CHAPTER 10

54 5 1
                                    

CHAPTER 10

Clyde's POV

Biglang sumakit ang tyan ni Kai, nagulat ako dahil ngayon ko lang siya nakitang ganyan. Namumutla at pawisan, namimilipit sa sakit ng tyan. Binuhat ko sya papuntang kotse. Hindi na sya ganun kabigat di gaya ng dati na niloloko ko sya na ang bigat bigat nya. Umiiyak ako dahil ako ang may kasalanan ng lahat ng to. Kung ipinakilala ko lang sana siya kay Riane, hindi mangyayari ang lahat ng to. Patawarin sana nila ako.

Habang nasa kotse kami kinakausap ko  sya para manatili siyang gising. Natatakot akong mawala sya ngayon. Kahit naman anung nangyare asawa ko pa din siya at minahal ko naman sya. Natatakot ako.. Nagsisisi ako ..

Nasa labas kami ng E.R umiiyak pa din silang tatlong babae. Pati ako dahil ayaw pa namin siyang mawala. Si Nanay ko, hindi tumitigil.

Sana lumaban pa si Kaira dahil hindi pa sya tinatanggap ng anak nya. Kailangan maging masaya siya sa mga huling araw nya.

Dumating si Riane kasama si Leur.

"saan ka ba nanggaling?"tanung ko agad sa kanya

"jan lang, Naglabas lang ng sama ng loob."

"Bakit mo ba kasi ginawa yun anak , yung kanina sa bahay?"

"papa hindi ko po sinadya yun. Natabig ko yung kamay nya. Im sorry po papa."

"hay kailangan magsorry ka sa kanya, wag sa akin ok"

"bakit po ba kayo nandito.. Anu po bang nangyare sa kanya?"

Dapat na bang ipaalam namin sa kanya yung nangyari ?

Biglang dumating ang pamilya ni Kaira. Umiiyak ang mama nya habang tinatanung nya ako kung anung nangyare.

"hijo anu bang nangyare?"

kinwento ko sa kanya lahat. Dahil don lalo syang umiyak. Si Alelie naman pinapatahan si Nanay at yung dalawang babae. Masyado ba kaming iyakin?

"anu na daw bang lagay nya,?" sabe ni Andrei

sumagot yung papa nila . Dahil hindi na nga daw tumatalab yung gamot, mas lumala yung sakit nya.. Dahil na din sa stress nagkaganun sya. 

Lumabas na yung doktor sa ER. Nagsilapitan na kami sa kanya para marinig yung sinasabi nya.

"stable na ang pasyente, pagpahingahin na muna natin siya. Dadalhin na namin sya sa kwarto nya , kaya antayin nyo nalang sya dun.

Hay salamat, lumaban sya..

nilapitan ng Papa nya yung doktor at nagusap sila narinig ko yung pinaguusapan nila.

TWO MonthsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon