Chapter Thirty-one: Pink Milk Conversation

3.1K 174 22
                                    

Ang gagaling ng mga kasali sa contest. Kahit na hindi ako pamilyar sa mga kanta at sa mga sayaw; naenjoy ko naman ang panood sa mga grupo. Iba-iba kasi ng concept. Napabilib din ako kay Kyle; ang galing din niya! Sa totoo lang, hindi ko alam kung sinong mananalo pero umaasa ako na ang grupo ni Kyle ang makakuha ng First place. Memorable sa akin ang performances ng EXo group at Blackpink. Napaka-powerful kasi. 

Sumapit ang computation ng scores ng mga team. Hindi namin inasahan na may performance si Kuya Ethan. Napatingin kami ni Yessa sa isa't-isa nang tawagin si stage si Kuya. Rinig ko naging  Choreographer siya ng Soul's Dance Troupe; ang official dance group ng Saint Anthony.  Napatingin ako sa kinalalagyan nila Kuya Peejay. Nakatitig si Kuya Eric sa kanya ngunit  Wala pa ring kupas sa pagsayaw si Ethan. Mukhang awkward sa kanila ang sitwasyon. Binaling ko ulit ang atensyon ko kay Kuya Ethan. 

"Ang hot niya vaklaa!" si Yessa. Mas bakla pa itong babaeng ito. Pagkatapos ng performance ni Kuya Ethan ay tinawag na ang lahat ng kalahok para sa announcement ng mga nanalo. Napahawak kamay naman kami ni Yessa. Napa-fingers crossed siya. 

"Third place... WannaOne" ang anunsyo ng emcee. Napahiyaw naman kami ni Yessa. Masaya ako para kay Kyle. Hindi na masama ang third place. "Second place... Blackpink!"

 "First place... EXO!'

Sigawan ang mga tao sa venue. Masaya ako sa naging resulta. Tinawag muli ang tatlong grupo para iperform ang sayaw nila. Pagkatapos ng event ay hinintay namin ang pagkakataong makita si Kyle. Hindi ko naman na nakita si Kuya Peejay sa dami ng tao. Hindi naman nagtagal ay lumabas ang grupo nila; kaagad naman silang linapitan ng mga kasama naming schoolmates nila. Natigilan naman siya nang makita ako. 

"Congrats" ang nahihiya kong bati sa kanya. Napangiti naman siya at nagpasalamat. Kaagad din naman silang umalis para mag-celebrate. Naiwan naman kami nila Yessa at Chad sa venue. 

"Gusto niyong maghang-out?" ang yaya ni Yessa.  

"Sa tingin ko; hindi yan isang magandang ideya" ang komento ko naman. "May event tayo ukas kaya kailangan nating magpahinga"

"Napaka-lolo mo" ang komento naman niya. "Tara, kahit meryenda lang"

"Sige na nga" ang pagpayag ko naman. "Pero kailangan din nating umuwi ng maaga"

"Yes po" ang pagpayag ni Yessa. "Sama ka, Chad"

"I don't have a choice" ang tugon naman ni Chad sabay tingin sa akin. 

"Teka lang, may napansin ako" si Yessa. "Palagi kayong magkasama since nung dumating ka, Chad"

"Wala naman sigurong masama dun, di ba?" ang tanong naman ni Chad. 

"Of course, wala" si Yessa. "Magjowa kayo, no?"

"HA?!" ang sabay naming reaksyon ni Chad sabay tingin sa isa't-isa. Napatupi naman ng kamay si Yessa. 

"Nagbibiro ka ba?" ang tanong ni Chad sa kanya. "Hinding-hindi ako magkakagusto sa kanya. No offense"

Hindi naman nagbabago ang mukha ni Yessa.

"Ah, so kaninang umaga rin lang ako pinanganak" ang argyumento naman ni Yessa. Dahil na rin siguro sa sinabi ko sa kanya nung isang araw. 

"I'm straight" ang sabi naman ni Chad. Napatingin naman sa akin si Yessa. Tumango naman ako bilang pag-confirm. Napa-ikot siya ng mga mata.

"Actually, bodyguard ko siya" ang paliwanag ko naman. Napatingin naman sa akin si Chad. "Alam mo naman kung sino yung gusto ko"

"Oo na" si Yessa. "Tara na nga." 

Naglakad kami patungo sa parking lot.  Natigilan naman ako nang may mapansin. Yung lalakeng member ng Blackpink kanina na candy pink ang kulay ng buhok ayon kay Yessa. Kasama niya ang isang member nung EXO group at naka-akbay sa kanya. Sa harap naman nila ay isang bata nakahawig nung lalake. Napangiti ako sa aking nakikita. Meron pa palang forever. 

"Eliah, let's go" si Chad. "Please, stop making spacing out as your hobby"

"Sorry" ang paghingi ko naman ng paumanhin sabay sakay sa sasakyan niya. 

"Kotse mo to, Chad?" ang tanong ni Yessa. Napatango naman si Chad. "Sosyal. mayaman"

Natawa naman si Chad sa inasal ni Yessa. 

"Eliah is richer" ang tugon naman ni Chad. Pinilit ko namang tumawa. 

"Grabe talaga itong si Chad; mapagbiro" ang komento ko. Natawa rin naman si Yessa. 

"Muntikan na akong maniwala" Si Yessa. 

"Anyway, paano mo nasabi na you know; na gay ako?" ang tanong ni Chad kay Yessa. Napalunok naman ako. Napatingin sa akin si Yessa. 

"Ah, may echoserang froglet kasing nagsabi sa akin" ang tugon ni Yessa; kinurot ko naman ang beywang niya kaya napasigaw siya ng malakas. "Na-eexcite na ako makipag-bond sa inyo!!"

"Saan pala tayo?" ang tanong ni Chad. 

"Uhm, kahit coffee shop or milk tea shop" ang suhestyon naman ni Yessa. 

"Starbucks Coffee bean and Tea Leaf?"

"May alam ka bang iba?" ang tanong naman ni Yessa. "Eh, ikaw Eliah?"

Naisip ko ang Cafe ni Kuya Eric pero sigurado akong naroon silang dalawa. Awwwkwaard. Naisip ko naman yung pinagbilhan namin ng cake ni Kuya Peejay nung unang araw ko siyang nakilala. Yun ang sinuggest ko at dun kami pumunta. 

"What do you want?" ang tanong ni Chad. "It's on me"

"Wow! Ang generous mo naman" si Yessa sabay tapik sa balikat ni Chad. "Uhm, gusto ko yung Butterfly Pea Flower Tea"

"Okay" si Chad. "How about you, boss?"

"Boss?" ang nagtatakang tanong ko sa kanya.

"I'm your bodyguard, right?" ang sarcastic niyang tanong pabalik. 

"Gusto ko yung Pink Milk... blended" ang tugon ko naman habang binabasa ang nakalagay sa harap. 

"Copy, your highness" ang pilosopo pa rin niyang tugon sabay bow. Kaasar. Mauupo naman na kami ni Yessa. 

"Anong deal sa inyong dalawa? Yung totoo?" ang tanong ni Yessa. 

"Wala. Close lang talaga kami" ang pagsisinungaling ko naman. 

"Okay, sabi mo eh. So, hindi talaga siya beki?"

"Hindi" ang awkward kong pag-amin. 

"Nakakaloka ka" 

Hindi naman nagtagal ay dumating si Chad kasama ang mga inumin. 

"Ang colorful naman ng inumin natin" ang komento ni Yessa pero blue, yellow at gray lang ang nakikita ko. Hindi ko alam kung saana yung sa akin. Kinuha ni Yessa ang nasa gilid. Obvious naman na frappe ang nasa isa pang dulo kaya kinuha ko yung nasa gitna. "Eliah, tignan mo to"

Napatingin naman ako sa inumin niya. May linagay siyang kung anong parang tubig sa inumin pagkatapos ay hinalo niya ang inumin. 

"Amazing, di ba!" ang tuwang-tuwang reaksyon ni Yessa pero hindi ko alam kung anong tinutukoy niya. Napakunot naman ako ng noo at sumang-ayon na lang.

"Interesting, how did it change colors? From blue to purple?" ang tanong ni Chad sabay tingin sa akin. Ngayon ay naiintindihan ko na ang gustong ipakita ni Yessa. Medyo nalungkot ako kasi gusto ko ring makita ang mga ganung bagay. 

"Sorry, Yessa" ang pagsisimula ko. "Pero hindi ko makita"

"Ang alin?"

"Yung pag-iiba ng kulay" ang paliwanag ko naman. "I'm color-blind"

"Nagjojoke ka no?" ang komento ni Yessa. Umiling naman ako. "Hala, sorry. HIndi ko alam"

Pinilit ko namang ngumiti. 

"Wala yun. Nasanay na rin naman ako"

True ColorsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon