Chapter 4

320 8 1
                                    

Hinugot ni Lora ang cellphone sa kanyang bulsa nang mag-vibrate iyon. Naka-silent mode pa kasi iyon dahil katatapos lang ng first period class niya sa hapong iyon.

            Napakunot ang noo niya habang pinagmamasdan ang screen ng cell phone niya. Hindi kasi nakarehistro sa kanyang contacts ang numerong kasalukuyang tumatawag sa kanya. In a while, she eventually pressed the answer button.

            “Hello?”

            “Ahmm... Hello din. It’s me Marcus,” anang baritonong tinig mula sa kabilang linya.

            She literally lost her words and her heart was beating so fast, as if it were being chased by a cavalcade of gorgeous horsemen. Bakit ba pati sa boses nito ay nawawala na siya sa huwisyo. Napapadalas na din siyang gumagamit ng mga magagandang adjectives para lang ilarawan ito. Mukhang hindi na niya nagugustuhan ang mga iyon. Nakasasama na iyon sa kanyang kalusugan.

            “Hello, are you still there?” untag nito sa kanya nang hindi siya sumagot.

            Napapitlag siya. “Ahh… eh… May sinasabi ka? — I mean bakit napatawag ka?”

            “Remember, it’s Friday and you’ve got to be here in the office at once,” ma-awtorisadong wika nito.

            “Mr. Villasis, mainit pa ang buong paligid dahil ang aga pa. Hindi ka naman siguro nagmamadali ng lagay na iyan?” tuya niya.

            “Yeah, but it seemed you forgot that I said you’ll be reporting in the office on Fridays during your free time,” he declared emphasizing the last two words.

            She rolled her eyes in dismay. Hinalukay niya sa utak niya kung nai-save ba doon ang sinabi ni Marcus. Pero mukhang sinabi nga nito iyon noong isang araw. Kaya lang, paano nito nalaman na free time na niya ngayon? Sandali, hindi ko naman free time ngayon ah?” She prayed he would buy that hoax.

            “You can’t fool me little girl. Alam ko ang schedule mo kaya magtrabaho ka na rito.” Naningkit ang mga mata niya. Pakialamero talaga!

            “Oo na, papunta na ako diyan kamahalan!” singhal niya rito at binabaan niya ng cell phone.

            Batid niyang nalaman nito ang schedule niya mula sa mga ‘maaasahan’ niyang  kaibigan. Nagpupuyos na talaga ang kalooban niya. Ang kapal talaga ng mukha! May araw ka rin sa'kin lalaki ka!

            Kinalma niya ang sarili nang makarating na siya sa lobby ng office nito. Hindi na siya kumatok sa pintuan nito dahil bahagya namang nakabukas iyon. Dire-diretso lang din siyang pumasok doon.

            Namilog ang mga mata niya at agad na napaupo sa malaking couch na naroon. Hindi na niya mabilang kung ilang beses na siyang nagulat sa loob lamang ng isang linggo dahil sa napakaraming nakagigimbal na mga pangyayari. Ngayon ay nagulat siya dahil sa nadatnang eksena roon.

            Nakapatong kasi sa table ni Marcus si Simonette. Parang sinadya rin ng huli na magsuot ng maiksing pink tulle skirt at nang mahantad ang hita nito. She definitely looked so cheap like a slovenly woman provocatively talking with Marcus at the moment. Samantalang mahahalata naman na nagtitimpi lang ang binata at pilit na iniignora ang presensya nito sa pamamagitan ng pagbabasa ng libro.

            Pakiramdam niya ay siya ang tinablan ng sandamukal na hiya sa pinaggagawa ng babae. Naturingan pa naman itong galing sa respetadong pamilya pero daig pa nito ang mga walang pinag-aralan. Nahihinuha rin niya na mukhang mag-aaway din ang mga ito kapagkuwan kaya manantili muna siya doon at makiki-tsismis muna sandali. He-he-he…

Don't Let Me GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon