KABANATA DALAWAMPU'T SIYAM

29 5 0
                                    

A/N: Sorry for wrong grammars and Typographical Errors.
-
KABANATA DALAWAMPU'T SIYAM - PAG BABALIK

Maaga kaming umalis ni daddy lucas ng italy kanina kaya't narito na kaming mula sa pilipinas. I missed this place! Na miss ko ang lahat ng tanawin dito sa pilipinas. Pag baba namin ng bus ay narito na kami sa Pogi street. Sinamahan ko muna si daddy lucas sa mansion dahil ihahatid niya raw ako pauwi sa amin dahil malapit lang naman ang vivas sa pogi street.

Nang matungtong na kami sa tapat ng mansion nila, bigla akong nakaramdam ng kaba at takot na baka madatnan kong kasama ni trouver ang babae niya. Natatakot ako na baka ipag tabuyan ako ni trouver dito sa loob ng mansion nila, pero bakit nga pala ako matatakot kung kaya ko naman siyang labanan, hindi 'ba?

Pinapasok na kami ng maid at nadatnan naming naka upo sa sofa si mommy sherina habang nag kakape.

" Hon! baby foreina! " Masayang sambit ni mommy sherina at niyakap niya si daddy lucas at nakipag beso siya sa akin. Nilibot ko ang mga mata ko sa buong mansion nila ngunit hindi ko nakita ang katawan o maski anino ni trouver.

" Hm, baby foreina, are you looking for trouver? Kung siya ang hinahanap mo, wala siya dito. Aalis daw sila ni Rie eh. " Ani mommy sherina at umiling iling na lamang ako habang naka ngiti. Sino 'yong kasama niya? Bakit niya kasama 'yon? So maski si Mommy sherina, alam niya na na may iba na si trouver? Hindi na lamang ako nag tanong sa kanya dahil ayaw ko ng masaktan pa.

" By the way, kumain na ba kayo? narito may pag kain dito. " sambit ni Mommy sherina.

" No mommy sherina, aalis na din po ako. " sambit ko

" Pagod kayo sa biyahe kaya dito ka na kumain. " Pag pupumilit sa akin ni Mommy sherina.

Wala na akong ibang nagawa kung hindi ang kumain na rito. Lunch na at inaamin kong nakakaramdam na ako ng gutom. Tahimik lamang akong kumakain dahil malalim na naman ang aking iniisip.

Nang matapos akong kumain, saktong dumating si Trouver, at mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko ng mag tama ang mata namin sa isa't isa. No, hindi lang pala si trouver ang narito kung hindi ang babae niya, oo maganda siya, sexy at sa tingin ko nga ay mas better siya kaysa sa akin.

Agad akong nag paalam at nag pasalamat kina mommy sherina at daddy lucas na umuwi

" Wait, ihahatid na kita. " sambit sa akin ni daddy lucas bago ako umalis ng mansion nila. Tumango na lamang ako at hindi ko na nagawang lingunin pa si trouver dahil mas masasaktan lang ako. Mas lalo lang lumala eh. Akala ko'y hindi na ako masasaktan pero doble pala ang sakit nang makita ko sila na mag kasama ng babae niya.

Sumakay na kami ni daddy lucas sa sasakyan niya at hinatid niya na ako pauwi.

" S-salamat po. " Sambit ko nang makarating na kami sa tapat ng bahay namin

Tumango siya " Kapag may problema ka, sabihan mo agad ako, kami ng mommy sherina mo. "

Ngumiti ako " Hmm-- salamat po. Ingat po kayo sa pag uwi " sambit ko at kumaway na ako para pumasok na sa loob ng bahay namin.

" Ma'am Foreina! Na miss ka po namin! Matutuwa po sina Ma'am Beth at Sir Jhun kapag nakita kayo... Ang ganda niyo po! Lalo po kayong gumanda... At ma'am hala! " sambit sa akin ng isang maid at tumingin siya sa balat ko

" Hala ma'am, napaka puti niyo na. " Aniya at ngumiti na lamang ako.

" Ayusin mo ang mga gamit ko at kailangan ko na mag pahinga. " Wika ko at binigay ko na sa kanya ang mga bagahe ko at dumiretso na ako sa kwarto ko para makapag pahinga at makapag muni muni. Dala dala ko ang giant panda stuff at inilagay ko ito sa tabi ng kama ko at niyakap ko.

Sana [ Sequel ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon