Chapter 8

274 9 1
                                    

Seven years later…

LORA stared aimlessly at the night sky as she stood upon her bedroom’s patio. Tahimik na naman ang gabi kaya nae-engganyo siyang magmunimuni doon. Naging pastime na niya iyon nang makauwi siya galing Connecticut anim na taon na ang nakararaan. Ang totoo, hindi niya maintindihin kung bakit muli na namang sumagi sa isip niya ang isang mukha mula sa kanyang nakaraan. Kasabay din niyon ang muling pag-ahon ng damdamin na hindi niya magawang supilin.

            “Lora anak…”

            Napalingon si Lora nang marinig ang boses na iyon ng kanyang inang si Wendy. “'Nay bakit?”

            Malungkot ang mga matang ngumiti ito. Lumapit ito sa kanya at hinaplos ang kanyang pisngi.

            “Pumasok na ako. Naiwan mo kasing nakabukas ang pinto ng kwarto mo. Anak, huwag ka sanang magagalit sa itatanong ko sa'yo ha?”

            She frowned at her mom’s tone. But then, she found out why. Siguro magtatanong na naman ito sa kanya kung napapagod na siya sa pagtatrabaho at balak na niyang mag-asawa. Baka natatakot itong magalit siya dahil akala nito ay nagsasawa na siyang marinig pa uli iyon. Iyon kasi ang madalas nitong itinatanong tuwing maaabutan siya nitong  tahimik na nagmumuni sa garden nila o hindi kaya ay sa veranda. Kaya lang nagulat siya sa sunod na sinabi nito.

            “Kahit hindi mo man aminin sa'kin ngayon. Alam kong si Marcus ang dahilan kung bakit ka malungkot ngayon,” puno nang pag-unawang wika nito.

            Nagtatakang sinulyapan niya ang ina. Paano nito nalaman ang tungkol kay Marcus gayong wala naman siyang binanggit dito tungkol sa nangyari noon bago pa man siya lumabas ng bansa? Hindi kaya minamanmanan siya nito noon?

            Muling nagsalita ang ina niya. “Nang mapagpasyahan mong sumama sa tito Charles mo sa Amerika, nagtaka ako. Parang may nagbago sa iyo na hindi ko maipaliwanag,” humalukipkip ito at humugot ng hininga bago muling nagpatuloy. “Ngunit ilang araw pa lang matapos kayo umalis, may napagawi doon sa lumang bahay natin noon. Isang binata at hinanap ka niya. Naawa ako doon sa binata dahil nang sabihin kong nakaalis ka na, pigil nito ang sariling mapaluha sa harap ko. Umalis din siya agad kaya hindi na ako nakapag-usisa pa. Siya ba ang dahilan anak?”

            Nagulat siya sa kaalamang iyon. Hindi niya akalain na gagawin ni Marcus na bisitahin siya sa kabila nang sakit na naidulot niya rito.

            Mapait na ngumiti siya habang pinagmamasdan ang kalangitan. Kaya siguro simula noong makauwi siya, napapansin niya na parang may gusto itong sabihin sa kanya. Kaso, natatakot ito na baka masaktan siya.

            Pero ano pa ba ang magagawa niya roon? Kahit pa maungkat uli iyong mapait na nangyari sa kanila ni Marcus, nagyari na iyon at hindi na niya mababawi pa ang desisyon niyang iyon. Masaklap man para sa kanya, alam niyang naging tama ang naging pasya niya. Iyon lang din ang paraan upang hindi masira ang buhay nito.  Ayaw niyang nakikita itong nahihirapan nang dahil sa kanya.

            “Well, I think everything happens for a reason. Sadya lang talaga na may mga bagay o tao na hindi nararapat para sa'yo dahil baka may ibang mas nararapat at  nakalalaan na para sa kanila. Or maybe, it wasn’t yet the right time.” Hindi niya alam kung bakit naapektuhan siya sa huling sinabi niya. Sa kaso nila ni Marcus, hindi niya matiyak kung may tamang  panahon bang nakalaan din para sa kanila.

NAGKASYA na lamang si Lora sa pag-upo malapit sa bar counter habang pinagamamasdan ang venue ng party. Nagpaalam muna sa kanya ang katrabaho at kaibigan niyang si Danna na bumalik sa apartment nito dahil naiwan nito ang digital camera nito. Gusto kasi nitong makakuha ng kahit stolen shots lang ng mga artistang naroroon.

Don't Let Me GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon