Chapter Twenty-six: Lunch

3.4K 167 6
                                    

Author's Notes:  This will be my last update for this week and for the next two weeks. Bakasyon muna ang Ate niyo. Rarampa muna ako sa labas ng Pilipinas. hahaha.

Lunes...

Gamit ang sasakyang binigay sa akin ni Kuya at Mommy; nagtungo kami ni Kuya Peejay sa Saint Anthony University para sa Summer camp. Si Kuya Peejay ang nagmaneho since hindi naman ako marunong. 

"Sa susunod dapat ikaw na ang magmaneho nito" ang komento naman ni Kuya.

"Sige. Kuya" ang simple ko namang tugon. Napanaginipan ko kagabi si Chad. Napanaginipan ko yung  nang yari sa dressing room nung birthday ko. Hindi naman nagtagal ay nakarating kami sa Saint Anthony. Kaagad naman akong bumama ng sasakyan at nagpaalam kay Kuya Peejay. Dumeretso ako sa locker room at nagsimulang magpalit ng damit.

"Nice shoes" ang komento ng isang boses nang maisara ko ang locker ko. Nagulat naman ako at muntikan nang mahulog. Napatingin naman ako. Si Chad na nakaupo sa bench. 

"Chad?!"  ang gulat kong pagbati sa kanya. "Anong ginagawa mo rito?"

"Doing my job" ang simple naman niyang tugon. 

"Aaah" ang tanging komento ko naman. "Hindi mo naman kailangang gawi-"

"To clear things up; we can never be friends" ang singit naman niya. "We will never be friends. You know how much I hate you; don't you? Ginagawa ko lang to dahil sa kasunduan namin ng Kuya mo... so, don't flatter yourself"

Napanganga naman ako sa sinabi niya at napakunot na rin ng mga noo. HIndi pa rin siya nagbabago. 

"Sounds fine with me" ang pagsang-ayon ko naman sabay labas ng locker room. Nakakabwisit talaga ang ugali niya. Napakaselfish talaga.Salamat talaga KUya Peejay. Ngayon para akong natrap sa isang lugar na palaging kasama ang demonyong ito. Narinig ko ang pagyabag ng kanyang mga paa. Batid kong nasa likod ko lang siya. Nasa gymnasium na kami at kaagad kong nasilayan si Kyle. Kakambal niya siguro ang araw; ang kinang... nasisilaw talaga ako sa kagwapuhan niya. Kumaway ako nang mapatingin siya sa direksyon ko. "Ang gwapo niya talaga"

"Pssk. Yan na ang gwapo sa'yo?"  ang side comment naman ni Chad na nasa tabi ko na. Tinapunan ko naman siya ng masamang tingin. "Real talk. Mas gwapo ako"

"Mas gwapo ka nga" ang pagsang-ayon ko. "Pero mas pa rin siya... MAs marespeto.. mas friendly... MAS maganda ang ugali, hindi katulad mo"

Natigilan naman ako nang may tumikhim sa malapit kapwa naman kami napatingin ni Chad. Si Yessa. 

"Eliah" si Yessa. Ang weird ng pagkakabigkas niya ng pangalan ko. May extrang /h/ sound. "Megendeng umege"

"Uhm, magandang umaga din Yessa" ang pagbati ko pabalik. "Okay ka lang?"

"Ohkey nemen" ang tugon niya sabay hawi niya ng kanyang buhok palikod sa tenga sabay tingin kay Chad. "Shino sha?" 

Kaya naman pala.... 

"Hindi ko siya kilala" ang malamig ko namang pagtanggi na kilala ko siya sabay tapon ulit ng masamang tingin kay Chad. Pero wala namang epekto sa kanya ang mga tingin ko. He still looks disinterested. 

"Kyah, anong pengelen moh?"  ang tanong ni Yessa kay Chad. Napatingin naman si Chad sa kanya. 

"William Chadwick dela Torre"  ang pagpapakilala naman niya sa kanyang sarili. 

"Ang hot naman ng pangalan mo"  si Yessa kaya naman napa-ikot ako ng mga mata. "Kasheng hawt mo" 

"Tama na nga yan, Yessa"  ang suway ko sabay hila ng sa kanya. 'Magsisimula na ang camp"

True ColorsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon