Chapter 7

259 8 3
                                    

WALA pa ring ideya si Lora kung saan na siya dinala ng mga estrangherong lalaki na dumukot sa kanya. Nananakit na rin ang lalamunan niya sa kasisigaw at mukhang iniinda lang ng mga ito ang boses niya dahil kung hindi, baka kanina pa tinapalan ang bibig niya habang bumabiyahe pa sila.

            Ngayon ay walang nagawa ang pagpupumiglas niya dahil pinangko na siya ng isa sa mga ito. Makailang sandali pa ay ibinaba na siya nito at naramdaman niyang maingat siyang pinaupo at pagkatapos ay naramdaman niyang umalis ang mga ito. Sinamantala niya ang pagkakataon na tanggalin ang blindfold niya. Ngunit, gayon na lamang ang pagkamangha niya sa nabungaran. Ang takot niya kanina ay nahalinhan ng pagkamangha.

            Tumamabad sa kanya ang napakagandang lugar na iyon. The calm breeze of the evening zephyr gently brushed her cheeks as she enjoyed her eyes with the surroundings festooned by dazzling lights. Nakaupo din siya sa isang table na inayusan din. May vase sa gitna na punung-puno ng artistically arranged ng mga tea roses at carnations. Everything was romantically designed. Nauulinigan din niya ang mahinang love song instrumentals sa paligid. Para siyang ipinaghehele niyon.

            The placed seemed familiar to her and when she gazed to her right she caught her breath to what she had observed. She could see the whole city colored with dazzling lights. If she was right, she was on top of Coup de foudre hill.

            “Nagustuhan mo ba?”

            Her heart almost jumped out. Agad siyang lumingon sa likod kung saan nanggaling ang boses na iyon. At hindi nga siya nagkamali ng hinuha. Si Marcus nga ang nagmamay-ari ng buong-buo at malalim na boses na iyon.

            Kung gwapo na ito sa karaniwang suot nito sa school, ngayon naman ay malilito ka sa paghahanap ng tamang salita para ilarawan ang kakisigan nito. He really looks so dashing wearing an elegant gray long-sleeved polo that was rolled halfway across his forearms and a pair of black denims. Sa tingin niya ay mas papasa itong model kaysa sa isang chemist.

            Humakbang ito palapit sa kanya na hindi inihihiwalay ang tingin nito sa kanya. Habang siya ay maang lamang na nakatitig sa gwapo nitong mukha. Nang makalapit ito sa kanya ay nahigit niya ang kanyang hininga nang hapitin siya palapit sa katawan nito. Naramadaman agad niya ang init na nagmumula sa matipunong katawan nito. 

            Patuloy lamang na nakatuon ang mga mata nito sa kanya habang naghuhumiyaw naman ang puso niya sa nararamdaman para sa lalaking ito. Ano ba ang binabalak nitong gawin at naisipan pa nitong kidnap-in siya? Dahil sa katanungang iyon sa isip niya, nagbalik siya sa tamang huwisyo.

            “Marcus, alam mo bang natakot ako sa ginawa mo? Ipaliwanag mo nga itong kalokohan mo.”

            He chuckled. “Sorry na nga. Napansin ko lang na iniiwasan mo ako kanina, eh. Kung hindi mo lang ginawa iyon hindi ko sana gagawin 'to,” unti- unting ngumisi ito.

            Iniwas niya ang tingin dito. Hindi niya alam kung kakayanin ba niyang sabihin dito ang dahilan. “Naguguluhan na talaga ako. Ano ba talaga ang kailangan mo?”

            “Ikaw.” Natigilan siya. Napatingin ulit siya dito. Bumaba ang tingin nito sa mga labi niya saka bumalik ang tingin nito sa mga mata niya. “Ikaw ang kailangan ko Lora. Nitong mga nakaraang araw, inaamin kong hindi ako mapakali tuwing hindi kita nakikita. Hindi ko maipaliwanag kung bakit sumasaya ako kapag kasama kita.” Dumampi ang malambot at mainit nitong mga palad sa pisngi niya at marahang hinaplos iyon. “Hindi ko na alam ang gagawin ko sa iyo.”

            “Marcus…” Totoo ba itong sinasabi nito sa kanya? Hindi niya matukoy kung dapat ba siyang magdiwang o malungkot. Pero hinayaan na lamang niyang lumukob sa puso niya ang kasiyahan dahil sa sinabi nito.   

Don't Let Me GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon