Chapter 5: Broken Heart

132 6 1
                                    

Everything I know about love, I learned from you (from you).
And everything I know about pain, I learned from you (you).

-

-----
Rhyme POV

Linggo na, pero di pa rin ako nakamove on sa nangyari kahapon. Pagkadating ko kahapon sa bahay ay nagkulong na ako agad sa kwarto. Tahimik lang akong umiiyak. Ayokong mag-alala pa si Dad at Mom. Inaya nila ako para kumain ng gabihan pero tumanggi ako, sinabi ko na lang na mas gusto ko na lang na matulog at magpahinga.

Nasa garden ako ng bahay namin at nakatitig sa mga cactus na nasa maliit na paso. Ito pa yung mga cactus na dapat ibibigay ko sa kaniya. Bumili na kasi ako nang marami nung kailan sa Divisoria. Hindi ko alam kung maibibigay ko pa nga ba. Para saan pa, mukhang basted naman na ako.

Tinitigan ko yung phone ko at nakareceive ako ng mga text galing kela Liam, Seth at Shawn. Buti pa sila, siguro kung sa isa ako sa kanila nainlove hindi ako masasaktan ng ganto. Bakit ba kasi hindi pwedeng mamili ng mamahalin eh? Bakit kasi hindi pwedeng turuan yung puso kung kanino titibok?

Nagulat ako ng marinig yung boses ni Serene.

"Rhyme, okay ka pa ba?", di ko namalayan yung paglapit niya. Hindi ko sya tinext or tinawagan. Ayokong pati sya ay maabala ko pero siguro nga kapag kailangan mo ng kasama sa mga ganitong pagkakataon, bigla bigla na lang sya darating kahit di niya alam. Marahil kaibigan ko nga talaga sya at ramdam niya yung kalagayan ko.

Tumingin lang ako sa kaniya at umiling. Pagkatapos ay niyakap niya na ako. Hindi ko na napigilan yung sarili ko na umiyak. Umiiyak ako habang kwinikwento ko sa kanya ang lahat.

Nagsorry pa nga sya sa akin dahil sya daw ang nagtulak sa akin na ipaglaban si Kaden. Sya daw talaga ang may kasalanan. Pero wala naman syang kasalanan talaga eh. First of all ginusto ko din, mahal ko pa nga eh.

Tama na, siguro kailangan ko na talagang sumuko sa kaniya. Alam kong masakit pero kapag umasa pa kasi ulit ako, mas masakit na.

I did everything I could, pero nakakapagod palang maghabol ng taong may hinahabol ding iba. Lately ko lang narealize na may hika ako at ang sakit pala sa dibdib, hindi na ko makahinga sa sobrang sakit. Kaya tama ng huminto ako.

Ginawa lahat ni Serene ang paraan para maaliw ako. Nanuod kami ng horror film at nagshopping. Nag-enjoy naman ako at kahit papano nakalimutan ko sya.

But in the end of the day, I found my self thinking about him, looking at his picture sa phone ko. Hindi pala ganun kadaling kalimutan sya lalo na kung nasanay ka na. He's my vitamins after all. He's my daily dose of happiness. Pero I need to stop taking that anymore.
Dahil di naman pala ako hiyang at di na din healthy.☹

Nakatulog ako ng gabing yun na may luha sa mata. Hindi ko alam kung paano sya haharapin bukas. Hindi ko alam kung makakayanan kong makita sya bukas ng hindi nasasaktan.

----
Late akong gumising, at late akong pumasok ng school. Parang wala akong kaenergy-energy na pumasok.

Hindi na din ako pumasok sa first class ko, feeling ko kasi di ko sya kayang makita. Nagstay ako sa library kahit hindi ko ugaling magtambay dun.

Nakareceive ako ng text galing kay Seth at tinatanong kung nasaan ako at kung bakit di ako pumasok.
Di na lang ako nagreply, at pinatay ko na lang yung phone ko.

Lumabas ako ng Library para pumasok sa second class ko. Alam kong makikita ko sya pero hindi ko naman pwedeng pabayaan yung studies ko dahil sa gusto ko syang iwasan.

Napadaan ako sa may hallway ng locker room nila. At di ko expected na nandun sya. Akala ko tuwing breaktime lang sya pumupunta dito.

I met her gaze pero umiwas ako. Tatalikod na sana ako para sa ibang way na lang dumaan pero narinig ko syang tinawag niya ko. Kaya napahinto ako sa paghakbang.

When Will It be me?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon