She smells something good like some sort of beef teriyaki. It soothes her nose that it felt like she wants to find out where it is coming from and devour it. Could she still be dreaming?
Minulat ni Yve ang mga mata at tumingin sa bedside table. It's 8am and the sun is high. She could hear country music coming downstairs. And oh, it wasn't a dream. She still can smell the good aroma of food. Zach must have been cooking.
Agad siyang tumayo at nagbihis para bumaba. Nakakaramdam na rin siya ng gutom at malamang ay naghahanda na ng almusal si Zach. Agad siyang bumaba at binati nang makita ito sa kusina.
"Good morning, Zach. You really have a way waking me up."bati niya rito nang nakangiti.
"Good morning, gorgeous! Feeling hungry now?"nakangising sa got nito.
"Yeah. Starving is actually the perfect term to use at this time."sagot niya habang lumalapit rito. Gusto niyang makita ang niluluto ni Zach.
"Good. Cause in 2 minutes, matatapos na ito and we're gonna have breakfast together. And then we're gonna go back upstairs so I can be busy with making love to you. Sounds like a plan, Mrs. Valeria?" nanunudyong tugon nito.
"Ewan ko sa'yo, Zach. Ayaw mo talaga akong tigilan dyan sa kalokohan mo."
"Well, nagbabakasakali lang naman na pumayag ka. But hey, I cooked something special for you. It's one of my specialties and best seller back in Aussie. Spicy and cheesy chicken gourmet with pineapple toppings. And I want you to decide kung pwede sa restau business natin."
"Well, pangalan at amoy pa lang, mapapa oo na ako. And all you have cooked so far tastes delicious so ngayon pa lang, ilagay mo na sya sa menu list mo."
"Sure thing, milady."sagot nito habang hinahain sa plato ang niluto. Agad din nitong nilagay ang pagkain sa dining table.
"Any plans today, Yve?" tanong nito nang makapuwesto na sila.
"Well, I'll just have to sort some things out sa firm and do some site visits. And maybe pass by Dad's office to see if there is anything I can help with all this transitions."casual niyang sagot dito.
"Call me. I'll pick you up sa firm."
Agad niyang natigil ang pagsubo at napatingin rito.
"I really don't think that is necessary, Zach. At isa pa, magiging busy ka buong araw. I really dont want to get in your way."
"On the contrary, Yve. May business meeting ako malapit sa firm mo. And the client actually is requesting for both of us. It's actually strange but I prefer you being present."
"Oh, that's quite surprising. Bakit daw pati ako kasama?" nagtatakang tanong niya rito.
"Well, according to his secretary, he wants to know the people behind this business particularly dahil sa merge na mangyayari. And he wants to know more about us."
"Anong oras meeting nyu?"
"Meeting natin, Mrs. Valeria. That's 1PM and I presume all your chores are done by then."
"Yeah. I can work that out. Pero kailangan ba talaga akong sunduin? Can I just meet up with you?"
"And why in the world would you not allow me to pick you up?"
"First, may sasakyan ako. Pangalawa, marunong akong mag drive at pangatlo, hindi ako sanay na sinusundo."
"Well, kailangan mo nang masanay. Dahil hindi ito ang magiging huli." makahulugang sagot nito.
"And what does that mean?" naiiritang sagot niya rito.
"Soon enough, we're gonna be working in the same office so malamang sa hindi, sabay na rin tayong pupunta sa office lagi." nakangiting sagot nito.
"But that does not mean we can literally go to office together. I mean, we can go there separately."
"No, Yve. Whether you like it or not, sabay tayong papasok."
"What? That's unfair. Kelan ka pa nagkaroon ng mga rules na hindi mo man lang muna ako tinanong?"
"Just now. At isa pa, ano na lang ang sasabihin ng mga magulang natin kung di tayo sabay pumasok. Or how do you think they would react seeing us driving separate cars on the way to office?"
Natahimik siya. May point si Zach, kaduda duda nga naman kung iisang bahay at opisina sila papasok pero magkaibang sasakyan ang gagamitin.
"Fine." simpleng sagot niya rito.
"Don't worry. This won't last long. Eventually, makakahanap rin tayo nga paraan para wala na silang maraming tanong sa atin."
"Sana nga. I just wanna be able to do things freely. But few adjustments won't really bother me."
"Good. So call me whenever I can pick you up."
Naging tahimik na siya hanggang sa matapos kumain. Si Zach na lang daw ang magliligpit ng pinagkainan kaya agad siyang umakyat sa kwarto para mag ayos ng sarili.
BINABASA MO ANG
At The Sunrise
RomanceThank you for the wonderful people who gave me the inspiration to write again.......