KABANATA LABING-ISA

47 7 0
                                    

A/N: Sorry for wrong grammars and Typographical Errors.
-
KABANATA LABING-ISA - I'M SORRY

Nag alarm na ang iphone ko at agad ko itong pinatay. Maaga akong gumising dahil kailangan ko nang ayusin ang lahat ng mga damit at ang mga kakailanganin ko para sa pag punta sa italy.

3:30 AM, hindi ako nag eexpect na may texts na iniwan si trouver sa akin dahil maaga pa at sigurado akong Natutulog pa siya sa kanila. Alas siyete ang flight namin ni Daddy lucas kaya tinawagan ko muna siya dahil alam ko namang gising na din siya

" Hello daddy lucas? "

[ Yes? ]

" Saan po tayo mag kikita? "

[ I'll fetch you there. Before 5 AM. ]

" Okay, thanks "

Binaba ko na ang tawag at hindi ko na hinintay pang mag salita siya. Habang inaayos ko ang mga gamit ko, nanginginig na ang mga kamay ko habang nilalagay ko ang mga damit ko sa bagahe. Naiiyak ako at may kung anong kumikirot sa puso ko sa tuwing naaalala ko si trouver.

Bumaba na ako matapos kong ayusin ang mga gamit ko at nadatnan kong nando'n na sina mama at papa na hinihintay ako.

Yinakap ko sila agad at umiyak ako sa harapan nila..

" Anak, don't cry.. Dalawang buwan ka lang naman do'n hindi 'ba? " ani mama at hinaplos haplos ang likod ko.

" O-opo.. B-but i w-will miss y-you both. " sambit ko habang umiiyak kaya't nauutal ako sa pag sasalita. Kung tutuusin, matagal na panahon akong mawawala dito sa pilipinas tapos hindi ko pa sinabihan si trouver na ngayon na ang alis ko.

" 'nak, mag iingat ka do'n.. Galingan mo, ha? " sambit ni papa at tumango ako ng sunod sunod. Matapos kong umiyak at mag sabi ng kung anu ano kina mama, nag tungo akong muli sa kwarto ko para makapag pahinga. Gusto ko munang mapag isa. Hindi ko din alam kung ano na ang mangyayari sa amin ni trouver dahil hindi ko siya sinabihan na ngayon na ang alis namin ng daddy niya. Alam kong hindi din 'to sinabi ng daddy niya sa kanya dahil ayaw nitong mag kagulo pa, at alam naman ng daddy niya na pipigilan kami ni trouver sa pag alis namin.

I need to rest within 30 minutes. Nag set ako ng alarm para gumising bago mag 5 AM.

***

- BBUUUZZZ! BBUUUZZZ! -

Nag alarm na ang iphone ko at agad ko itong pinatay. 4:20 AM na! Sigurado'y papunta na dito si daddy lucas. Binuksan ko ang ilaw ng kwarto ko at inayos ko na ang sarili ko.

Maya maya pa ay may nag door bell na sa labas ng bahay namin. Tinitiyak kong si daddy lucas na ito.

Bumaba na ako at lumabas. Bumungad sa akin si daddy lucas na naka ngiti habang naka tingin sa akin. May dala siyang sasakyan at may nakita akong driver na kasama niya sa loob ng kotse dahil hindi niya naman ito pwedeng iwan sa airport.

" Good morning dad, please come inside. " bati ko at bumeso ako sa kanya.

Ngumiti siya at tumango. Sinamahan ko siya sa loob ng bahay namin at pinaupo ko muna siya sa sala para hintayin ako na kuhanin ang mga bagahe ko.

Nanginginig na ang mga tuhod ko.. Nag tungo muna ako sa kwarto nila mama at nadatnan kong natutulog na sila ni papa. Hinalikan ko sila parehas sa noo at ngayo'y natuluan ko sila ng luha ko bago ako umalis sa kwarto nila.

" Let's go, daddy lucas" Sambit ko. Umalis na kami at sumakay na ako sa gitna ng sasakyan niya. Si daddy lucas naman ay sa front seat habang nag ddrive ang driver. :3

Sana [ Sequel ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon