CHAPTER 11

52 4 0
                                    

CHAPTER 11

Nagising ako dahil may naririnig akong naguusap , minulat ko ang aking mga mata. Nakita ko ang mga kapatid ko kasama si Clyde..Ang saya dahil andito sila, gumalaw ako ng kaunti para maramdaman nilang gising na ako.

"ate Kai gising ka na din hay naku anu ba kasing nangyari sayo.?"

Ngayon lang naging ganito sa akin si Andrei halatang halata sa mukha nya ang sobrang pagaalala.Si Alelie kasi nakatulog na sa sofa.

Si Clyde naman nasa tabi ko hinawakan ang kamay ko bigla bakit kaya ganito sya?.Naiinlove ako hehe ..

"sorry po kuya."..

Yun lang sinabi ko para tumawa siya. Ayokong nagkakaganito si Andrei dahil hindi ako sanay na malungkot siya. 

"hay nagbibiro ka na naman ate eh. Sa susunod na sasakit yung tyan mo sisigaw ka agad o kaya bibilhan kita ng pito para marinig ka agad, Alam mo bang lahat kami nandito kanina, inaantay ka naming magising,."..

Pasensya na tulog mantika eh. Weh? andito din kaya yung anak ko.. Anu na kayang nangyare sa kanya.?

"Clyde si Riane nasan?."

"umuwi kasama ni Leur at Hazel. Sina Nanay naman isinama ng Mama mo dahil may pag-uusapan daw sila, kamusta na ? Sumasakit pa din ba yung paso mo.? Yung tyan mo ok na ba?"

Ahh natatatss ako sa mga pinagsasabi ni Clyde, Baka hindi ako makapagpigil mahalikan ko na to bigla.

"oo ayus na ako uwi na tayo. Please?"

"ate mamaya pwede ka na umuwi. Magpahinga ka agad ha ."..

Biglang dumating si Mama at Nanay, halata sa kanila ang pagiyak at dahilan yun para mahirapan akong iwan sila dahil ngayon pa lang hindi na sila mapigilang umiyak paano na kung last day na ?

"anak, kamusta?." sabi ni Mama 

"ayus lang po ako akala ko po umuwi na kayo . Nanay Sela wag na po kayung iiyak ng ganun ha? Nahihirapan po akong nakikita kayung ganun eh."

Pinilit niyang ngumiti kahit ramdam kong nasasaktan sya. Si mama naman ayaw bitawan yung kamay ko.-__-

"oo anak, hayaan mo hindi na ako masyadong iiyak "... 

"Ma, asan po si Papa?"

Wala pa si Papa , hindi ko pa kasi sya nakikita eh..

"ah si papa mo, andun sa office nya dito sa ospital, kailangan nyang magreport sa Director kaya baka sa bahay mo nalang siya makikita.".. sayang gusto ko pa naman siyang makausap.

"ganun po ba?.. Uwi na tayo Pls?.."

Umuwi na kami ng bandang hapon, Naabutan namin si Hazel na may dalang maleta . Aalis sya? Dahil kaya sa akin?..

TWO MonthsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon