CHAPTER 20

42 4 0
                                    

CHAPTER 20

Last Day na ngayon so bale 6 days lang ang burol. Ngayong araw nakawhite kami . Habang hinahatid namin si Mama sa sementeryo ,iyak ako ng iyak., hindi ko na makikita ang Mama ko . 

Pinapatugtog ang mga paboritong kanta ng nanay ko.

Ayoko pa sanang mawala ang Nanay ko pero hindi naman pwede yun diba ?

Nakarating na kami sa crematorium kung saan susunugin si Mama , nakakatakot naman  dito .

Nasa isang parang kwarto yun pero may transparent glass na makikita mo pa din. 

Sa huling sandali , pinakita sa amin si Mama, iyak lang ng iyak ang mga tao sa paligid ko . 

Pati ako hindi ako tumitigil, masasaktan kaya si Mama ?

Sinara na ang kabaong at pati ang kurtina para hindi namin makita na sinusunog sya . Natatakot ako.

Pagkatapos ng 4 oras nilabas na ang porcelaine jag na may laman ng abo ni Mama . May binigay din saming kwintas na nandun yung ilang part ng abo ni Mama isuot daw namin yun sabi ni Tito . 

Umuwi na kami after nun, nilagay namin ang jag sa isang altar kung saan nandun ang picture ng Mama ko  sa bahay namin.

Nalulungkot ako..

Bawat sulok ng bahay nakikita ko sya ,. 

Nagpahinga na ako dahil pagod na pagod ako..

"anak , punta ka dito may ipapakita ako sayo "

Parang naririnig ko si Mama na tinatawag ako kaya pumunta ako kung saan galing ang boses nya .

Nakarating ako  sa isang park kung saan nandun si Mama at nakangiting tinatawag ako.

"Ma , diba pat-..." di ko na natapos ang sasabihin ko

"anak tara dito maglaro tayo ."

Sumunod nalang ako , Kung panaginip lang to sana wag na akong magising dahil kasama ko ang nanay ko .

Napakasaya namin nung mga panahong yun pero biglang nagdilim at nawala si Mama.

Hinahanap ko sya  . Pero wala sya . 

Nagising ako ng may yumuyugyog sa akin.. Si Papa.

"Pa napanaginipan ko si Mama ,"

"oo nga, dahil binabangungot ka anak , Narinig kitang sumisigaw kaya pinuntahan kita ".

Ma miss na kita agad . Please bumalik ka na ....

A/N: Last chapter bago epilogue . Waley at yawyaw na istorya ito hihi

Pero salamat sa nagbabasa at magbabasa nito :)

--iaMayeh--

TWO MonthsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon