KABANATA DALAWAMPU'T LIMA

27 5 0
                                    

A/N: Sorry for wrong grammars and Typographical Errors.
-
KABANATA DALAWAMPU'T LIMA - LIFE IS FULL OF SUDDEN GOODBYE

Isang linggo na ang lumipas nang mag break kami ni trouver. Unti unti na rin akong nasasanay na wala siya sa tabi ko at hindi ko dapat siya kinakailangan sa bawat oras.

I've changed my phone number para wala na kaming komunikasyon pang dalawa. Sigurado naman akong masaya na siya do'n sa pilipinas. Akala ko magiging masaya 'yong pag stay niya dito sa italy 'yon pala tatlong araw lang siyang narito. Mag wa-one month na akong narito sa italy at mas nag focus pa ako lalo sa pag momodelo ko. Hindi ko na iniisip pa si trouver dahil naguguluhan lang ako.

" One more shot " sambit sa akin ni Sir Giovanni at inabot sa akin ang isang shot ng cocktail. Narito kami sa Mayday club kung saan ako nalasing noon. Kaming dalawa lang ni Sir giovanni ang mag kasama dahil ayaw sumama ni daddy lucas

At isa pa, gusto ni sir giovanni na malibang at mapasaya ako para kahit papaano ay mawala ang nararamdaman ko para kay trouver. I admit, mahal na mahal ko pa rin siya until now.. Ako kaya? Mahal niya pa? Ako kaya? Namimiss niya? Siguro'y hindi dahil alam kong mas masaya na siya ngayon dahil wala na ako sa piling niya?

Ininom ko ang cocktail at agad akong napapikit nang maramdaman ko ang pait nito. Nakaka tatlong shots pa lang ako, ay nakakaramdam na ako ng pag init at pag kahilo.

" Tama na 'yan. Wag ka ng uminom.. Okay? Malalasing ka. This is just for fun! " sambit sa akin ni sir gio at hindi na siya umorder pa ng cocktails.

Nag sayawan na lamang kami sa dance floor para mag saya. Kaming dalawa lang ang tao dito dahil pina-reserve ni sir gio ang club na ito para sa akin.

Kahit anong pilit kong sumaya, mas lalo akong nasasaktan dahil hindi ko maiwasang isipin si trouver.. Palagi kong naitatanong sa isip ko kung kamusta na siya? Okay lang kaya siya? Kumakain kaya siya sa tamang oras? O may bago na siya sa pilipinas?

" Sir, thank you sa pag cocomfort sa akin. " Sambit ko kay sir gio

Ngumiti siya at hinawakan niya ang dalawang braso ko " You're welcome. Mahalaga ka sa akin, foreina. "

Halos mapatalon ako nang tawagin niya na ako sa real name ko. Kung tawagin niya lang ako no'n, Ms. Suarez eh. But now? ' foreina ' na.

Ngumiti't tumango na lamang ako at inaya ko na siya para umuwi na dahil kanina pa kami naririto sa MayDay Club. Nag paalam na kami sa manager ng Club na ito at umalis na kami't sinakay ako ni Sir Giovanni sa kanyang Sasakyan.

" Thank you for spending your time with me " Pambabasag ko sa katahimikan naming dalawa dito sa loob ng kotse.

Nilingon niya ako " I said, you're always welcome. "

Hindi na ako umimik hanggang sa makarating na kami sa NH Milano Fiera. Nag bow ako sa kanya nang makababa na kami sa sasakyan niya.

" Ingat ka. Just text or call me if you need something. " aniya at iniabot niya sa akin ang call card niya.

" Okay, thank you! " sambit ko at umalis na ako.

-
Sa sobrang pagod ko, humilata agad ako sa kama ko at iniisip ko ang noon sa amin ni trouver, 'yong masayang kami, 'yong makulit na trouver, masayahing trouver, sira ulong trouver at ang selosong trouver. Actually, hindi naman talaga masamang mag selos, pero wag lang talagang sosobra sa pagiging seloso/a. Kung palagi na lang kayong mag seselosan sa relasyon niyo, asahan niyo.. Iyan pa ang magiging dahilan ng pag hihiwalay niyo. Tama nga ang kutob ko no'n, selos nga ang magiging dahilan ng pag hihiwalay namin ni trouver.

Si Stella, namimiss ko na.. So i decided to text her.

- BUZZ BUZZ -

Naunahan akong i-text ni stella kaya't binuksan ko na ang iniwan niyang mensahe sa akin.

From: BALot :')

Nabalitaan kong nag break na kayo ni trouver last week? Stay strong bal.. Narito lang kami ni shaimer ang mga kaibigan mo. I miss you.

Gusto kong kamustahin si trouver pero alam ko naman na walang masama kung ikakamusta ko siya kay stella, hindi 'ba?

To: BALot :')

Salamat bal! I miss you too.. Anyway, How's trouver?

Sana maayos at masaya si trouver do'n sa pilipinas..

Stella suddenly replied:

Ahmm-- bal, ano kasi eh. Madalas na namin siyang nakikita na may kasamang babae.. Madalas nga sa Plaza sila, sa Starbucks, at sa Italianni's. Sinusundan din kasi namin sila kaya namin nalalaman kung saan sila nag pupunta.

Gano'n? May babae na siya? Pero bakit ganito, hindi na dapat pa akong mag selos.. Kung kaya niya akong palitan, dapat ako rin.. Kung kaya niya, kaya ko rin! At do'n niya pa mismo dinadala sa mga napuntahan namin 'yong babae niya, huh? Walang hiyang trouver 'yan, hindi na siya nahiya. Siguro may nangyayari na din sa kanila.

Hindi ko na kailangan pang iyakan si trouver dahil ayaw ko ng umiyak.. Hindi ko dapat siya iniiyakan dahil hindi siya nararapat sa akin.. Hindi dapat siya iniiyakan dahil napaka walang kwenta niyang tao para sa akin. Parang madali lang sa kanya na baliwalain ang lahat? Gano'n gano'n na lang ba ang lahat?

To: BALot :')

Sige. Ayos lang naman sa akin e! Edi mag enjoy sila ng babae niya.

Habang hinihintay ko ang reply ni stella, nag story ako sa Instagram ng ' Life is full of sudden goodbyes 💔 '

Maya-maya pa ay may mga nababasa na akong messages sa IG ko,

" stay strong po. "

" Focus on your career na lang po "

" Nandito naman ako eh "

Maraming nag message sa akin dahil sa IG story ko. Marami na rin ang naka seen halos mag 600 na agad kahit 1 minute ko pa lang in-update 'yong story ko.

Kung masaya siya ngayon, mas mag papakasaya ako.

Ganun lang ang takbo ng buhay..

**************

Sana [ Sequel ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon