Chapter 2: Manliligaw?

121 4 0
                                    

Medyo SPG alert hahahah
Medyo lang naman, chos.😂

---------
Rhyme POV

"Anong sabi mo? Magshishift ka ng course Rhyme?" Hindi makapaniwalang tanong sa akin ni Serene. Sabi ko naman sa inyo eh magagalit yan kapag nalaman niya.

"Eh di naman sa gusto ko Bes bigla ko na lang kasi nasabi kay ate Jade. Alam mo naman magtataka yun kung bakit ako nasa building nila" pageexplain ko pa.

"Eh di sana nagrason ka ng iba, ano ba naman yan Rhyme, di mo man lang pinag-iisipan yang sinasabi at ginagawa mo" inis pa rin sabi niya.

"Slip of the tongue, I was caught off guard, isa pa nandun sila Kaden" sagot ko pero sana hindi ko na lang sinabi.

"So tama nga hinala ko, kaya gusto mong magshift dahil sa kanya. Can't you see hindi ka nga pinapansin nung tao Rhyme. Pinagsabihan na kita noon pa na tigilan mo na yan pero anong ginawa mo, lumala pa, ginawa mo ng hobby pagiging stalker" galit pa rin na sabi niya.

I cannot blame her dahil alam kong worried at concern lang naman sya sa akin. Ilang beses na niya akong sinabihan pero di pa rin ako nakinig. Di ko na namalayan yung sarili ko na hulog na hulog na pala. Di ako mapakali kapag di sya nakikita. Di buo araw ko kapag di ko nakikita ngiti kahit hindi ako ang dahilan. Yung makita ko lang sya okay na ko. Yung ganung pakiramdam.

"I'm sorry Serene pero kasi malay mo this time mapansin niya na ko since araw araw niya na akong makikita sa building nila."

"Hay ewan ko sayo Rhyme, sa ginagawa mo masasaktan ka lang, umamin ka nga, mahal mo na ba?"

Napatango ako sabay hikbi.

"Halika nga dito" lumapit ako sa kanya at niyakap niya ko.

"Such a cry baby" pagcocomfort niya sakin.

"Kulit mo kasi eh, sabi ko na nga ba, maiinlove ka dun eh, such a lucky bastard" sabi pa niya.

Humihikbi pa rin ako kasi akala ko talaga magagalit sya sa akin ng tuluyan.

"Okay, sige I support your unrequited love for him, pero Rhyme try mo kayang ipaalam sa kanya para atleast aware sya" see ang swerte ko talaga sa bff ko.

When Will It be me?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon