Chapter Forty-one: Unknowns

2.8K 156 16
                                    

"Gusto kita" ang sabi niya na ikinagulat ko. Totoo ba ito? Parang huminto ang puso ko sa aking narinig. Kinuha naman niya ang kamay ko. 

"Gusto kita, Eliah" ang pag-uulit niya. Napangiti naman ako. 

"May aaminin din ako sa'yo" ang tugon ko naman. "Hindi naman dapata ko sasali sa Dance Camp. kaya lang naman ako nagsign-up dahil sa'yo"

"Sa akin?" ang gulat niyang tanong pablik. Napatango naman ako habang nakangiti. "Ang bait mo kasi; tapos ang pogi pa"

Natawa naman siya sa sinabi ko. 

"Gusto din kita" ang pag-amin ko sabay kuha ng kamay ko mula sa kanya. Napatingin ako kay Chad na mahimbing pa ring natutulog sa sofa. Sinundan niya ng tingin ang pinagmamasdan ko.  "Napa-espesyal mo sa akin kasi ikaw yung pinaka-unang taong nagustuhan ko" 

"Pero may ibang taong kumuha ng lugar ko diyan sa puso mo" ang pagpapatuloy niya.

"Nung una, nakakainis" ang komento ko. "Na palagi siyang andyan; kung saan ako magpunta; andun din siya. He call me names at madalas ay binubully niya ako. "Pero sa mga pagkakataong kailangan ko ng tulong; andyan siya. Kahit hindi ko pa siya tawagin. Hindi siya madalas mabait; at palagi siyang nakasimangot. Wala siya ng mga katangian mong nagustuhan ko pero may something sa maskarang pinapakita niya"

Napabuntong-hininga naman siya. 

"Gusto pa rin naman kita, Kyle" ang pagtatama ko. "Bilang isang kaibigan"

Napatango siya at muling kinuha ang kamay ko. Pinilit niyang ngumiti. 

"Friends?" ang tanong niya. Napatingin naman ako sa kanya. 

"Friends" ang tugon ko. Yinakap naman niya ako; yinakap ko naman siya pabalik. 

"Kelan mo sasabihin sa kanya?" ang tanong ni Kyle nang humiwalay siya sa akin. Napailing naman ako.  Sa totoo lang; pinipilit kong i-ignore ang mga umuusbong na nararamdaman ko para kay Chad. 

"Hindi ko alam" ang tugon ko naman. "Sa totoo niyan; natatakot ako"

"Natatakot saan?" ang tanong niya pabalik. 

"Natatakot sa mga pwedeng mangayari at hindi pwedeng mangyari" ang tugon ko naman. "HIndi naman niya ako magugustuhan eh"

"Bakit naman?" ang tanong niya pabalik. "Napaka-perpekto mo"

Napailing naman ako. 

"Nagiging mabait lang siya sa akin kasi kailangan"

"Ha? Anong ibig mong sabihin?" ang tanong niya. Napailing naman ako. 

"Wala lang yun" ang pag-iiba ko ng usapan. Ayokong bigyan ng kulay ang mga pagkakataong nagiging pa-fall si Chad. Sana ganun na lang kadali ang lahat. Natatakot akong masaktan.  

"Hindi pa rin imposible" ang komento ni Kyle. "Lalabas na muna ako, ha?"

"Bakit naman?"

"Basted eh" ang pabiro niyang sinabi ngunit ramdam ko ang lungkot sa kanyang boses. Hinayaan ko na lang siya. Kapwa kaming bumaba ng kama at hinatid ko naman siya papunta sa pintuan. "Eliah"

"Hmm?" ang reaksyon ko. Nasa bungad na kami ng pintuan. "Wag kang matakot sa mga nararamdaman mo. HIndi man ngayon; pero mas makakabuti kung sabihin mo sa kanya"

Napatango naman ako at pinilit ngumiti. Sinara ko ang pinto nang mkapagpaalam siya. Naglakad ako  pabalik at naupo sa tapat ng sofa. Pinagmasdan ko ang mukha ni Chad. 

"Sana kung hindi rin naman pwedeng maging tayo" ang bulong ko. "Itigil mo na lang ang pagiging mabait sa akin. Kung may nararamdaman ka man sa akin; at hindi ka sigurado. Wag na lang. Ayokong masaktan sa huli. Ayokong mahulog na walang sasalo sa akin "

Tumayo naman ako at nagtungo sa aking kama. Pinagpatuloy ko ang panonood ng pelikula. Hindi ko namalayan na nakatulog ako. Naalimpungatan ako nang may dumampi sa aking noo. Minulat ko ang aking mga mata. Hindi malinaw ang aking nakikita sapagkat nakapatay na ang ilaw; tanging mula sa labas nanggagaling ang liwanag. May kung sino mang naglakad palayo at nahiga sa sofa. Pinikit ko ang aking mga mata at muli akong nakatulog. 

Nagising ako nang may sumusundot sa pisngi ko. Minulat ko ang aking mga mata at nasa tapat ko ang mukha ni Chad. 

"Finally" ang komento niya. Itinulak ko naman siya palayo. Napaupo naman ako. "Kanina ka pa ginigising ng Kuya mo. It's already six thirty"

"Hala" ang reaksyon sabay baba ng kama ko. Dumeretso ako ng banyo at naligo. Kaagad naman akong lumabas nang banyo at naghanda. 

"Tara na" ang yaya niya nang makapagbihis ako. Napatango naman ako. Natigilan ako nang makita ang Iphone XS ni Kuya Peejay sa kama niya. Ilang messages at miscalls na rin ang natanggap niya mula kay Kuya Eric. Kinuha ko naman yun at binulsa. 

Sumusunod ako sa kanya. Pinagmamasdan ko ang kanyang likod. Tsaka ko lang napapagtanto na nagugustuhan ko na siya. Nung mga oras na kasama ko siya at si Kyle. Mas lalo na nung pagkakataong nagtapat sa akin si Kyle. Pero natatakot ako. Napalingon naman siya sa direksyon ko. 

"Bakit ang bagal mong maglakad?" ang tanong niya. Umihip naman ang hangin at nagulo ang buhok niya. Inayos naman niya yun. Nakatingin lang ako sa kanya. Naa;a;a ko ang mga lihim na binunyag ko kay Kyle kagabi. Hala! Anong gagawin ko? Napaupo naman ako sa sahig. "Hey? Are you sick?"

Kaagad namang lumapit sa akin si Chad.  Pinilit niya akong hinila patayo. 

"What the hell is wrong?" ang tanong niya. Napatingin ako sa kanya. 

"You" ang tugon ko naman. Nagsimula naman na akong maglakad. Sumunod naman siya. Habang naglalakad ay napap-isip ako. Anong pwedeng mangyari sa aming dalawa kapag ibinigay na ulit ni Kuya Peejay ang kumpanya nila? Magiging katapusan na rin ba ito para sa aming dalawa?

Nagtungo kami sa restaurant para mag-almusal. Kaagad naman kaming kumuha nang makakain. Napaikot ang tingin ko. Nasa dulo pa rin sila Kuya Peejay. Hindi naman nagtagal ay nahanap ko si Yessa; kasama na niya si Kyle. Nagsimula kaming maglakad ni Chad patungo sa kanila. 

"Mukhang seryoso ang usapan natin ah" ang komento ko nang makalapit kami at naupo sa tabi nila. Natigilan naman sila at napatingin sa akin. Napatigin naman si Yessa kay Chad sabay tingin naman sa akin. 

"Good morning" ang maligalig niyang pagbati sa amin. Bumati naman ako pabalik. Nagsimula kaming kumain. Nagsimula nang dumaldal si Yessa; kaya naman nakikinig lang ako. Wala ako sa mood makipag-usap kasi ang aga-aga. 

"Excuse me" ang singit ng isang boses. Natigilan naman si Yessa sa kakasalita at lahat kami ay napatingin. Apat na babae.

"Puno na kasi yung ibang table; pwedeng maki-join?" ang tanong nung isa sa kanila. Napatingin ako sa apat na silyang bakante. 

"Uhm, sure" ang pagpayag ni Yessa. 

"Thanks!" ang maligalig nilang pasasalamat. 

"Hi, I'm Roxxie!!" ang pagpapakilala ng babaeng naupo sa tabi ni Chad sa kanya. Napakunot naman ako ng noo. 

TO BE CONTINUED.....  

Author's Notes: Sorry kung sobrang sabaw ng update TT Writer's block is real. Say what you feel with this chapter in the Comment box below. 

Don't forget to hit subscribe and click the notification icon!! Char. Di pala to Youtube.  lels....

Ewan...hahaha 

True ColorsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon