KABANATA LIMA

46 9 0
                                    

A/N: Sorry for wrong grammars and Typographical Errors.
-
KABANATA LIMA - SUPPORT

Trouver's Point Of View

Inis na inis ako kay daddy dahil hindi niya manlang naisip na mahihirapan kami ni foreina sa sitwasyon na 'yon. Hindi niya man lang muna ako hingan ng permiso bago siya pumirma sa bullshit contract na 'yun!

Narito ako kina foreina, pinag pahinga niya muna ako sa kwarto niya na ngayo'y mag katabi kaming naka higa. Bukas ay nasa FMI lamang siya para pag practice-in ng pag momodelo.. I-momodel niya lang naman ang mga ipasusuot sa kanya. Bakit hindi na lang dito sa pilipinas? Bakit do'n pa? Bakit sa Italy pa? Shit!

" Wag mo na isipin 'yun babe. Basta't palagi mo lang tatandaan na kahit na anong mangyari, Sa'yo lang ako. Okey? " sambit niya sa akin habang hinahaplos ang aking buhok.

" Oo naman babe, pero hindi ko lang talaga maiwasang mag alala, paano ka? Paano ka kapag kailangan mo ako? Eh wala naman ako sa tabi mo. Walang yayakap sa'yo. Walang hahalik sa'yo. Natatakot lang ako na baka may iba nang gumawa sa'yo no'n. "

She rolled her eyes " No. Don't think negative. "

" Ikaw lang trouver, pinapangako ko, pag balik ko dito sa pilipinas, ikaw! At ikaw pa rin talaga ang mamahalin ko. Kilala mo naman ako eh. Sa'yo lang ako. Okay? "

" Salamat.. " Niyakap ko siya ng mahigpit at hinalikan ko siya sa noo niya. Siya lang talaga ang kinukuhanan ko ng lahat ng lakas ng loob ko. Sa kanya ako lumalaban at kaya ko siyang ipag laban ng patayan.

Paranoid ako, seloso ako dahil mahal ko lang talaga siya. Hindi naman sa walang tiwala.. Natatakot lang ako dahil baka sa isang iglap ay mawala na siya sa akin. Na baka makuha na siya ng iba sa akin. Ayaw ko lang na mangyari ang lahat ng mga iniisip kong 'to.

" Tara na sa sofa. " Aya niya habang inaayos ang sarili. Tumayo na ako at sinuot ko na ang damit ko.

Bumaba na kami at pinaupo niya muna ako sa sofa dahil ipag titimpla niya daw ako ng kape. Bilib ako dito sa babaeng ito dahil hindi pa siya gaanong sanay na may maids sa bahay.. May maids naman pero siya pa ang nag timpla--- uh, siguro nag sasanay siya bilang isang katulong

" here's your coffee sir lim " ani foreina na ikinagalpak ko wahahaha! Sabi na eh. May balak pa yatang mag trabaho si foreina bilang isang katulong kung ngayon palang ay nag sasanay na siya.

" Wow, nag sasanay ka pala bilang katulong. " Pang aasar ko.

Sinamaan niya ako ng tingin at humalukipkip siya

" No. Gusto lang kitang pag silbihan ngayon para mapakalma kita. " Aniya

" How sweet " Hinalikan ko siyang muli sa noo niya at ininom ko ang kapeng tinimpla niya para sa akin.

" Ang tamis naman ng kape mo! " pag rereklamo ko

" Ganyan kasi ako ka sweet, PERO higit pa diyan. "

Ngumuso ako " Kaya pala overdose na ako "

Humagalpak siya at hinampas niya ang noo ko. Mamimiss ko ang kulitan namin kapag umalis na siya. Ma mimiss ko ang amoy niya, ang mukha niyang mukhang anghel at ang boses niya. I will miss all of her.

Kinurot ko siya sa pisngi niya at tinitigan niya ako ngunit naka simangot siya. Alam kong alam niyang hindi talaga ako masaya ngayon dahil sa nangyari at nalaman ko. Kahit na anong gawin ko talagang sina daddy pa din ang nasusunod. Labag sa kalooban ko ang pag sali ni foreina sa Pagiging isang modelo sa kompanya namin.

Halos lumuhod ako kina daddy wag lang nilang pasalihin si foreina sa FMI dahil lalaki ang photographer niya do'n at Ma-eexpose ang katawan niya. Ganito ko kamahal si foreina. Selfish na kung selfish pero ayaw ko lang na may ibang maka kita ng katawan niya. Halos umiyak ako kina daddy, lumuhod, mag maka awa, pero wala din akong nagawa. Nasunod pa din ang gusto nila.

" Babe, mag aaral ka ng mabuti. Kahit wala na ako sa AU simula bukas.. Okey? " Paalala sa akin ni foreina kaya't kumirot ang puso ko sa narinig ko.

" O-oo.. Naman may p-pangarap kasi tayo diba? Alam mo naman na Gagawin ko ang lahat para gumanda ang future nating dalawa. " naluluhang sambit ko.

" Ikaw naman! Mawawala lang naman ako ng dalawang buwan eh! Hindi naman ako mawawala ng matagal o ilang taon! "

" Kahit na. I will miss you so damn much! Wala na akong mayayakap dito.. Wala na akong mahahalikan.. At Wala na akong makakain na mani mo. "

" Pft! Akala mo ba, madali lang 'to para sa akin? Of course not! I will miss you too! 2 months na hindi tayo mag kikita? Sa tingin mo ba madali lang ako nakapag desisyon? "

" Hindi. I feel you, pero susuportahan naman kita sa lahat ng gusto mo. Kung saan ka masaya, doon ako. Hindi kita kailangan pigilan kasi ikaw ang masusunod sa mga pangarap mo. Alam ko din kasi na pangarap mo din maging isang sikat na modelo. "

Suminghap siya at nang gigilid na ang kanyang mga luha sa kanyang mata. Damn! I hate this feeling! I hate seeing her crying! I didn't mean to hurt her feelings!

Niyakap ko siya at humagulgol na siya ng iyak. Ramdam na ramdam ko ang pag hihirap niya sa pag desisyon. Pero kakayanin namin 'to. Pag subok lamang ito sa relasyon naming dalawa.. Dito mo malalaman kung talagang tapat kayo sa isa't isa at dito mo masusukat kung gaano katibay ang relasyon ninyo. Mamahalin ko si foreina hanggang sa huling hininga ko. Mamahalin ko siya hanggang sa maaabot ng makakaya ko and i won't cheat on her. A woman should be like a single flower, not a whole bouquet.

" T-thankyou, dahil ang buong akala ko'y magagalit ka sa akin ng tuluyan. "

" Hindi babe. Kahit na anong mangyari, hinding-hindi ako magagalit sa'yo! 'Yan ang tatandaan mo. Okey? "

Hinarap niya ako at pinisil niya ang ilong ko " Kaya sa'yo ako eh, hindi mo ko pinag sasawaang suportahan. "

Hinding hindi talaga ako mag sasawang suportahan siya dahil mahal ko siya at hindi ko hahayaang masira ang relasyon naming dalawa.

" Ano ka ba naman, girlfriend kita eh. At 'tsaka mahal na mahal na mahal kita! 'Yan ang tatandaan mo. Never kitang pag sasawaan at hindi kita ipag papalit sa kahit na sino. "

" Talaga, babe? " Tanong niya at ngumiti siya sa akin ng malawak.

" Yes. I promise. Basta sa akin ka lang din, huh? "

" Sa'yong sa'yo lang. "

Ang swerte ko dahil nag karoon ako ng Foreina Kate Suarez sa buhay ko. She will be my Girl, FOREVER

*******
****************

Sana [ Sequel ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon