Chapter 2

475 13 7
                                    

Walang balak na pumasok sa eskwelahan si Lora. Batid kasi niyang may masamang mangyayari sa kanya doon lalo pa at ngayon ang nakatakdang araw ng blind date nila ni Marcus. Kahit pa sinabi ng mga kaibigan niya na hindi na matutuloy iyon ay duda pa rin siya na gagawin ng mga ito iyon. Wala siyang tiwala sa mga kaibigan niyang iyon lalo pa at isa’t kalahating tuso ang mga iyon. Kaya mas makabubuti na siya ay magsiguro.

She sat on her bed in a lotus position at inaliw na lang niya ang sarili sa pagre-reblog ng kung anu-anong abubot sa Tumblr account niya gamit ang sariling laptop. Habang abala siya sa ginagawa ay bigla na lamang siyang binulahaw ng nanay Wendy niya.

            “Anak, lumabas ka nga muna diyan,” anitong kinakatok ang pinto ng kwarto niya. “Sige na, may tawag ka mula kay Tisha. Ano ba itong sinasabi niya na may activity kayo sa school?”

            Nanigas ang ilong niya. Talagang ginagalit siya ng mga ito. Mukhang hindi siya tatantanan ng mga ito hangga’t hindi siya napapamahak.

            “Sabihin n'yo na lang po na masakit ang ulo ko.”

            Mukhang nagalit na ang nanay niya dahil niyugyog na nito ang door knob niya. “Ikaw na bata ka, lumabas ka na diyan! Pumasok ka na sa eskwelahan ngayon din. May acitivity pala kayo tapos liliban ka?”

             “'Nay, wala naman na po kaming pasok talaga ngayon eh. Activities lang 'yon for Valentine’s day. Hindi naman iyon pang academics. So you have nothing to fret my dear nanay.”

            Hindi ito sumagot. Narinig niyang nagsalita ito. Mukhang kinausap muna nito si Tisha sa linya. Maya-maya pa ay muling nagtalak ang nanay niya. “Ano itong sinasabi ni Tisha na may ipapasa raw kayo na activity. Bakit Lora, hindi ka ba nakagawa niyon kaya ayaw mong pumasok? Aba’y ang mahal ng tuition fee mo tapos tatamad-tamad ka lang?”

            Natigilan siya. Oo nga pala, nakaligtaan niya na ngayon pala ang submission ng write-up input niya sa Dev-C++. Gusto niyang kutusan ang sarili. Kung naipasa pa niya ito noong isang araw ay wala na sana siyang dahilan pa na pumasok sa paaralan.

            “Nanay relax, papasok na po ako. Nakalimutan ko kasi na ngayon pala isa-submit iyon. Maliligo muna ako.” 

            Matapos niyang maligo at makapamunas ay agad siyang nagbihis. Imbes na magsuot siya ng nakaugalian na niyang simpleng blouse at jeans ay pinili niyang isuot ang bigay ng auntie niya na isang white graffiti tee. She teamed it up with her khaki slouchy pants and high-cut sneakers. Then she fishtail braided her hair sideways. 

               Tiningnan niya ang sarili sa salamin. Simple lang ang ginawa niyang make over pero sapat na iyon para mag-iba ang hitsura niya at matakasan ng mga dadakip sa kanya mamaya para sa blind date.

            Nagpaalam na siya sa nanay Wendy niya at tinungo agad ang eskwelahan dala ang project niya. Sumakay na siya ng bus at bumaba na lamang sa kanto malapit sa gate nila. Mas mainam iyon para mamanmanan niya ang paligid.

            Letseng buhay 'to, oo! Hindi na ako nilulubayan ng kamalasan, daing niya sa isip.

            What if there’s actually no date to happen? Sigurado siya na sangkaterbang pangungutya ang aabutin niya sa mga talipandas lalo pa’t kuntodo effort siya sa kanyang outfit. Now she wanted to retreat at the thought.

            Nang makarating na siya sa main gate ng Saint Thaddeus University ay agad na naging alerto ang lahat senses niya sa katawan. Daig pa niya ang criminal na nakatakas sa selda sa kanyang ginagawa.

Don't Let Me GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon