Chapter 1

3K 21 19
  • Dedicated kay Lora Amores
                                    

Nahindik si Lora nang mapakinggan niya ang mga pinagsasabi ng mga kaibigan niyang sina Yessica at Tisha. At hindi lamang iyon tungkol sa mga kung anu-anong bagay—tungkol iyon sa kanya. Mukhang may binabalak na naman itong mga nakahihindik na mga aktibidades laban sa kanya.

            Kaya lang naman siya napasugod doon ay nais sana niyang magpasama sa kanyang mga ‘mababait’ na kaibigan at nang makapag-relax naman sila. Katatapos lang kasi ng lahat ng umaatikabong examinations nila sa mid-term.

            Sa halip na ma-excite siya sa pagsugod niya sa university canteen nila ay nahalinhan iyon ng inis dahil sa mga pinagsasabi ng mga bubwit niyang kaibigan.

            She, Yessica, Tisha and Tweenie immediately became friends when they first met.  For them, time is not that counts. What matters most is that they accept and respect each other’s differences and they also have the same sinful forte— eating. Pareho din sila ng kursong kinuha ang BS Accounting Technology. Subalit parang nanganganib na hindi na matutuloy ang pinaplano niyang pakikipaglakwatsa sa mga ito. She was really upset.

            Alam kasi ng mga ito kung gaano katindi ang pagkahumaling niya kay Marcus Villasis.  Ang student council president nila at ang Ambassador of Goodwill ng kanilang University. Chemical Engineering ang kinuha nitong kurso at isa pa, academically savvy din ito kaya parating nangunguna ito sa honor roll. Higit pa roon ay magaling din ito sa larangan ng football. Parang taglay na nito ang lahat ng anumang gugustuhin ng babae sa isang lalaki. Kaya naman pinagplanuhan ng mga ito ngayon na i-blind date siya sa binatang iyon.

            Tatlong araw kasi mula ngayon ay maglulunsad ang mga senior high school students ng Saint Thaddeus University—na kanila rin na pinapasukan—ng mga kung anu-anong booths para sa pagdiriwang ng Valentine’s Day. Suportado din ang naturang selebrasyon ng mga Tourism at HRM students. 

               Sa mga sinasabing kalokohan ng mga hinayupak ay agad niyang ibinagsak ang bag niya sa inuokupang mesa ng mga ito.

            Gulat na gulat ang mga ito sa ginawa niya at nilingon siya ng mga ito in a slow-motion effect na para bang sa mga horror movies. Halatang nabuking na niya ang mga ito.

            “Hi Lora…” Ngumingising wika ni Yessica.

             Tisha just smiled timidly wearing those innocent bambi eyes. Halatang guilty.

            “Hello din,” kalmanteng tugon niya. Pero sa loob-loob niya ay nais na niyang pag-uuntugin ang mga ulo nito.

            “Kamahalan,” si Yessica na bahagyang tumikhim. “Batid ko po na alam na ninyo ang lahat-lahat, but don’t you find it amazing?”

            She cocked an eyebrow. “Amazing? Sabihin mo, ano ang magandang maidudulot niyan sa’kin ha? Ayokong mapahiya at matatanda na tayo para makisali sa mga ganyan.”

            “Naku! Don’t say bad words. Hindi pa tayo matatanda. Well, remember? Number one fan tayo ng One Direction. Forever young beybeh!” ani Tisha na kinikilig pa.

            She fumed in great distress. “Basta, tigilan ninyo ako sa kalokohan na iyan baka hindi ako matunawan. Sige kayo, hindi talaga ako magdadalawang isip na ipalapa kayo sa mga buwaya!” maigting na babala niya.

            “May buwaya ka ba?” Tisha stared at Yessica in sly amusement. Parang may sinasabi ang mga ito na hindi niya nalalaman.

            “Ano?”

            “Lora, gustuhin man naming hindi na lang ituloy ay hindi na naming magawa,” mahinang wika ni Yessica.

            “Oo, tama siya. Naka-book na kasi 'yung mga pangalan na ninyo sa …uhmm…ano, blind date booth at saka sa – Yessi, ikaw na nga ang magsabi.”

Don't Let Me GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon