Chapter 9

4 0 0
                                    

Gabi na nang magising si Yvonne mula sa mahimbing na pagkakatulog. Epekto rin kasi ito ng anti-allergies niya at pagod ng nagdaang araw. She reached for her phone to check what time it was. Alas 8 na pala ng gabi. Akma sana siyang babangon ng may maramdamang may naka dagan sa kanya. Lumingon siya at nakitang mahimbing na natutulog si Zach. His arms wrapped around her.

She smiled. They looked like a real couple. Umayos siya ng pagkakahiga at dahan-dahang inalis ang braso ni Zach. And she turned to face him. Pinagmasdan niya itong natutulog. He looked so peaceful and so innocent at sleep. Ito ang unang pagkakataong malapitan niya itong nakitang natutulog. She could see his dark brows, pointed nose, curved lips and strong jawline. He is an image of a perfect man. Ilang minuto niya rin itong tinitigan hanggang sa mapagdesisyunang bumangon muna.

Akma na sana siyang tatayo nang maramdaman ang muling pagyakap sa kanya ni Zach.

"Goind somewhere, Mrs. Valeria?" tanong nito habang nakapikit.

"Well, I just thought na mapapaayos ang tulog mo kung manonood muna ako ng tv sa labas." sagot niya.

"I'm comfortable with you here. You can stay." aniya at iminulat ang mga mata.

"It's not good were sharing beds, Zach." komento niya.

"Why not? We just got married, we're on a honeymoon and we're just sleeping." nakasimangot nitong sagot.

"This is not part of our deal, Zach."

"I don't care about the deal, Yvonne. You're not going anywhere hanggang masiguro kong ok na ang pakiramdam mo." seryosong sagot nito.

Natahimik siya.

"Look, I'm sorry if I'm being intrusive at this point. You had me so worried,Yve. Hindi ako mapakali sa labas kanina knowing that you still have your allergies. I can't leave you alone." hinging paumanhin nito.

"I'm going to be ok, Zach. I promise you."

"I know. But until then, I'm not getting my sight off you."

"Fine. Hey, I'm starving."

Agad bumangon si Zach.

"Good. Cause we have a dinner reservation. We're actually one hour late." anitong nakangiti. "And this time, no oysters for you."

Napangiti siya sa turan nito. Pero hindi na siya sumagot. Agad niyang kinuha ang ilang mahahalagang gamit at camera. Hinawakan ni Zach ang kamay niya palabas ng suite at hotel hanggang sa makarating sila sa di-kalayuang Korean restaurant.

Si Zach na ang umorder para sa kanya. Mas marami itong alam sa pagkain kaya hinayaan niya na lang ito. They both enjoyed the dishes while talking about their itinerary for tomorrow. Marami daw historical sites ang buong Isla na pupuntahan nila lahat para sa kanyang next projects. Si Amur pa rin ang kanilang magiging tour guide at nakakuha na rin ito ng masasakyan nila.

"Nabusog ka ba?" tanong ni Zach matapos nilang kumain.

"Yeah. Naparami na naman ang kain ko. Panira ka talaga ng diet, Zach." biro niya rito.

"I like seeing you eat, Mrs. Valeria. Ayokong sabihin ng in-laws ko na ginugutom kita." nakangiting sagot nito.

"Mabuti na lang pala wala akong problema sa metabolism ko. Kung hindi, baka next year doble na ang waistline ko."

"That's not gonna happen, Mrs. Valeria. Cause you will need your energy when I make love to you."

"Here we go again. Stop teasing me, Zach." saway niya.

 At The SunriseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon