Prologue :

3.2K 82 15
                                        

Dedicated to :
@DanielaMaeh

•••


NAGISING ako sa isang madilim na lugar. Kahit na anong pikit at dilat ko ay wala pa rin pinagkaiba. Sinubukan kong igalaw ang dalawang kamay ko pero hindi ko ito maigalaw.

"Damn! what is this?" iritable kong saad habang pinipilit na kumawala dahil pati paa ko ay nakatali rin. Nakaupo ako sa isang upuan habang nakatali ang kamay ko sa harap at paa na magkahiwalay ang pagkakatali.

Ano bang kalokohan ito? Kanina lang ay nasa bar ako at nagpapakalunod sa alak. Pumikit lang ako para umidlip lang sana tapos ganito na nangyari?

Nakarinig ako ng ilang kaluskos hanggang sa magliwanag ang buong paligid. Nakita ko ang isang babaeng nakatayo sa may pinto. Halos lumabas na yata ang puso ko sa sobrang pagkagulat.

"Finally, I found you, huh!" sabi ni Riechen habang nakasandal ito sa may pintuan ng nakahalukipkip.

Sa aking mga mata ay ang cool tingnan ni Riechen nung mga sandaling iyon. Naka-long coat ito ng kulay maroon at naka-boots. Nakatali ang buhok na bun style.

Shit! Why Riechen looks so cool?

Tumikhim ako. "Tatayo ka nalang ba diyan at titingnan ako rito na nakatali?" kunot noo kong tanong sa kanya.

Umangat ang isang sulok ng mapula niyang labi. Hindi ko maiwasan ang matulala at mapalunok. Parang ang tamis at ang lambot nitong tingnan. Parang nawalan ako ng laway at tila nauhaw habang tumatagal ang pagtitig ko rito.

"Nakatali ka na lahat-lahat nakukuha mo pa rin ang mag-angas." sabi niya ng lumapit na siya sa akin.

Parang nag-slow motion ang lahat habang tinatanggal niya ang tali sa kamay ko. Kitang-kita ko sa malapitan ang kanyang mukha. Kulay pula ang labi niya na tila hindi nababahiran ng lipstick. It's look like a natural color of her lips. Ang mahaba at itim niyang pilik mata na parang manika. Ang matangos niyang ilong.

"Done checking?"

Napasinghap ako. Hindi ko namalayan na natanggal niya na pala ang mga nakatali sa akin. Tumayo ako at masama siyang tiningnan.

"Asa!" tanging nasabi ko. Hindi ko alam kung ano ang ipapalusot ko dahil sa pagtingin ko sa kanya.

Nauna akong lumabas ng pinto sa kanya at naglakad nang mabilis para hanapin ang daan palabas. Parang inabandonang bodega ang lugar na kinaroroonan namin ngayon. Nang makita ko ang isang malaking gate ay pinuntahan ko ito. Nagulat ako nung harangan ako ng mga lalaki. Mukha silang basagulero at amoy alak.

"Paano ka nakatakas boy?" tanong ng lalaking nasa harapan ko.

"Pagkakakitaan ka pa namin tapos tatakas ka?" sabi naman ng isa.

Sila siguro 'yung nagtali sa akin. Humanda kayong mga ungas, I am Loui Diethard Reid at walang sino man ang puwedeng makatakas sa akin.

Bago pa man ako makakilos para suntukin ang tao na nasa harapan ko ay may humampas sa likod ko. Napabagsak at napahiga ako sa malamig na semento. Akmang hahawakan na ako ng lalaking kaharap ko ng bumagsak din ito. Kasama ng lalaking may hawak na kung ano na pinanghampas sa likod ko.

Nakita ko si Riechen na nakatayo sa harapan ko.

"Takbo." sabi ko pero hindi niya marinig dahil parang bulong lang ang boses ko.

Nakita kong susugurin na si Riechen ng mga lalaking nagsulputan sa kung saan. Marami sila, sobrang dami nila. Imposible na makaya itong labanan ni Riechen.

Shit! tumakbo ka na! Baka nakakalimutan mong babae ka Riechen! Na may pang beauty queen na ganda. Baka mamaya ay magahasa ka pa! sigaw ko sa isip.

Napapikit nalang ako at nakarinig ng mga tunog na tila may nasirang bagay. Pagdilat ko nakita kong nakatayo pa rin si Riechen habang nagkalat ang mga lalaking nakahiga na rin katulad ko.

Paano nangyari iyon?

Pumikit ako nang makita kong nilingon niya ako. Hindi ko alam bakit ko ginawa 'yon.

Naramdaman ko ang pag-alalay niya para mapatayo ako. Inilagay niya ang kaliwa kong kamay sa kanyang balikat. Ramdam ko ang mainit niyang kamay na nakahawak sa kanang baywang ko.

I smell her scent.

Pamilyar ang amoy na ito. Don't tell na siya 'yon? She's My Secretary with Secret Identity. Shit! How could it be?

(January 16, 2019)

She's My Secretary with Secret IdentityMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon