Like always, nagising ako ng maaga. Pagdating ko sa school kanina, maraming nakatingin sa akin na para bang may masama akong ginawa. Kinakabahan din ako.. Ano nga ba talagang ginawa ko..?
Habang naglalakad ako sa hallway kasama si Mitch, na nagbabasa (nanaman) ng libro, naaninaw ko ang bulletin board na pinalilibutan ng maraming tao.. Which is, very weird.
"Mitch.. Mitch.." Bulong ko habang sinisiko siya. "Tingnan mo oh. Andaming tao sa bulletin board." Sabi ko habang papalapit na kami sa bulletin.
Nang makarating na kami ng tuluyan, biglang nagsihawian yung mga tao. At may lumabas na matangkad na babae, sexy rin siya at.. maganda.
Lumapit siya sakin at..
*PAK*
Mmm, napakalutong ng sampal. and guess what..? Siya ang sumampal.. And, OUCH.
Speechless pa rin ako ng hilahin ako ng isang braso at ilagay ako nito sa kanyang likod.
"Althea!!" Sigaw niya. Unti-unti akong nanghihina. Ba't ganyan siya..? Hindi naman kami :'(
"Oh so ngayon prinoprotektahan mo yang nerd na yan?! Hindi ibigsabihin na ka-partner mo siya.. Eh yayakapin mo na agad!!" Bulyaw ng Althea na tinawag niya. Naiiyak na ako ng yakapin niya s Althea.
"I told you. Ikaw lang. I was just practicing.. Acting. Pero, kailangan mo bang manakit..?" Sabi ni King kay Althea. At dahil sa mga sinabi ni King mukhang kumalma siya. Hindi ko na kinaya at napaluhod nalang ako sa sobrang panghihina at hindi na makahinga. Nagdilim ang paligidko at ang huling naramdaman ko ay ang mga malalamig na braso ni
Louie.
~
Nang imulat ko ang aking mga mata, nakaramdam ako ng isang kamay na nakapulupot sa aking mga maliliit na kamay. Lumingon ako sa aking kanan at nakita ko ang isang tulog na King.
Nakapagtataka, bakit siya ang nandito kung si Louie ang sumagip sakin..?
Nagising si King, pero pinikit ko yung mata ko. Magtutulug-tulugan muna ako. Hihi
"Hayy nako Camisha, buti nalang at hindi ka sinabunutan nung Althea na yun.." Then I heard him chuckle. "Hayaan mo na, babawi nalang ako sayo." Sabi niya habang pinaglalaruan yung mga daliri ko.
Agad ako namula sa kanyang ginawa. Hinayaan ko nalang. Baka sabihing..
"Oh.. Hala. Ba't ka namumula?! Nurse! Nurse!" Narinig kong sigaw niya kasabay ng pagbukas at sarado ng pinto. Pinipigilan ko lang ang sarili kong hindi tumawa sa ka-OA-han niya.
Nakarinig nanaman ako ng bukas at sarado n pinto. Wow ha? Ang bilis. Ano yun? Kiladkad yung nurse para maka-punta agad dito?
"S-Sir, wala naman pong masamang nangyari. Mukhang nainitan lang siguro po siya. Babaan ko nalang po yung temperature." Sabi ng nurse kay King. Nang mababaan na nung nurse yung temperature, umalis na ito.
Naramdaman kong umupo ulit si King at hinawakan ulit ang kamay ko. May naramdaman akong mainit na bagay na dumampi sa aking kamay.
"I hope that kiss will make you feel better." Sabi niya bago pa akong tuluyan nang nakatulog.
YOU ARE READING
A Boyfriend Testing Program [EDITING]
RomanceA Boyfriend Testing Program: a bizarre program in which you will lend your boyfriend to another woman in a specific time limit. The only way to win is that your boyfriend must not fall in love with his 'partner'. The one who wins will have straight...