Chapter 13

2 0 0
                                    

"Welcome home!"

Bati sa kanila ng kanilang mga magulang niya nang makalabas sila ng airport. Medyo delayed na nga ang kanilang pagdating dahil may emergency landing ang isang eroplano sa connecting flight nila sa Hongkong. They had to pick up some documents from her parent's lawyer kaya hindi diretso ang kanilang byahe. And she feels so tired.

"How was your honeymoon?" tanong ng mama niya.

"It was fun, Ma."

"Fun? That's it? Ano ba yan, plano pa naman namin ng papa mo na magbakasyon doon."

"No, I mean the place was great. You can surely relax ni papa. When are you planning to go there?"

"Few months pa, anak. Anyway, gusto nyo bang kumain. Baka nagugutom kayo."

"Hindi na, Ma. Pagod na si Yve. Didiretso na lang siya sa bahay." sagot ni Zach.

"Oh siya. Hindi na nakasundo sina balae sa inyo kasi may business meeting sa Cebu. Ihahatid na lang namin kayo pauwi."

"Mauna na kayo sa bahay, Ma. May pupuntahan lang ako sandali. Susunod ako kaagad." paalam ni Zach.

Agad nilang kinuha ang mga maleta at ipinuwesto ang mga ito sa likod ng sasakyan. Medyo marami ang dala nila pauwi dahil sa mga souvenirs at paintings pero na organize niya naman lahat para hindi masira.

"Where are you going, Zach?" bulong niya rito matapos maligpit lahat ng dala nila.

"I'll just meet someone, Mrs. Valeria. And don't worry, hindi babae ang pupuntahan ko. Well, pusong babae siya. Di ako magtatagal." nakangiting sagot nito.

"You make sure hindi ka gagawa ng kalokohan, Mr. Valeria."

"Sa'yo lang ako gagawa ng kalokohan, Yve. That's for sure." anito at inalalayan siyang makasakay.

"Call me kung pauwi ka na. Baka hindi ka makapasok sa bahay kapag nakatulog ako."

"Oh, I have my ways, love." pilyong ngiti nito.

Inirapan niya lang ito saka sinara ang pinto ng sasakyan. Hindi niya alam na may dadaanan pa ito. Hindi niya nabanggit kanina.
But she feels so tired. They are on their way home which is about 30 minutes away kapag hindi traffic. Nakipagkwentuhan nalang siya sa parents niya tungkol sa Maldives. At pinakita niya rito ang mga kuha niyang larawan. Namangha naman ito kaya itutuloy daw nila ang bakasyon sa July.

Pasado na alas 5 nga hapon nang makarating sila sa kanilang bahay. Ang driver nalang nga magulang niya ang nag asikasong ipasok ang lahat ng gamit. She already sorted the gifts for her parents and gave it to them. Next week na lang niya ihahatid ang para sa in-laws niya. Hindi na rin nagtagal ang kanyang mga magulang at nagpaalam na aalis. May dinner meeting daw sila nang 6pm.

"Magpahinga kang mabuti, anak. See you next week." paalam ng papa niya.

"Thanks, Pa. Kayo rin ni Mama. I miss you both."

"We miss you too, honey. Pumasyal kayo ni Zach sa bahay minsan."

"I will, Ma. Nami-miss ko na ang kwarto ko, mga teddy bears ko, Poochie and Poocho." aniya tukoy and dalawang chihuahua nila.

"Oh siya, aalis na kami. Magpahinga ka na para sa baby." her mom said while touching her belly.

"Mom, stop it!" nakangiting saway niya rito habang hinahatid sila palabas ng gate.

Tumawa lang ang mama niya. Narinig niya pang nagsalita ang papa niya na excited ma silang magka apo. She waved them goodbye as their car drove off palabas ng subdivision.

She locked the gate and the doors bago umakyat at pumasok sa kwarto niya. She wanted to rest. She can't even find herself changing her clothes. Agad siyang humiga and felt the comfort of her own bed. Somehow, she missed Zach beside her. Masyado na yata siya nasasanay na kasama si Zach. Even his absence makes her feel sad.

"Oh, this can't be happening." kausap niya sa sarili.

She organized her thoughts para sa gagawing pag aasikaso ng kanyang firm bukas at pagbisita sa kanilang company. She has to know the whereabouts of the business and she needs to start learning as soon as possible. Sa susunod na buwan niya sisimulang ang restaurant business ni Zach. Sisimulan niyang gawin ang blueprint pagkatapos ng merge. She already owns a place kung saan iyon itatayo. She will be busy in the next few weeks and the though of it makes her more tired.

She fell asleep and dreamed of their wonderful time together with Zach in Maldives.

 At The SunriseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon