Chapter 5

298 9 8
                                    

“LET’S take a break for awhile guys!” sigaw ng coach nina Lora at sa mga katulad niyang tennis players matapos ang second game ng practice match nila.

            She checked out her wrist watch. Alas kwatro na pala nang hapon. Isang game na lang ang tatapusin nila at maaari na silang umuwi at makapagpahinga. Naghahanda kasi sila dahil may sasalihan silang laro sa Zamboanga City sa darating na Abril. Kaya ngayon ay hapung-hapo na ang katawan niya dahil wala na silang ibang ginawa kundi ang magbilad sa tennis court sa ilalim ng mainit na panahon sa araw na iyon.

            Tinungo niya ang tent kung saan niya iniwan ang mga gamit niya. Ganoon na lamang ang pagkabigla niya nang makita si Marcus na bahagyang nakasandal sa bakal na haligi ng tent at nakahalukipkip. As usual, ang gwapo pa rin nito o mas angkop na sabihin na bawat oras ay lalong gumagwapo ito sa paningin niya.

            Isa sa mga dahilan kung bakit hindi na naman siya nakatulog ng maayos kagabi ay dahil ito lamang at ang mga nakakagimbal na nangyari sa office nito kahapon ang tanging umuokupa sa isip niya. Ngayon, pakiramdam niya ay nagsilayas ang lahat ng pagod sa buong katawan niya nang masilayan uli ito.

            She continued to walk towards the tent eventhough her heart keeps somersaulting inside her chest. She does not have any idea why he visted her in her practice. Ang tanong, binibisita ba talaga siya nito o may ipag-uutos na naman ito sa kanya? Malamang na ang huling naisip niya ang mananaig. Wala itong ibang dahilan para bisitahin siya sa kasagsagan ng practice niya.

            “Excuse me,” aniya nang makalapit siya rito. Humarang kasi ito sa dinadaanan niya.

            She felt him clearing his throat. “No doubt you’re branded as a high merited athlete in this university. You play so well.”

            “Thank you.” Inaamin niyang marami ang pumupuri sa galing niya sa paglalaro ng tennis pero iba pa rin kung sa lalaking gusto niya manggagaling ang mga papuring iyon. It worth millions of recognition, billions even.

            Sumunod ito sa kanya papunta sa bench na kinalalgyan ng bag niya. Kinuha niya ang water bottle niya. Nauuhaw na kasi siya

            “I know you’re wondering why I’m here. Your eyes told me so,” kapagkuwan ay wika nito.

            Kamuntik na siyang masaid sa iniinom na tubig. Ganoon ba siya ka-transparent at nalaman nito ang iniisip niya. Ano pa kaya ang ibang alam nito? “Ang corny ng hirit mo. Well yeah, good guess. What brings you here anyway?”

            Naupo ito sa isang panig nang bench at may kinuhang plastic bag na nakapatong sa isang stool malapit doon. Ngayon lang niya napansin iyon. Malay ba niya kung kanino iyon. “Hindi kita naihatid kahapon kaya para makabawi ako, I brought some pancakes and vanilla truffles for you.”

            “Weh?” Pakiramdam niya ay pumalakpak ang tenga niya gaya ng sa mga elepante. Gusto rin niyang maglulundag sa saya. Hindi niya sukat-akalain na mag-e-exert ito nang effort para bigyan siya ng meryenda. Pakiramdam niya tuloy ay may gusto rin ito sa kanya.

                Don’t put your hopes too high, girl. Gusto lang niyang makabawi kaya huwag ka nang mag-ilusyon ng kung anu-ano!

            She settled down herself to the bench, as though she was unaffected. Pero sa totoo ay lihim na umaawit ang kalooban niya. “Sigurado ka diyan? Baka may gayuma iyan, mahirap na.”

            Tinawanan lang nito ang biro niya. “Gayuma? Alam mo naman na hindi na kailangan iyon,” pagmamayabang nito pagkatapos ay tiningnan siya nito na parang nang-aakit. At siya namang gaga nagpaakit.

Don't Let Me GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon