NAGISING ako sa isang mabangong amoy. Napabangon ako mula sa higaan ko at napatingin sa isang mesa malapit sa kama ko. May tray na nandoon na may porridge at gamot pati tubig.
"Ugh." napahawak ako sa ulo ko. Medyo nahihilo pa rin ako na epekto ng mahaba kong pagtulog. Halos tirik na rin ang araw dahil sa sinag ng araw na nanggagaling sa sliding door ko na palabas sa balkonahe.
Ilang araw na rin akong hindi pumapasok ng opisina simula ng magkasakit ako. Dahil nung araw na nakita ko 'yung keychain sa babaeng iyon ay pumunta ako sa lugar kung saan ko nakita ang batang babae. Wala na ang park sa lugar na 'yon. Isang malaking bahay na ang nakatayo roon.
Dalawang taon lang akong hindi pumasyal sa park na 'yon, naging isang malaking bahay na agad. Wala na tuloy akong mapupuntahan kapag malungkot ako. Dahil doon lang naman ako laging pumupunta bukod sa bar.
Nakatayo lang ako sa tapat ng bahay na 'yon at iniisip ko na park pa rin 'yon. Matagal akong nakatayo roon hanggang sa umulan ng malakas. Nanatili lang akong nakatayo kaya ang naging resulta ay nagkasakit ako.
"Kunsabagay, moderno na ang panahon kaya baka nagpa-opera na siya ng mata." sabi ko habang umaayos ng upo. Hanggang ngayon ay pinagkukumpara ko ang babaeng naka-one night stand ko at ang batang babae.
Hinarap ko ang porridge na mainit pa rin hanggang ngayon. Kinain at inubos ko iyon bago ko ininom ang isang gamot. Parang gumaan ang pakiramdam ko matapos kumain at uminom ng gamot.
Kinuha ko ang laptop na nasa side table ko at tiningnan ang mga files na pina-send ko kay Riechen. Kahit na may sakit ako ay hindi ko pa rin pinapabayaan ang negosyo namin.
Pagkatapos kong basahin ang mga files ay dumiretso na ako sa shower. Magaan na ang pakiramdam ko kaya makakapasok na ako bukas sa opisina.
Matapos kong makaligo at makapagbihis ay bumaba na ako sa kuwarto ko. Nasalubong ko sa hagdanan ang isa sa apat na maids namin.
"Ate Zen, salamat sa porridge ang sarap ng pagkakaluto." sabi ko na ikinagulat niya.
Nakasanayan na ng mga maids namin sa bahay na kapag may sakit ako ay nagwawala talaga ako. 'Yung tipong kapag hindi sinunod ang gusto ko ay sisigawan ko sila at magsisira ng gamit. Para akong bata na nasisiraan ng ulo kapag may sakit ako.
"Ah, Sir,"
Pinutol ko kung ano mang sasabihin niya sa pamamagitan ng pagsenyas ko sa kanya. Yumuko nalang ito at tumahimik.
"Si Mom, nasa library ba niya?" tanong ko dahil hindi ako sinilip kanina ni Mom sa kuwarto ko.
"Umalis ho Sir, may business trip daw po siya sa taiwan. Binilin niya po sa aming alagaan kayo." mahinang sabi ni Ate Zen na narinig ko naman.
"Okay." tipid na sagot ko.
Napadaan ako sa isang malaking picture frame na nakasabi sa dingding. Ito ang family picture namin. Nakatayo kami ni Dad habang si Mom ay nakaupo sa isang upuan.
"Masarap sigurong magkaroon ng isang kapatid." wala sa loob na sabi ko.
At dahil doon ay nabuo sa isip ko ang isa pang tanong.
Hindi kaya may kapatid ako? At binigyan din siya ni Dad? Kung hindi siya 'yung batang babae na 'yon, ibig sabihin naka-one night stand ko ang sarili kong kapatid? Teka, paano ako magkakaroon ng kapatid eh, wala namang kabit si Dad.
BINABASA MO ANG
She's My Secretary with Secret Identity
Romance(SHE'S THE GANGSTER I LOVE : Story of Euphemia Riechen Stadtfeld-Montecillo) Walang tumatagal na secretary kay Diethard kahit triple pa ang offer na sahod. Kahit na guwapo ito ay saksakan naman ng pilyo at masama ang ugali. Kaya mas pipiliin pa ng m...
