Chapter Nineteen: Brother-in-law?

3.4K 172 13
                                    


Umalis na nga si Kuya Ethan. Pinagpatuloy ko na lang ang pagkain habang habang nakikinig sa kanilang pag-uusap. Napapatango na lang ako sa mga sinasabi nila. 

"Eliah, saan mo balak mag-aral for University?" ang tanong ni Ate Aryan.

"Sabi ni Kuya sa Montecillo raw" ang tugon ko naman.

"Pero pag ikaw yung papapiliin; saan mo gusto mag-aral?" ang sunod na tanong ni Ate Aryan. Napangiti naman ako.

"Dito sa Saint Anthony" ang tugon k.o naman. Gusto ko kasing pumasok sa isang normal na University. Yung may competition pero friendly. 

"Then, so be it" ang komento naman ni Kuya Peejay.

"Talaga, Kuya?" ang gulat at natutuwa kong tanong.

"Oo, I'm not totally mandating you to go to Montecillo" ang paliwanag  naman niya. Napabuntong-hininga siya halatang disappointed sa nagawang desisyon.

"Anong strand ang kinuha mo?" ang tanong ni Ate.

"Humanites and Social Sciences" ang tugon ko naman.

"So, anong balak mong kunin?" ang tanong naman ni Kuya.

"Language Studies" ang tugon ko.

"Halos pareho sa amin ng Kuya mo at si Ethan; literature nga lang ang kinuha namin" si Ate Aryan. Gusto ko ng literature pero masyadong boring. "Actually, magkakaklase kami"

"Aaah, amazing" ang reaksyon ko sa aking nalaman.

"Tapos ka na ba kumain? Halika na" si Ate Aryan. Napatingin ako sa paligid; mukhang natapos na si Kyle kasi wala na siya at medyo uunti na lang ang tao sa cafeteria.

"Okay ka lang, Eliah?" ang tanong ni Kuya Peejay. Napatingin naman ako sa kanya.

"Ah.. Oo, Kuya." ang tugon ko naman. "Mauna na kami ni Ate Aryan" 

Napatango naman si Kuya. Sabay kaming tumayo ni Ate Aryan at naglakad palabas ng cafeteria. 

"Sa inyong magkakapatid; mukhang ikaw ang pinaka-passive in nature" ang out of the blue na komento ni Ate Aryan. 

"Masama ba yun?" ang tanong ko.

"Uhmm, not really" ang tugon ni Ate. "It's just that... you're different"

Napatango naman at ngumiti. 

"Ate Aryan" ang pagtawag ko sa kanya. 

"Hmm?" ang reaksyon naman niya.

"Anong nangyari kay Kuya Peejay at Kuya Ethan?" ang tanong ko. Natigilan naman siya at napatingin sa akin. Biglang umihip ang hangin kaya inayos niya ang buhok niya. 

"Alam mo, wala ako sa lugar para magkwento" si Ate ARyan. "HIndi ba dapat manggaling kay Pejay ang tungkol dito?"

"Nakakatakot kasi si Kuya" ang bulong ko na nagpatawa sa kanya.

"I know, right!" ang pagsang-ayon ni Ate. "Pero bakit mo naman natanong?"

"Mukhang mabait naman si Kuya Ethan. Gwapo pa" ang tugon ko. "Kaya hindi ko maintindihan kung bakit galit na galit si Kuya Peejay sa kanya."

Napabuntong-hininga naman si Ate. Naupo siya sa malapit na bench. Sumunod naman ako. Katahimikan. 

"Pinagpalit ni Ethan si Peejay sa iba" ang malungkot na tugon ni Ate. "Minahal ng Kuya mo ng lubos si Ethan; probably more than his self"

Lumabas si Kuya Peejay at Kuya Eric mula sa cafeteria at naglakad patungo sa kabilang direksyon. Pinapanood namin sila.

"To make it worst" ang pagpapatuloy ni Ate Aryan. "Yung taong pinagpalit niya... ay kapatid niyo; si AJ"

Napanganga ako sa aking narinig. Hindi ako makapaniwala. 

"Anyway, it's really complicated. Si Peejay na lang ang tanungin mo; he knows better" si Ate sabay tayo. "Wag kang matakot sa kanya. He looks rough and all. Pero it's just his outer shell. Tara na"

Tumango naman ako at bumalik na nga kami sa gymnasium. HIndi nagtagal ay nakasanayan ko na ang mga tao sa paligid ko lalo na ang pagsasayaw. Hindi naman pala ganun kasama eh. Nakaka-enjoy din naman pala kahit nakakapagod. 

"Water break" si Ate Aryan. Kaagad naman akong nagtungo sa vending m. achine para kumuha ng maiinom. Andun si Kuya Ethan.

"Oh, it's you" ang reaksyon niya nang makita ako. Hindi ko naman siya pinansin at hinulog ang barya ko sa vending machine bago pindutin ang buton sa tapat ng sports drink. Kaagad ko namang kinuha ang sports drink at nagsimulang maglakad palayo. 

"Eliah" ang pagtawag ni Kuya Ethan pero hindi ko pa rin siya pinansin. Natigilan naman ako nang may kamay na humawak sa balikat ko. "Why the sudden coldness?"

"Alam ko na yung ginawa mo kay Kuya" ang tugon ko sabay tupi ng mga kamay. 

"I understand how you feel" ang komento naman niya.  "But Eliah; please hear me... I love Peejay"

"Kung mahal mo talaga si Kuya; bakit mo siya sinaktan?" ang tanong ko naman pabalik. 

"That was the greatest mistake I have ever made" ang malungkot naman niyang komento. "Now, Peejay is back ... I want to redeem myself. Eliah, give me a chance, would you? I would do anything for Peejay"

Napabuntong-hininga naman ako at napatango. Napangiti naman siya. 

"So, brother-in-law" ang pagtawag niya sa akin na nagpakunot ng noo ko. Inalok niya ang kamay niya sa akin. 

"Hindi ako sigurado diyan" ang tugon ko naman sabay kuha sa kamay niya at nakipag-kamay. Natigilan naman kami nang may tumikhim. Napatingin kami. 

"Wag mong sabihin ... inuto mo ang kapatid ni Peejay para may kumampi sa'yo" ang komento ni Ate Aryan.

"Geez, I'm just making friends with him" ang komento naman ni Kuya Ethan. "Right, Eliah?"

"Uhm" ang komento ko naman. "Opo"

"See" ang maligalig namang sabi ni Kuya Ethan. Napatupi naman ng kamay si Ate Aryan. "In fact, I want to invite you for snacks later"

"No thanks" ang pagtangi naman ni Ate Aryan.

"Bakit naman?" si Kuya EThan. "It's been a while; let's catch up. What do you think Eliah?"

Napatingin naman ako kay Ate Aryan na nakatingin din sa akin. HIndi ko alam ang sasabihin ko. 

"Fine!" si Ate Aryan. "Hindi ka pa rin nagbabago Ethan; magaling ka pa ring mangmanipulate ng tao. Now, if you don't mind. I need my trainee back"

"Sure, go ahead" ang pagpayag naman ni Kuya Ethan. Sumunod naman ako kay Ate Aryan. Pinag patuloy namin ang pagprapractice. Sumapit ang hapon at natapos din ang lesson ngayong araw. Pagkatapos makapagbihis ay kinuha ko ang violin. Sinalubong naman ako ni Kuya Peejay at Kuya Eric. Kaagad namang nagpaalam si Ate Aryan; may pupuntahan sila ni Kuya Ethan. Sinundan ko siya ng tingin ngunit naagaw agad ang atensyon ko ng isang likod. Si Kyle. Ewan pero siguro nga. Crush ko siya

"Curry" ang basa ko sa likod ng t-shirt niya bigla naamng may tumapik sa noo ko kya napatingin ako. 

"Ginagawa mo?" ang tanong ni Kuya.

"Wala, Kuya."

"Umamin ka nga. Are you crushing on Ethan?"

"Nagseselos ka ba Kuya?" ang tukso ko sa kanya.

"SHUT UP, Eliah!" ang suway naman niya. Tumawa naman ako; nakakatawa kasi ang reaksyon niya.  Sumakay kami sa kotse ni Kuya. NAsa likod ako habang nasa harap sila. "May bibilhin ka ba sa mall?"

"Bakit Kuya?" ang tanong ko.

"Magpapagupit ako" ang tugon  naman niya. "So, you can buy something while you wait"

"Meron sana pero iniwan ko yung wallet ko sa bahay" ang tugon ko. Napabuntong-hininga namansi Kuya. Inabot niya sa akin ang isang credit card.

"Just buy whatever you want" ang bilin niya. "Art materials, damit.. Anything"

"Uhm, o sige Kuya" ang tugon ko naman. Nagsimula namang magdrive si Kuya Peejay papuntang mall.    

True ColorsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon