"Aray!" Sabi ko habang ginagamot ng nurse ang sugat sa braso kong hindi ko alam na mayroon pala.
"Konting tiis nalang, Camisha. Lilipat din yung limang yun." Narinig kong bulong ni Lean. Siguro yung mga mean girls yung tinutukoy niya. Nakakatuwang isipin na may ganito pa palang tao sa panahon ngayon, yung gagawin yung lahat para sa kapakanan mo.
"Oh, ayan na Hija. Lagi ka nalang pabalik balik dito. Gusto mo ako na ang magsumbong para sayo?" Sabi ni Nurse Mae. Dahil sa paulit ulit na pagkakabully sakin, friends na kami ni Nurse Mae. Paulit ulit nya na rin saking tinanong yan pero lagi ko nalang tinatanggihan. Umiling nalang ako sa kanya habang nakangiti.
Nang masabi ni Ate Nurse yun, agad-agad akong linapitan ni Lean para maalalayan pababa sa higaan na inupuan ko.
"Kumain ka na ba ng lunch?" Tanong niya sa'kin na may bahid ng saya.
Umiling nalang ako bilang sagot. Dahil ayoko pang magsalita.
"Then, let's go to the cafeteria!" Sabi niya ng sobrang tuwa. Inakbayan naman niya ako habang naglalakad kami sa hallway. Ayan tuloy pinagtitinginan kami ng mga tao. I don't like the word 'attention' nor it's meaning.
Pagkapasok namin ni Lean, all eyes on the nerd nanaman. May nakarinig din akong mga bulong.
"Psh. Por que, kaibigan na yung anak ng may-ari ng school, makikipag-landian agad?"
"Ang landi-landi nang Villafleur na yan!"
"Kaya nga.. Pasalamat siya at kaibigan siya ni Lean! Kundi..."
Hays. Pati sa mga ganyan na comment? Sanay na ako.
Tahimik kaming naglalakad ni Lean papunta sa table ng mga kaibigan niya.
"Yo! Bro!"
"Mr. Zabala!"
"Sup, Lee?"
"Mornin' Turner!"
"Musta naman ang prinsepe at ang prinsesa?"
Nakakatuwa talaga ang mga kaibigan ni Lean. Hindi rin sila yung tipong mayabang dahil sa posisyon nila sa school. Sadyang yung mga tao sa paligid nila ang nagpaparamdam sa kanila kung gaano sila kaimportante.
Umupo na kami sa table nila. Tumanggi pa ako sa una kasi nakakahiya naman. Mga popular kids sila tapos makikipaghang-out sa isang nerd na tulad ko? Diba?
"Anong gusto mo, Camisha?" Narinig kong tanong ni Lean sa tabi ko.
"Uhmm. Nutella frappe at isang malaking tube ng Oreo nalang Lean. Eto oh," Sabi ko sabay abot sa kanya nung 350 ko. "Yan na pambili mo."
Hindi na siya umimik at pumunta nalang sa counter.
Okay. Habang wala si Lean, ie-explain ko sa inyo ang mga posisyon ng mga kaibigan at mismong si Lean na din...
Andrei & Andrew Berks: Ang Kambal na kasama sa isang sikat na banda sa school
Cedric Meldue: Ang heartthrob sa buong campus
Kian Quiorte (pronounced as 'kiyorte'): Kilalang playboy
Richard Esquivell : Tatay ang isa sa mga sikat na mga artista sa buong mundo
At si Lean, ang isa sa maraming descendant ng founder ng school. Pero it doesn't mean that they own it right now. They used to own it pero dahil mapera yung isa sa mga ninuno nito, binenta yung university at ngayon, pagmamay-ari na ng iba.
Diba? Ang sisikat nila? Samantalang ako, isang hamak na nerd na maswerteng naging kaibigan ang anak ng may-ari ng school. Well, mayaman din naman ako, and my parents are famous, ang kaso nga lang... I'm only popular when it comes to Academics. Hindi pumasok sa isip nila na anak ako ng sikat na magasawa dahil nga sa itsura ko.
Habang nagbabasa ako ng Physics ko, naramdaman kong may malamig na bagay sa balikat ko. Lumingon ako para makita ang isang large na Nutella frappe na may isang kamay na hawak-hawak ito. Sinundan ko ang kamay na iyon pataas. I am in shock.
"L-Louie."
YOU ARE READING
A Boyfriend Testing Program [EDITING]
Roman d'amourA Boyfriend Testing Program: a bizarre program in which you will lend your boyfriend to another woman in a specific time limit. The only way to win is that your boyfriend must not fall in love with his 'partner'. The one who wins will have straight...