KULANG nalang ay matunaw si Riechen sa pagtingin ko sa kanya mula nang pumasok siya ng opisina ko. Hanggang sa paglabas niya ng pinto ay nakasunod pa rin ang tingin ko sa kanya.
"Baka bigla nalang siyang matunaw sa ginagawa mo."
Napatingin ako sa taong nakaupo sa tapat ko. Nakangisi ito na may nakakalokong tingin.
Damn! Huling-huli ako.
"Hindi siguro, may iniisip lang ako." depensa ko. Ayokong aminin na totoong nakatingin talaga ako kay Riechen.
Tumaas ang isang sulok ng kanyang labi habang pinanliliitan ako ng mata. Sa paraan ng pagtingin niya ay parang may gusto siyang malaman.
"Enouh! Rylle Co!" biglang tawag ko sa pangalan niya.
He is my buddy, my childhood friend and also my best friend. He's a Doctor. Kahit na busy kami sa kanya-kanya naming career ay naglalaan pa rin kami ng time together. 'Yung tipong hindi pa rin nagbabago 'yung samahan at bonding namin simula nung mga bata palang kami.
"You can't fool me, Diethard. You've never done this to any woman. I've never seen you like the way you looked at her. Are you attracted?" he grin with a malicious look.
Uh, oh.
"Drop it! Whatever thoughts you have now. I am just thinking of how she managed to work here, she was working here for almost one week! She never quit!" sabi ko sabay kuha ng isang tasa ng kape na dinala ni Riechen.
"Based on her looks, she has a goddamn body that every man dreams to have and to taste too."
Bigla kong naibuga ang nainom kong kape kay Rylle dahil sa sinabi niya.
"Geez, Diethard. Kakaligo ko lang! Bakit binugahan mo ako ng kape?" inis na sabi niya.
"Hehe." tanging nai-react ko. "Nagulat lang ako sa sinabi mo tungkol sa kanya. Mali ka ng iniisip, wala siyang ganoon na kata——katawan!" sabi ko na biglang napahinto ng sandali.
Biglang rumehistro ang ginawa ni Riechen nung una kaming nagkita. Her perfect curve, her bust and hips. Pati ang dalawang abs na medyo visible. I bet na naggi-gym talaga siya.
Shit! I am damn attracted to her.
Hindi ko alam kung paano nakakatagal ang isang Riechen. Parang sisiw lang sa kanya ang mga pagpapahirap na ginagawa ko. Hindi pa rin siya umaalis.
"Base sa reaction mo," tumikhim siya kasabay ng nakakalokong ngiti nito.
Napasinghap at napaatras ako mula sa pagkakaupo. Para akong natuod sa kinalalagyan ko.
"Nah, ah! Kung ano man 'yang tumatakbo sa isip mo ay mali. I am not damn attracted to her! Baka siya pa ang attracted sa akin." sabi ko. Kulang nalang ay humaba ang ilong ko sa pagsisinungaling kong iyon.
Curious lang ako hindi attracted. Hindi secretary material 'yung itsura niya. It was more than that, like what I've been thinking. Maybe, she's a queen, a beauty queen. Sa paraan palang ng pagsagot niya sa tanong ko nakaraan ay parang Q and A ito.
"Alright, sabi mo, eh." he teased me. "Anyway, balita ko may muntik ng mang-ambush sa 'yo nakaraan. Mabuti naman ligtas ka. Hindi ko kayang mawalan ng buddy bestfriend." bigla siyang nag-alala.
Tiningnan ko si Rylle na nagpupunas ng katawan gamit ang tissue na nasa table ko. Nakaramdam ako ng guilt dahil binugahan ko siya ng kape. Alam ko na medyo mainit iyon pero mukhang kaya naman niya. Maliban sa malagkit na pakiramdam ng kape na dumikit sa katawan niya.
