Chapter 1: Shift

732 8 1
                                    

Rhyme POV

"Hoy Rhyme, tulala ka na naman dyan" narinig kong sabi ng bestfriend kong si Serene bago umupo sa tabi ko.

Nandito kami sa isa sa mga round table sa garden ng University namin. Hindi man lang ako natinag sa sinabi niya, nakatanaw pa rin ako sa lalaking nakaupo sa isa sa mga bench na di kalayuan sa pwesto namin.

"Hoy Rhyme!!!pinagpapantasyahan mo na naman ba yung lalaking yun!!, malala ka na uy!! Ngayon pa lang tigil tigilan mo na ang pagdedaydreaming mo!" May pahampas pa sa balikat ko si Serene pagkatapos niyang sabihin yun.

"Kahit kailan talaga panira ka ng moment eh, buo na nga agad araw ko nung nakita ko siya tapos sinira mo lang" nakasimangot na sagot ko at nilingon ko sya.

"Did you see the way I look at him?"

She just nod.

"Eh di nakita mo bakit ganun na lang epekto niya sa kin. He's the epitome of hunk and handsomeness. Ang gwapo, ang manly ng dating, kahit seryoso at syempre kapag ngumiti pa. Tapos alam mo kung ano yung pinakagusto ko sa kanya, yung mata niya. Ang ganda. Yan na siguro yung sinasabi nilang tantalizing eyes" ngiting ngiting sabi ko sa kaniya. Nakatanaw pa rin ako sa kaniya.

"Feeling ko nga half blooded sya. Mukha syang half korean half pinoy. He's so perfect, mahal ko na ata siya Serene" dagdag ko pa pero napaisip ako kapag koreano maputi naman talaga

"Aray ko naman Serene" binatukan lang naman ako ng magaling kong kaibigan.

"Hoy Rhyme Louisse Ramos, maghunos dili ka nga sa pinagsasabi mo dyan, mahal ka dyan baka gusto mong iuntog kita sa lamesa at  maalog yang utak mo." Gigil na sabi niya sa akin.

"Ah hehe ito naman di na maloko" sagot ko at nakapeace sign pa.

"Pero what if seryoso nga ako" sabi ko sa kaniya.

Tumingin lang siya sa akin nang masama, na para bang may mali akong ginawa.

"Ako tigil tigilan mo sa kaaarteng mong ganyan Rhyme ah, halika na nga malelate na tayo sa first subject natin" sabay hila sa akin patayo ni Serene.

Bago kami umalis ay natanaw ko pa syang tumayo na rin at binitbit yung bag niya, kasabay na rin niya yung 4 niyang mga kaibigan na kapwa din may mga dating at itsura. Pero para sa akin, sya pa rin ang nangingibabaw sa lahat.

-----
Umupo na kami sa kanya kanyang seat namin. Di kami magkatabi ni Serene dahil alphabetical ang seating arrangement. Mukhang ewan lang eh, Inapply ba sa college ang gantong sistema, ano kami Highschool?
Second year na kami sa Kursong BS Accountancy ni Serene. Since Bff kami parehas kami ng kinuhang course.

Halos mapuno na rin yung room namin, nagsidatingan na din kasi halos lahat ng kaklase namin.
Nagtataka pa rin ako hanggang ngayon dahil bakante pa rin yung upuang nasa kanan ko. Sabi ni sir absent daw, absent na naman ngayon, friday na ngayon at last monday nagstart yung klase at hanggang ngayon di pa rin pumapasok kung sino mang kaklase nilang yun. MWF kasi schedule nila sa subject na ito and take note 3 hours pa yun.
For sure Drop out na to by next week.
Napailing na lang ako.

Since parang ang tagal dumating ng Prof. namin, yumuko muna ko sa armchair namin para matulog. Anong malay ko kung mapanaginipan ko sya diba? Masisigawan ko talaga kung sino man manggising sa akin pagnagkataon.

When Will It be me?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon