Chapter Ten: Yellow

3.9K 198 5
                                    

Ramdam ko ang mga tingin ng tao sa paligid namin.

"Sinubukan kong maging mabuting tao" ang pagsisimula ko. "Pero puno na rin ako"

"Akala mo ba matatakot mo kami basta-basta?" ang singit ng isang boses. Sabay ramdam ko ang malamig na tubig na dumaloy mula sa aking ulo patungo sa aking school uniform. Hindi naman ako gumalaw. Mabagal lang akong tumingin. Ang SSG President, isa rin sa mga babaeng patay na patay kay Chad.

"Sa tingin mo rin mo ba may epekto pa rin sa akin yan?" ang tanong ko pabalik.

"My family is more powerful Chad's family" ang pagmamalaki niya. Naisip ko si Kuya nung hinarap niya si Mrs. Dela Torre. Walang takot.

"More powerful than MY family?" ang singit ng isang pamilyar na tao. Napatingin kaming lahat.

"Kuya JayPee" ang pagtawag ko. Natigilan ako. Iba ang mga mata niya. Hindi yung parang may liwanag. Ngayon ay parang apoy. Nakakapaso ang kanyang mga tingin.

"So, PeeJay is right" si Kuya. "This is how you have been treated for a long time now."

Naglakad siya patungo sa tabi ko.

"I will forgive you this time" ang sabi ni Kuya. "But if you ever hurt my brother again; I'll make sure you'll go on the right place. Let's go Eliah"

Sumunod ako kay Kuya JayPee.

"Sorry, Kuya" ang paghingi ko ng paumanhin sa abala. Natigilan naman siya at napatingin sa akin. Bigla naman niya akong yinakap.

"No, I'm sorry you have to bear such burdens" ang komento niya. Lumayo siya sa akin. "You kept your head up; I'm proud of you. You are, indeed, a Gomez"

Napangiti naman ako. Nakatingin si Kuya sa damit ko kaya napatingin din naman ako sa aking suot.

"Grape Juice" ang komento ko base sa amoy.

"Clean yourself first" ang utos ni Kuya. "I'll just go to the Principal's Office and discuss some matters with him"

"O sige Kuya" ang pagpayag ko. Nagtugo ako sa restroom at naghilamos at naghugas ng buhok. Nang matapos ay hinintay ko si Kuya sa tapat ng Administrative Building; hindi naman nagtagal ay dumating siya.

"You still look like a mess" ang komento ni Kuya.

"May damit akong dala Kuya" ang tugon ko naman. "PE class namin mamaya"

"Mabuti naman" si Kuya.

"Bakit ka pala andito Kuya?" ang nagtataka kong tanong.

"Oh,yeah, right!" ang reaksyon naman ni Kuya. "I'm here to tell you that I'll pick you up after school"

"Uhm, bakit hindi mo na lang ako tinext?" ang tanong ko ulit.

"I don't have your contact number" ang sabi ni Kuya. Oo nga pala. Inabot niya ang kanyang phone. Tinype ko naman ang phone number tapos balik sa kanya.

"I'll call you later" ang sabi ni Kuya bago sumakay ng kotse niya. Tumango naman ako bago dumeretso sa classroom namin. Tumunog ang speaker at pinapapunta kami sa school auditorium. Iniwan ko ng silid-aralan at nagtungo dun. Naupo ako sa pinakalikod. Nakakapagtaka. Para saan kaya ito? Hindi nagtagal ay lumabas ang School Principal. Nagsimulang magbulungan ang mga tao sa loob.

"Today, we'll appoint your new SSG President" ang anunsyo ng school principal. Mas lumakas ang bulungan sa paligid. Kahit ako man ay nagulat sa aking narinig. 

"Bullying should never exist" ang pagsisimula ng Principal. "And I'm very disappointed with the former SSG's actions"

Ilan sa mga estudyante ay napapatingin sa akin ngunit wala akong reaksyon. Ang dating Vice-president ang magiging bagong SSG President ngayon. Si  Kuya JayPee ba? Pagkatapos nun ay bumalik kaming lahat sa classroom. Naupo ako sa upuan ko; iniisip pa rin ang nangyari. 

"Una, si Chad, ngayon naman ang SSG President" ang komento ng isa sa mga kaklase ko sa katabi niya. 

"How powerful are his family, really?" ang patanong na reaksyon naman ng isa. Alam kong ako ang tinutukoy niya. 

"Goldwire Industries Corporation" ang sagot ng isa pa. "CEO: Prince Jasper Gomez"

"Hindi ba siya yung nag-anounce kahapon?"

"Oo siya nga"

"Net worth.... OMG. $4.1 billion" ang dagdag pa ng isa. Sabay silang napatingin sa direksyon ko. 

"They messed with the wrong person" ang malakas na bulong ng isa. Napatingin naman ako sa labas ng bintana. Maaraw ngunit mabigat ang aking pakiramdam . Hindi ko alam kung anong magiging epeko sa akin ng mga nangyayari ngayon. Nakakatakot. Kinuha ko ang bag ko at nagtungo nga sa Institute of Physical Education and Sports para sa PE class namin. Dumeretso ako sa locker room, kinuha ang damit ko, at nagpalit ng damit. Dumeretso ako sa Track and Field area. Running ang gagawin namin ngayon. Medyo mabilis akong tumakbo kaya wala akong problema sa subject namin ngayon. Ayoko lang ng mga ballsports. Nakakastress at hindi ko maintindihan ang rules. 

"Ngayong hapon, relay ang gagawin natin." ang anunsyo ng PE Teacher. "Now group yourselves into four"

Nagsimula namang bumuo ng grupo ang mga kaklase ko  samantalang nanatili lang akong nakatayo. Sanay naman na ako na hindi pinipili. 

"Eliah" ang pagtawag ng isa kong kaklase. Napatingin naman ako. Isa sa mga nag-uusap kani-kanina tungkol sa akin at sa aking pamilya. "Sa amin ka na sumama"

"Ah...eh" ang reaksyon ko sabay kamot ng ulo. "Sige"

Naglakad naman ako patungo sa grupo nila. Bago hinihintay ang turn namin ay tinatanong nila ako ng ilang tanong. 

"Sorry kung hindi ka namin kinaka-usap" ang paghingi ng paumanhin ng isa sa kanila, si Mara. "Natatakot kasi kaming madamay; alam mo na... si Chad"

Ngumiti naman ako at tumango. 

"Naiintindihan ko" ang tugon ko. 

"Bakit hindi ka lumaban nung simala pa lang? Bakit ka nagtiis ng hanggang sa malapit na tayong matapos?" 

"Masyadong komplikadong i-kwento" ang paliwanag ko naman. 

"Next team" ang anunsyo ng guro namin. Tumayo naman kami at naghanda. Una akong tatakbo. Kaya naman kaagad akong pu-mwesto. Kaagad naman akong tumakbo nang marinig ang pito. Bumalik ako sa upuan upang kunin ang phone ko. Nagtext si Kuya. Tinantanong kung anong oras ako matatapos at kung saan ako susunduin. Kaagad naman akong nagreply. Natigilan naman ako nang pagkatapos ng ilang sandali ay nakita ko ang sasakyan ni Kuya.Nagpark siya sa malapit at kaagad ding bumaba. Naka-amerikana siya kaya naman halos lahat ay nakatingin sa kanya. Dalian naman akong lumapit. 

"Bakit andito ka na agad, Kuya?" ang tanong ko. "At bakit ganyan ang suot mo?"

"I just came from a business meeting" ang tugon naman ni Kuya. "I'm dying to change clothes already"

"Twenty minutes pa bago kami pwedeng umalis" ang komento ko naman. 

"I can wait" ang tugon naman ni Kuya sabay labas ng phone niya. "I'll just do something important while waiting for you"

"Business na naman Kuya?" ang tanong ko. 

Napangisi naman siya. 

"Mobile Legends" ang tugon niyang parang bata. Ibang-iba sila ni Kuya PeeJay na mature at masungit; siya naman masiyahin at palangiti. Mas lumabas ang kagwapuhan ni Kuya ngayong naka-Amerikana siya. 

"Hey, little brother" si Kuya. "Stop staring. Am I that handsome?"

"Sige, balik na ako Kuya" ang reaksyon ko naman.

"HEY!" si Kuya. Natawa naman ako sabay takbo pabalik.   

AUTHOR'S NOTES:

SOOOOOUUUUUUPPP na naman ako. haaaay.. 

Nakakapagod na ang life ko... -___-

True ColorsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon