Pagkadating na pagkadating ko naman sa bahay, humilata na ako sa kama ko dahil pagod na pagod na talaga ako kakaikot sa mall.
*FLASHBACK*
"Miss saan po ba ang Shakey's dito?" Tanong ko dun sa babae sa may counter.
"Uhm, Ma'am doon po sa may 3rd floor pa po." Sabay ngiti sa'kin ng malambing nung babae.
"Ay. Sige po. Thank you!" Sabi ko bago ako makalabas ng F21 para hanapin sila Mama.
~
Pagdating ko sa Shakey's, wala naman sila dito! Kaya ang ginawa ko ay nag-iiikot naman ako sa buong 3rd floor. WALA!
2nd floor. WALA!
1st floor. WALA!
Well, hindi ko pa naman na eexplore yung ibang floor, kaso hingal na hingal na talaga kasi ako.
Rine-check ko naman kung andun ba sila sa 2nd floor. Sinilip ko ang F21, andun lang naman pala!
Langyangyan!
*END OF FLASHBACK*
Diba? Sino bang hindi mapapagod ng ganun diba? Ang sakit kaya sa paa at leeg. Kasi iikot ikot pa yung ulo mo para i-check kung nandun sila sa floor. Sino bang hindi mapapagod diyan?
"Camisha! Kain na!" Sigaw ni CJ sa labas ng baby blue kong kwarto. Tong batang to talaga. Walang respeto
"Maya na! Busog pa ako!" I mumbled to my pillow. Actually, the truth is, tinatamad lang akong tumayo.
Hindi na sumagot si Mama nor si CJ so ibigsabihin ay magffacebook muna ako.
Pagsilip ko sa profile ko, may nakatag sa'kin na picture. Yung nabangga kong lalake. Yung si King. Na natapunan ko ng ice cream.
Aishtt. Panibagong issue nanaman to. Sigurado! But! But! But! They won't recognize me because of my new look on Monday.
MONDAY MORNING
Mukhang tama nga ako. Kasi hindi talaga nila ako kilala. Kasi ang suot ko today ay isang sleeveless na baby blue ang kulay with blue flats, naka-braid ang hair ko sa isang side and naka-contact lens ako na hazel brown ang kulay.
Dumaan naman muna ako ng SC Room, para matanong kung anong oras yung meeting mamaya.
"Mitch, anong oras yung meeting mamaya?" Tanong ko na ikinagulat niya.
"S-Sino ka? Hindi ka pwede dito ah. Labas na! Baka makita ka pa ni Ms. VP." Sabi niya na may kasamang motion na 'labas-na-nga'.
"Mitch. Ako to. Si Ms. VP?" Sabi ko habang binababa yung mga libro ni Mitch Albom, na binili ko kahapon, sa table ko. Ang tumawa dahil sa reaksyon ni Michelle.
"C-Camisha? Ikaw ba talaga yan?" Hindi makapaniwala niyang tanong.
"Syempre! Sino pa ba ang taong makakaalam ng password sa twitter mo?"
"Ikaw syempre. Pero--"
*DING* *DING*
"Naku. Sorry, Camisha ha? Maya nalang. Bye." Sabi niya habang nagmamadaling lumabas ng SC Room, kasama na rin yung iba pang officers na natitira sa room. Aaand, now it's just me and my books.
Hays. Loner ko talaga, kahit kelan! Makalabas na nga. Baka ma-late pa ako sa Math Class ko ehh.
~
"Alonzo."
"Present."
"Balles."
"Present."
.
.
.
.
.
"Villafleur."
"Present." Sabi ko nang matawag na ang pangalan ko. Pagkatapos kong sabihin yun, lahat sila ay nagtinginan. Aishh. Oo nga pala. New look.
Nagsimula nang magbulung-bulungan yung mga kaklase kong babae. Kesyo malandi daw ako, bakit? Tinatawag nila sarili nila? Hmmp.
Tumigil ang bulungan nang dumating si Mitch. Mayi-aannounce siguro. Pero... Ba't di ako kasama?
"Uhm, guys. Sino-sino po dito ang mga naka-lista sa ABTP?" Mataas at ma-awtoridad niyang sabi dahil nag-iingay nanaman sila.
I slowly raise my hand, for everyone to see na kasama nga ako. At nagsimula nanaman ang bulungan.
"Grabe! Sa tingin ba niya, may mai-inlove sa kanya, kaya siya nagpa-make over?"
"Ang landi-landi niya talaga!"
"Maglalast yan... Hinding hindi maiinlove yung kapartner niya!!"
Hiyang hiya naman yata po ako sa mga mukha ninyong makakapal dahil sa mga make-up ninyo! Hmp. I'll show them. Mananalo ako sa contest na'to! Hai!
"Okay." Sabi ni Mitch tapos ay tumingin kay Ma'am. "Ma'am, can I excuse the said students?"
Tumango nalang ito bilang sagot.
~
"Okay, ikaw Andrew ang pair mo ay si Mindie." Sabi ni Mitch habang chinicheck yung listahan ng mga pairs.
It really is nakakakaba. You don't even know kung sino ang magiging ka-partner mo. Pero medyo nakakathrill na rin. Kasi nga... Hindi mo kilala. Kaso mahirap na kung yung lalaking ka-pair mo, selosa pa yung girlfriend. Nako, patay na.
"At last but not the least," Okay.. Ako na, sino kaya yung akin? Cross fingers for luck! "Ikaw, Camisha ang kapartner mo ay si..."
YOU ARE READING
A Boyfriend Testing Program [EDITING]
RomanceA Boyfriend Testing Program: a bizarre program in which you will lend your boyfriend to another woman in a specific time limit. The only way to win is that your boyfriend must not fall in love with his 'partner'. The one who wins will have straight...