Chapter 4: Hiking and Hurting

113 7 3
                                    

Rhyme POV

Medyo naging busy na kami ng mga sumunod na week since mag prepreliminaries na. Nagstart na din kami sa special assignment namin. Di naman ako nahirapan kasi pinapatawag lang kami if may event na pupuntahan yung binabantayan namin, so far yung mga nasa highest rank pa rin kasi yung nagmomonitor.

Tatlong araw ko na din di nakikita si Kaden dahil sa special assignment niya. Bakit feeling ko on hands sya sa pagbantay dun. Pero sabi kasi ni Seth, utos daw kasi ng nasa highest authority since dati daw sya rin yung nagbabantay. Nalaman ko din na nasa police force din pala yung father niya, kaya ganun daw. Parang trinetraining na talaga si Kaden sa field na kinukuha niya.

Nag-aalala na kasi ako, di malabong magkagusto siya doon. Ang ganda kasi nung anak ng police general na binabantayan niya. Oo malakas yung confidence ko pero nung nakita ko sa picture yung babae parang bigla atang bumaba eh, I wonder pano na lang kapag sa personal pa di ba?

Yung cactus nga na binibigay ko, natengga na sa locker, 3 days na syang di pumapasok so tatlong cactus din yung andun.

Hays!! Grabe miss na miss ko na sya. Nilabas ko yung phone ko at tumingin sa gallery ko. Wag na kayong magtaka kung puno ng picture niya yung cellphone ko. Even though puro stolen shots lang yun. Merong nakasimagot sya, tulog sya, pokerface, kunot yung noo, nakataas yung kilay, at yung nataymingan kong nakangiti sya.

Naalala ko tuloy yung moment na yun. Yan yung time na binigay ni sir yung picture ng babantayan namin. Buti nga nacapture ko yung moment na yun kahit di ako yung dahilan ng pagngiti nyang yun. Once in a blue moon ko lang kasi syang makitang nakangiti.

I shrug that feeling na kahit hindi para sa akin yun ngiti.

Pinili ko yung picture nya na nakakunot yung noo. Kahit ganun yung reaksyon niya ang gwapo niya pa rin. Ginawa kong wallpaper yun.

"Rhyme sama ka?" Nagulat ako ng biglang lumapit si Liam.

"Huh, saan?" Tanong ko.

"This coming saturday, yung club kasi natin nagbabalak maghiking, Mt. Pinatubo daw sa Pampanga." sagot niya

"Kasama si Kaden?" tanong ko. Haler Miss ko na kasi sya, kaya kahit man lang makita ko sya okay na ko.

"Siguro sasama sya, miss mo na no?" Napatango na lang ako bilang sagot sa tanong ni Liam.

"Papaalam mo na ko" sabi ko.

"For sure papayagan ka nyan since kasama din yung pinsan mo."

She's pertaining to Ate Jade. Kung sasama si Kade sasama ako syempre.

"Sige" sabi ko na lang ulit.
Wala kasi ako sa mood makipag-usap, parang hinang hina ako kapag hindi ko nakikita si Kaden. Parang sya na yung nagsisilbing energy booster ko.

Naalala kong bukas papasok na sya, naeexcite na kong makita ulit sya.

------

Kinabukasan ang aga kong pumasok, good mood pa ko dahil sa wakas makikita ko ulit sya.

And sobra ko ngang tuwa dahil pagdating ko sa classroom andun na sya.

"Kaden!!!!" Mabilis akong umupo sa upuan na katabi niya.

"Nakakainis ka, bakit tatlong araw kang wala, miss na miss na kaya kita" sinabi ko yan sa kanya pero hindi sa malanding tono ah, wag nyo kong igaya sa mahaderang etchucherang frog na may gusto din sa kanya.

"Di mo man lang ba ako namiss?" tanong ko sa kanya.

Tumingin sya sa akin ng mariin. Miss nya rin siguro ako kaya nakipag eye to eye contact din sya sa akin. Well Sana naman diba. Ngitian ko nga sya.

When Will It be me?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon