CHAPTER 2

91 6 0
                                    

CHAPTER 2

Naglalakad na ako sa pasilyo palabas ng airport ng may nakita akong banner  " WELCOME! Ms. Dane Kaira Nuestro"..

 Sila na kaya yung mga amo ko? Nilapitan ko sila dahil wala namang ibang Kaira dito.

Kailangan ko magEnglish dahil hindi ko alam kung nagtatagalog din sila hehe .. "Good Evening Maam, Sir. May i know if you are my employers?" Sana maintindihan nila pero teka mukhang Pilipino tong mga to !. "Oo kami ang mga amo mo dito kami din ang tutulong sayo para magpagamot " sabi ni Mrs. Zaragosa habang niyayakap niya ako.

Yun naman pala, nagtatagalog sila haha. nakakahiya mali mali pa ako sa pageenglish ko. Si Mr. Zaragosa naman dinala na yung mga bagahe ko sa sasakyan nila.

Mabait silang dalawa dahil mga Pilipino din sila so hindi ako mahihirapang pakisamahan sila. May anak sila dalawa isang lalaki at isang babae. After 1 Hour nakarating na kami sa bahay nila at wow ang laki po niya. 

Tinuro sakin ni Mrs. Zaragosa kung saan ang magiging kwarto ko inexplain nya sakin kung ano ano ang gagawin ko sa bahay.

Friday ang day off ko so pwede daw akong magliwaliw at pumunta sa ospital para sa check up at kahit saan para daw mawala yung pagkahome sick ko.

Natapos ang gabi na maayos at masaya dahil panatag ako sa mga amo ko, 

ay oo nga pala tatawagan ko nga pala sina Nanay para malaman nilang andito na ako. Dinial ko na yung number niya at sinagot na niya

"hello?"

"hello nay si Kaira po ito andito na po ako sa bahay ng mga amo ko kamusta na po kayo dyan ?

"aba'y  mabuti naman kung ganun, mababait ba sila? Ayus lang kami dito anak mejo madaling araw kana tumawag hehe" oo nga pala nakalimutan ko na magkaiba kami ng timezone

"opo nay mga pilipino din po sila, at sila pala yung tutulong sakin magpagamot, pasensya na nay ahh hehe , napakwento kasi ako sa amo ko kaya ginabi na kami nga pala kamusta po si Riane?

"mabuti naman anak, eto nasa tabi ni Clyde natutulog sila. Umiiyak kanina dahil siguro nararamdaman niya na mawawalay ka"

"tiis lang nay makakayanan din natin to kailangan ko lang magpagaling tapos uuwi na ako jan. sige na nay ibababa ko na po ito para makapagpahinga na po kayo."

"o sige anak magiingat ka jan ha? at ikamusta mo nalang ako sa mga amo mo"

TWO MonthsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon