PANIMULA

163 12 0
                                    

A/N: Sorry for wrong grammars and Typographical errors.
-

Panimula..

Tatlong taon na ang lumipas.. At sa loob ng tatlong taon na 'yon, kami pa din ni trouver at mas tumitibay pa ang relasyon na pinang hahawakan naming dalawa. There's so much struggles na nangyari sa buhay namin. Isa na do'n ang pahirapan sa pagiging isang kolehiyo.

Maraming ginagawa, palaging busy at minsan nawawalan na kami ni trouver ng time sa isa't isa. Mabuti na lamang at hindi nag sasawa si trouver na mahalin ako. At Mabuti na lamang at ako pa rin ang minamahal niya kaya sana mas tumatag pa ang pag iibigan naming dalawa.

Wala na dito sina auntie scarlet, raven at liza. Last year sila umalis, pero bago sila umalis.. Lumipat kami ng bahay sa isang subdivision .. Tahimik at walang kaingay ingay na tanging naririnig ko lamang ay mga huni ng ibon. May mga maids din kami dito na binayaran na ni auntie scarlet. Hindi ako sanay na may utusan ako, kami nila mama. Bago mag 2 years, sinanay kami ni auntie scarlet na hayaan ang mga maids na kumilos sa bahay na ito. Malawak ang bahay na 'to, may 2nd floor, malinis, Kulay Gray ang dingding sa Harap ng bahay namin, milennial modern style ang dating. At talagang nagustuhan namin ito, mabuti na lamang at malapit lang kami kina Trouver para mas madali na kaming mag kikita.

Namimiss ko na sina raven. Sinama kasi sila ni auntie scarlet sa Texas para do'n na daw pag aralin. Naging mahirap din ito kina mama at papa dahil ma mimiss niya din ng husto sina Liza lalo na ang bunso kong kapatid na si Raven. Kahit palagi kong inaasar ang mga kapatid ko, mahal ko pa rin ang mga 'yon! Alam kong matagal pa bago kami mag kita.. At alam kong kapag nag kita kaming muli, dalaga na si Liza at Malaki na si Raven. Naiiyak na lamang ako dahil sobrang namimiss ko na sila.

Katabi lang ng Pogi Street ang Vivas na tinutuluyan namin. Marami na akong nagagawa, marami na akong achievements at may part time job na ako, i'm a working student.. Marami na akong pera na naibibigay kina mama. Isa akong modelo sa kompanya nila daddy lucas. Madalas akong pinagagalitan ni trouver kapag two piece ang pinasusuot sa akin, ano bang magagawa ko? Eh pinapasuot lang naman sa akin 'yon.

Malaki-laki ang kinikita ko sa pag momodelo dahil International ang pinag tatrabahuhan ko. Hindi ako nag apply o ano lang, kinuha lamang ako nina mommy and daddy lucas bilang isang modelo.. Minsan model ako ng Bag o di kaya'y mga damit. Kapag maiigsi ang pinasusuot nila sa akin, nagagalit si trouver. Every weekends lamang ako nag momodel at minsa'y hindi ako nakaka attend dahil mahirap pag sabayin ang pag momodel at ang pag aaral.

Nag tratrabaho na sina mama at papa sa Zeeline na pinag tatrabahuhan ni Alex. Mabuti't naisipan nilang mag apply doon para narin kahit papaano, mas lumaki na ang sinusweldo nila sa trabaho nila

" Katey! " patiling sigaw sa akin ni kenjie nang Makita niya ako. Lumingon ako sa likod ko at nakita kong kumakaway kaway siya. May kasama siyang isang lalaki na hindi ko kakilala, gwapo but not exactly, matangkad, moreno, malaki ang pangangatawan, mapungay ang mga mata, at binungadan niya ako ng pag ngiti kahit na hindi kami mag kakilala.

Do i know him? Hindi ko naman siya kilala para ngitian ako ng gano'n. Hmm, siguro, that's the way he greet people.

Nilapitan nila ako at bineso ako ni kenjie

" Kateyy! He's David. " Sabay tinuro niya sa akin si david at nag bow sa akin. " David, She's Foreina Kate. " Dagdag niya. Ngumiti lamang ako at nakipag kamay.

" So, what brings you here? " mariin kong tanong kay kenjie na naka ngiti.

" Nothing, bawal bang bisitahin ka? " I rolled my eyes. Wala naman akong sakit para bisitahin nila ako. Uh, sabagay, hindi naman masamang bumisita.

Sana [ Sequel ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon