TAHIMIK lang akong nakatingin sa kapeng pinapabigay ni Riechen. Hindi ko pa ito nagagalaw simula nung ilapag ito sa mesa ko ng babaeng nagdala nito sa opisina ko.
Makailang beses ko na rin pinaikot-ikot sa kamay ko ang ballpen na hawak habang mataman kong tinitingnan ang pinto ng opisina ko.
Sigh~ Na saan na ba si Riechen? Bakit ang tagal naman niyang bumalik? Sa infirmary lang naman siya pumunta sabi ng babae kanina.
"Infirmary." bigkas ko sabay ng marahas kong pagtayo mula sa kinauupuan ko. "Hindi kaya——" mabilis akong lumabas ng opisina ko at sumakay ng elevator ko.
Bawat sigundo ay tila kinakabahan ako kahit na wala pa namang 30 minutes ng pumunta siya roon.
"Makita ko lang 'yon talagang makakatikim siya." bulong ko sa sarili ko.
Ilang araw palang na secretary ko si Riechen ay may narinig akong pag-uusap na hindi ko gustong marinig. 'Yung mga naka-duty daw sa infirmary ay crush si Riechen at 'yung company doctor namin na laging nasa infirmary ay nanliligaw kay Riechen.
Pagbukas ng pinto ng elevator ay dumiretso ako ng infirmary at hinanap agad siya ng mga mata ko pero walang Riechen na nandoon.
"Na saan ang on duty na doctor dito?" tanong ko sa Nurse na tulalang nakatingin sa akin.
Ang dalawang Nurse at isang Doctor na naka-duty dito ay puro mga lalaki.
"Kumain po sa labas, Sir." tila tense na sagot niya sa akin.
Napatingin ako sa name tag niya. Nurse Roy.
Kumain sa labas kasama si Riechen? Sa oras ng trabaho? Fuck!
"Kumain sa labas sa oras ng trabaho?" tila natatawang sabi ko habang nakatingin sa kanya.
"Ah, Sir." mabilis siyang yumuko sa akin ng 'di na kinaya ang masama kong pagtingin sa kanya. "Tanghali na po kasi at oras ng break time na po namin. Palabas na rin po sana ako para kumain." halos mautal na sagot niya sa akin.
Tanghali? Break time?
Napatingin ako sa relong nakasuot sa aking kaliwang kamay.
"Twelve twenty." mahinang sabi ko.
Lumabas ako ng infirmary ng hindi nagsasalita. Hindi ko na rin nilingon pa ang taong kausap ko.
"Loui Diethard Reid. You. Are. Really. Out. Of. Your. Mind." kastigo ko sa sarili.
Marahas kong naisuklay ang buhok ko gamit ang kaliwang kamay ko. Kung mahaba lang siguro ang buhok ko ay nasabunot ko na ang sarili ko.
Ano bang mayroon sa babaeng 'yon? Para ng akong baliw na nawawala sa sarili kapag naiisip siya.
Napatingin ako sa paligid ko. Tahimik at walang tao.
"Saan naman kaya kumain sila?" sabi ko na naiisip na naman siya. Muli ay nakaramdam na naman ako ng iritasyon.
BINABASA MO ANG
She's My Secretary with Secret Identity
Romance(SHE'S THE GANGSTER I LOVE : Story of Euphemia Riechen Stadtfeld-Montecillo) Walang tumatagal na secretary kay Diethard kahit triple pa ang offer na sahod. Kahit na guwapo ito ay saksakan naman ng pilyo at masama ang ugali. Kaya mas pipiliin pa ng m...
