04

75 4 0
                                    

A WEEK LATER...

"Huy! Camisha! Wag ka na magtampo! Uy huhu." Pangungulit ni Michelle sa'kin. Paano ba naman kasi?!

*FLASHBACK*

"Camisha, pamigay mo muna to sa mga Freshmen at Sophomores din. Isali mo pa yung mga Juniors at iba pang mga Seniors." Sabi sa'kin ni Mitch habang patong ng patong ng mga flyers na kung ano man yun.

Hays. Paano na yan? May ia-advance reading pa ako sa Math. Juskooo.

~

Habang namimigay ako ng mga flyers may kumalabit sa'king isang babaeng matangkad, maganda at higit sa lahat ay mukha namang mataray. Bagong mambubully nanaman ba?

"Ikawng nerd ka! Ba't ba kailangan mo pang sumali sa ABTP? Eh nerd ka lang? Hah! Kung over-confident ka na makukuha mo ang pagmamahal ng magiging ka-partner mo, well, sorry ka nalang! Akin lang si Rich ko!" Sabi niya sabay walk-out. 

Masyado siya ahh? Over-confident daw? At ano yun? Ako? Sasali sa ABTP?

Nang maalala ko na si Mitch lang pala ang nagbabantay dun at ang nagpapalista ng mga sasali na mga babae't lalake. Mitch!

*END OF FLASHBACK*

"Oo na! Oo na! Ba't mo ba kasi linagay yung pangalan ko dun? Mitch naman eh. Alam mong ayaw ko ng mga ganyan! Ikaw talaga---" Napatigil ako sa announcement na binigay ni Principal Rhista.

"Sa lahat ng mga kasali sa 'A Boyfriend Testing Program' ng Student Council, please do report in my office later at 5 pm."

Hays. Uuwi pa nga ako sa bahay para mag-review ulit sa Math para makapasa ako sa long quiz bukas. Kainis naman.

LATER AT 5 PM

"As you see, may program na ginawa ang buong Student Council so I expect for you to participate in this activity. I guess you already know what to do in this program. So, for the pair who will win this program, that goes all through out the year, will receive a secret prize. I expect all of you to do your best not to cause any chaos for anybody. Ang magsisimula ng away ay automatic may isang session for detention. And yes, I support this program because I want these playboys to learn their lessons. If you really treasure the relationship you have right now, you better win this program. If not, I'm sorry." Mahaba-habang explain ng Principal na nasundan ng isang beep.

"Okay, kids, you may go now. Meeting dismissed." Sabi niya habang inaayos yung gamit niya at mukhang nagmamadali. Masisisi mo ba kung may 2 siyang anak na nagiintay sa Zabala Mansion? 

Lumabas na ako ng Principal's Office dahil baka mapagalitan ako ni Papa't Mama. Maglalakad pa man din ako. Mayaman nga ako, pero naglalakad lang ako kasi malapit lang naman yung Villa namin dito ehh.

Habang naglalakad ako, may napapansin akong may sumusunod sa'kin. Pero pag lumilingon ako. Wala namang tao. Weird.

Lakad pa rin ako ng lakad, hanggang sa hindi ko na mapigilan at lumingon ulit ako, hawak-hawak ang self-defense na binigay ni Daddy for my 10th birthday.

A gun especially made for me, named CJV 2.0.

"Whoah! I was just trying to follow Louie's orders, and now you're gonna try to kill me?! Are you fucking retarded?!" Sabi ng isang chinito na medyo gwapo.

"Kasalanan ko bang matakot dahil may sumusunod saking hindi ko kilala? And Louie's orders?" Sabi ko sa kanya habang nakatututok pa rin yung CJV 2.0 sa kanya.

"Yeah. Louie said to make sure you get home safely." Sabi niya sabay kamot sa batok.

"Stop following me. And tell Louie to stop doing this."

Hindi na siya umimik, kaya lumayas na. Hayy. Buti nalang baon-baon ko tong CJV 2.0 araw-araw.

~

"Princess ko!"

"Ate Camisha!"

"Dalaginding ko!"

Tig-iisa silang sigaw nang makarating ako ng bahay. Ganyan talaga sila pag late na akong umuuwi. That's how my family is. Mayaman man, mas importante naman ang pamilya para sa'min.

"Princess ko, ba't late ka na umuwi?" Tanong ni Daddy Haley. 

"Kasi po pinatawag kami nung Principal dahil sa isang program sa school. Yung 'A Boyfriend Testing Program' po? Sinali po kasi ako ni Michelle kahit ayaw ko." Sabi ko habang naka-pout. Eh sa ayaw ko naman talaga ng mga ganyan-ganyan.

"Ah ganun ba? Edi kailangan mong maging maganda! Para naman magkaroon ng Prince Charming ang Princess namin." Sabi ni Daddy na para bang teenager na kinikilig dahil binigyan siya ng crush niya ng flowers.

Ganyan ang family ko. Walang matanda, walang bata. Laging bagets kami dito. Si Mommy kasi eh. Gusto niya na lagi dawng bagets bagets para daw hindi tumanda ng maaga.

"Ehh Daddy, hindi ko naman kailangan ng Prince Charming. Kasi may family na ako." Sabay ngiti at yakap sa kanilang tatlo.

"Pero, Princess, kahit ganun, ibabalik namin ang dating Camisha Jade Villafleur na kilala namin. Pero! Yung itsura lang. Para kahit matalino, maganda!" Sabi naman ni Mommy Chloe habang pumapalakpak.

"Okay, then! This Saturday nalang siguro? Tutal Thursday naman na, para mapabilis ang pagiging maganda mo." Pagpaplano ni Mommy. "Diba next week na rin yung ABTP niyo?"

Tumango nalang ako bilang sagot. Medyo napagod din kasi ako eh.

"Then it's settled! Mga 3 ng hapon siguro, Mommy?" Tanong ng nakababatang kapatid ko na si Candy Jane. Siya rin, at the age of 10 makukuha niya na rin ang baril na pinagawa ni Daddy para sa kanya.

"Sige, baby Candy ko." Pagsang-ayon ni Mommy kay CJ.

"Sige Mommy, Daddy, CJ. Tulog na po ako. Nakakapagod na po kasi ang araw na to eh." Sabi ko habang humihikab. 

"Sige, Princess. Akyat ka na. May pasok ka pa bukas." Sabi ni Mommy.

"Goodnight na po!" Sigaw ko sa kanila habang umaakyat na sa kwarto ko para matulog.

A Boyfriend Testing Program [EDITING]Where stories live. Discover now