Tumayo ako. "Hindi ko alam kung sino 'yung gustong magpapatay sa akin. Wala akong maisip na pinagkakautangan ko ng buhay para buhay ko ang kapalit. Masuwerte lang ako nung araw na iyon dahil may taong dumating. Kung hindi dahil sa taong may asul na mata baka pinaglalamayan pa rin ako hanggang ngayon." sabi ko habang pumipili ng damit sa closet na nasa opisina ko.
Minsan ay hindi na ako umuuwi ng mansyon dahil may closet na ako sa loob ng opisina. Mayroon rin na isang pinto malapit sa shelve kung saan ay mayroon akong kuwarto at C.R. Ako mismo ang nag-isip na palagyan ng ganoon ang opisina ko. Para kapag marami akong dapat asikasuhin ay may lugar akong tutulugan at pagliliguan.
"Maybe, one of your previous secretary? Balita ko ay triple ang sahod na in-offer ni Tita Dianne para maging Secretary mo." seryosong sabi niya.
"Oh, Rylle gamitin mo muna itong polo ko. Mag-shower ka muna sa loob." sabi ko sabay turo sa pinto na katabi ng shelve ko.
"Thanks, Buddy. Nanlalagkit na talaga ako. May duty pa ako mamaya sa hospital." sagot niya matapos kunin 'yung inabot ko sa kanya.
Tumango nalang ako at bumalik sa upuan ko. Napalumbaba nalang ako at napapikit ng dalawang mata.
Who are you? Bakit mo ako iniligtas? At sino 'yung gustong magpapatay sa akin?
Pakiramdam ko ay kanina lang ito nangyari. 'Yung dalawang asul na mata niya ay parang may kung anong orbs na humihila sa akin palapit doon. Nakaramdam ako ng lamig ngayon.
"Sir?"
Nagitla ako kasabay nang pagmulat ko ng mata. Nasalubong ko ang dalawang mata ni Riechen. Those almond shaped black eyes of her that makes me shiver.
"Hindi ka ba marunong kumatok?" sigaw ko sa kanya habang masama siyang tinitingnan.
"Kumatok naman ako bago pumasok." sagot niya na hindi man lang nasindak sa pagsigaw ko.
Paano ko ba matatakot ang babaeng ito? Amazona ba siya o robot? Pero sayang naman kung robot siya.
Bigla akong napailing dahil bigla akong nanghinayang kapag naging robot si Riechen.
"Pagpasok ko ay nakapikit ka akala ko ay umidlip ka or nag-iisip ng malalim. Kaya ako nandito para ibigay ito sa inyo." pagpapatuloy niya. Inilapag niya ang isang invitation mula sa isang company.
Chengfei Group of Company.
"Riechen." tawag ko sa kanya. Pero ang tanging nakita ko lang ay ang pasarado ng pinto. "Shit! sinabi ko bang umalis siya? Wala pang babae ang tumatalikod sa akin habang kaharap ako!" napakuyom ako ng kanang kamay.
"You, okay? Parang may kaaway ka yata?" biglang sulpot ni Rylle mula sa gilid habang tinutuyo nito ang buhok gamit ang puting towel.
Napahampas ako ng mesa gamit ang dalawang palad ko kasabay ng pagtayo ko. Pumunta ako sa shelve na may naka-display na alak.
I need this to calm me down.
(February 02, 2019)
◇◇◇
Yazuakie's Note :
Sa gustong magpa-dedicate ng chapter, comment lang. 😊 This story was made by your support. Wala ako ngayon sa narating ng She's The GANGSTER I Love kung walang suporta ninyo. lovelots. ♥♥
BINABASA MO ANG
She's My Secretary with Secret Identity
Romance(SHE'S THE GANGSTER I LOVE : Story of Euphemia Riechen Stadtfeld-Montecillo) Walang tumatagal na secretary kay Diethard kahit triple pa ang offer na sahod. Kahit na guwapo ito ay saksakan naman ng pilyo at masama ang ugali. Kaya mas pipiliin pa ng m...