Nang matapos magsalita ang emcee, nagsidatingan naman ang mga sous chef na may dalang tray. Inilahad nila ang appetizer sa aming harap. Buti nalang at noong bata pa ako ay in-enroll ako ng magulang ko sa isang class for proper etiquette.
Naramdaman kong may tumabi sa akin. Napatingin ako at ang nakita ko ay si King. Umusog pa siya ng kaunti para bulungan lamang ako ng, "Dahan dahan lang. This is a six course meal." tumawa pa siya ng bahagya.
Naamoy ko ang kanyang hininga.
Minty.
Pinupunasan ko na ang aking bibig nang higitin ako ni King patungong dance floor. Ang kanyang kamay ay napunta sa aking baywang at naramdaman ko ang paginit ng aking pisngi.
Ah, ang epekto ng isang Cruise.
Ako ay napangiti na lang at ipinatong ko ang aking kamay sa kanyang balikat. Sinimulan na namin ang pagsayaw. Ang mata ko'y nasa kanya lamang at ganon din ang kanya.
Shet. Kinikilig ako. Di ko to kaya, Lord.
Pasimple kong pinunasan ang ilalim ng aking ilong para makita kung meron bang dugo. Wala naman.
"Are you okay?" aniya.
Ang kanyang titig ay nanunuot sa kinailalimlaliman ng aking kalamnan. Hoy jusko! Parang bigla atang uminit...
Sinagot ko siya habang may mukha ng pagtataka, "Huh? Oo..."
"Are you sure? Because if you don't feel well, we can just leave the party and go to my house."
Ah okay. I'm going to his house daw. Ah, oo, sige.
Napatingin ako sa kanya habang pinipigilan ang pagtili sa gitna ng dance floor.
"I mean, if it's okay for the birthday boy to spend his birthday with someone like me..."
Nakarinig ako ng pagkalabit niya sa kanyang dila. Galit siya? Bakit?
Tumigil siya sa pagsayaw kaya ako rin ay napatigil. Hinila niya ako muli papunta sa isang table kung nasaan ang parents niya at si Kuya Ivan. Nagpaalam siya na aalis na siya dahil masama ang pakiramdam ko.
Na-guilty tuloy ako. Di naman talaga masama pakiramdam ko eh, tapos iiwan niya tong party na to para sakin. Not to mention, the long line of girls waiting for him to be free para sila naman ang makasayaw niya.
Pagod akong nagbuntong hininga nang makalabas na kam ng venue. Ang aga aga naman ng party nila. Sana mamayang gabi nalang para mas romantic sana.
Maglalakad na sana ako nang maramdaman ko ang bisig ni King sa aking hita at balikat. Pipigilan ko sana siya pero baka mahulog ako so...
"King, put me down." Sabi ko habang buhat niya ako at ang isang ngiting aso ay nakasilay sa kanyang mga labi.
"You're lighter than I thought. Weren't you fatter befo--"
"Aba! Bastos ka ah! Ano tingin mo sakin? Di body conscious?"
Hindi niya na ako sinagot dahil nandito na kami sa tapat ng kanyang sasakyan. Binaba niya ako at isinakay sa front seat. Umikot siya at sumakay na sa driver's seat.
Namula ako nang maalala ko ang nangyari kanina. Tinakpan ko ang aking mukha at umiiling-iling na parang baliw atsaka sinubukang pakalmahin ang aking sarili.
Di ko talaga to kaya.
"Are you really that excited and embarrassed to go to my house?"
Shit.
Oo nga pala.
YOU ARE READING
A Boyfriend Testing Program [EDITING]
RomanceA Boyfriend Testing Program: a bizarre program in which you will lend your boyfriend to another woman in a specific time limit. The only way to win is that your boyfriend must not fall in love with his 'partner'. The one who wins will have straight...