CHAPTER 05

3.9K 78 0
                                    

NAKAPANGALUMBABANG tinitigan ni Forest ang katatapos niya lang i-arrange na mga bulaklak. Matapos ay bumuntong hininga siya ng malalim.

Ilang araw na ang lumipas pero hanggang ngayon ay tila sirang plaka na paulit-ulit na nagre-replay sa utak niya ang mga sinabi ni Neil sa kanya n'ong gabing ihatid siya nito sa bahay nila.

Hindi niya alam kung bakit masyado siyang apektado roon. Kung tutuusin ay dapat hindi naman niya iyon iniintindi pero hindi iyon mawala-wala sa isip niya. Siguro kasi ay hindi man lang niya narinig ang salitang 'joke' matapos nitong bitawan ang mga salitang iyon o kaya man lang ay binawi. Matapos kasi nitong sabihin iyon ay tahimik itong kumalas sa pagkakayakap sa kanya at naglakad na.

Napapaisip tuloy siya kung seryoso ba talaga ito o hindi.

Naku, naku, naku, Forest! Tigilan mo na nga ang kakaisip! Ano naman kung seryoso siya? After all, ilang taon din naman kayo hindi nagkita kaya pwedeng mamiss ka talaga niya. Kahit ikaw, alam mo sa sarili mo na na-miss mo rin ang kolokoy na 'yun!

Isang marahas na buntong hininga muli ang pinakawalan niya. Oo. Aaminin na niya. Kahit naman na palagi lang silang nag-aaway ni Neil noon ay na-miss niya talaga ito. N'ong lumipad ito patungong amerika ay tila nawalan ng spice ang buhay niya. Nawala ang kaisa-isang tao na palagi niyang inaaway at inaasar. Nalungkot talaga siya noon na talagang ipinagtaka niya sa sarili. Kasi hindi naman siya dapat makaramdam ng ganoon, 'di ba? Dapat nga ay magbunyi pa siya noon dahil nawala ang tinik sa buhay niya. Pero n'ong umalis ito ay tila nakaramdam siya ng kakulangan. Siguro kasi ay sanay na sanay na siya na araw-araw silang nagbabangayan nito. At n'ong mawala ito ay nasira ang kanyang daily routine kaya naman nakaramdam siya nang kalungkutan at kakulangan sa buhay niya n'ong umalis ito.

Pero paano naman 'yung sinabi niyang 'And this time, I won't let you go'? Para saan 'yon?

Isa pa iyon sa gumugulo sa kanyang utak. Hindi niya talaga maisip kung bakit nasabi ni Neil iyon sa kanya. Mayroong ideyang pumapasok sa kanyang isip pero ayaw niyang entertain-in. Masyado kasing malayo sa katotohanan.

Imposibleng namang may gusto siya sa akin, 'di ba? Goodness gracious! We're enemies! Baka sinabi niya lang iyon para inisin ako!

"Kapag tinitigan ba 'yan, mas lalo bang gaganda ang ayos?"

Natigil sa pagmumuni-muni si Forest nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. Excited na nag-angat siya ng tingin at sumalubong sa kanya ang nakangiting si Paolo.

"Paolo!" Aniya at mabilis na umalis sa counter at niyakap ito nang mahigpit. "Na-miss kita!"

"Wow! 'Di naman halatang na-miss mo 'ko, 'di ba?" Tumatawang sabi ni Paolo sa kanya at gumanti ng yakap sa kanya. "Miss you too, Forest."

Kumalas siya ng yakap dito at mabilis na hinila patungo sa receiving area ng flowershop niyang iyon. Pinaupo niya ito roon at walang sabi-sabing kinurot ang pisngi nito.

"Tagal mong nawala! Isang buwan din 'yon! Na-miss talaga kita, Pao-pao!" Aniya.

Isang buwan ding nawala si Paolo sa Capogian Grande. Nagpunta kasi itong Maynila dahil may kinailangan itong asikasuhin doon.

Hindi na niya halos matandaan kung paano sila naging close ni Paolo. Barkada kasi ito ni Neil at kahit naman mabait ito ay hindi naman sila madalas magkausap nito noong nasa kolehiyo pa sila. Nag-umpisa lang na mabuo ang pagkakaibigan nila nang minsang pinag-community service siya ng kapatid nitong si Gov. Deo dahil sa kalokohan na nagawa niya at tinulungan siya nito.

CAPOGIAN GRANDE SERIES 5: Bewitching Neil (PUBLISHED UNDER PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon