinakausap ako ni Nanay Sela ang mahal kong biyenan, habang buhat ko ang aking anak na mawawalay sa akin

Sa totoo lang ayaw kong umalis pero kailangan, kailangan kong magpagamot para sa sakit ko at magtrabaho para sa pamilya ko.

"Mahal, ingatan mo si Riane ha?! Wag mo syang pababayaan, ipakilala mo ako sa kanya  na ako ang Mama nya"

Umiiyak ako habang nakikiusap ako sa asawa kong hindi ako magawang mahalin. Ang sakit sa pakiramdam na iiwanan ko ang anak kong isang taon pa lang, halos hindi nya ako makikita pero umaasa ako at naniniwala na gagawin ni Clyde na ipapakila ako sa aming anak. .

"oo ipapakilala kita sa kanya, sige na pumasok ka na sa loob baka maiwan ka pa, problema pa yan".. 

hayy! grabe talaga tong asawa ko di man lang magpanggap na nalulungkot siya dahil aalis ako.

"Sige na po nay, mahal,papasok na ko sa loob para makasakay na ko, Ingat kayo. Mamimiss ko po kayung lahat. Pagkapasok ko sa immigration umuwi na kayo para di kayo gabihin ha? " nagpapaalam na ako dahil malapit na tawagin yung flight ko

"mag-ingat ka anak doon kami na ang bahala sa anak mo andito naman ako at si Clyde maraming mag-aalaga sa kanya kaya wag ka na mag-alala".

 Alalahanin mo yung sakit mo at ingatan ang yong kalusugan at nawa’y makamtan mo ang kagalingan ng iyong karamdaman. 

Binigay ko na si Riane kay Nanay Sela, hinalikan ko sya sa noo at niyakap, ganito pala ang pakiramdam kapag nawalay ka sa iyong anak halos madurog ang puso mo dahil hindi mo alam kung makikilala ka nya at kung maalagaan ba siya.

"BYE !! papasok na ako." Umiiyak pa din ako habang kumakaway sa kanila gustong- gusto kong bumalik para yakapin sila pero hindi na ako makakaalis kapag binalikan ko pa sila. 

Pumasok na ako sa loob at inantay na tawagin ang flight ko papuntang Italy. Tanging baon ko ang ilang damit, gamot, lakas ng loob at isang picture na aking anak na napakaliit pa. Iniisip ko kung paano siya kapag wala ako? 

Magpapakilala muna ako bago ako sumakay ng eroplano. Ako si Dane Kaira Angcaya Nuestro,pero KAIRA ang tawag ng marami sakin.

Wala akong kinagisnang magulang kundi si Nanay sela lang. Bakit ko naging asawa si Clyde? Dahil boyfriend ko siya since High School.

 Nalaman ko na buntis na ako at si Riane nga yong baby na yun..

Kinailangan niya akong pakasalan dahil boto naman daw sakin si Nanay Sela, sa kasamaang palad nawala ang pagkakataon niyang maging engineer dahil sa amin ni Riane. 

Kaya siguro yun ang dahilan kung bakit ayaw nya saken. Noong nagsasama na kami hindi niya ako pinapansin nagagalit agad siya sa simpleng bagay na nagawa kong mali.

Hanggang sa nalaman kong may Liver Cancer ako pero stage 1 palang siya nung nalaman ko. Hindi ko ipinaalam kay Clyde dahil wala naman siyang pakialam saken kaya nagtanung tanung ako kung saan makakamura ng chemotherapy at pwedeng magtrabaho para hindi naman ako pabigat sa kanila 

kaya eto na nga nasa eroplano na ko papuntang Italy at nagbabakasakaling magagamot pa ako dahil kailangan kong mabuhay para sa anak ko.

At the same time magtatrabaho na din ako para makapagpadala din ako sa kanila. Magiging DH ako doon, goodluck nalang saken sana mabait ang mga amo ko.

Marahil Dala ng pagod, makailang ulit akong napaidlip, subalit sa twina ay naalimpungatan ako sa isipin at pag-aalala sa aking pamilya lalo na sa aking anak na si Riane.

Pinilit ko pa ring matulog at mamahinga, kailangan ko pa ring maging masigla ng sa ganon ay may lakas ako kapag dumating na sa aking pupuntahan.

Di ko na namalayan ang oras, naalimpungatan at naramdaman ko na lang na palapag na kami sa Airport.. at nasabi ko sa aking sarili “DIto na magsisimula ang panibagong yugto at kwento ng aking buhay'.

TWO MonthsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon