"Anyway, PeeJay can't join us" ang balita ni Kuya sabay on ng aircon ng sasakyan niya. "He's attended a meeting"
"Okay lang, Kuya" ang tugon ko naman.
"But he already sent the truck and some people to help us" ang dagdag niya pa. Napatango naman ako. Ilang araw na lang pala ay matatapos na ako bukod pa run ay ang kaarawan ko. Hindi naman nagtagal ay nakarating kami sa apartment. May dalawang tao na run na nagsisimulang magligpit ng ilang gamit ko.
"Where's your room? I wanna change already" ang tanong niya. Tinuro ko naman ang kuwarto ko. Dumeretso naman siya run. Nagsimula naman akong magligpit ng ilang gamit. Lumabas naman si Kuya. Naka-jeans na siya ngayon at sando. "Which one do you think better? THis red one or this green one?"
Linapag niya ang polo shirts sa sofa na pareho lang ang kulay sa aking paningin.
"Kahit ano diyang sa dalawa, Kuya" ang tugon ko naman. "Bagay pa rin naman sayo?"
"You think so?" ang tanong niya sa akin. "Someone said my skin color becomes tanner if I wear greens."
"Eh, di yung red na lang" ang tugon ko. Napangiti naman siya at ngumiti. "I'll just wash my face. Where's the restroom?"
Tinuro ko naman ang banyo.
"Please, put the shirt inside. Thanks, lil bro!" ang paki-usap niya bago nagtungo sa banyo. Napatingin naman ako sa dalawang polo. Alin ba rito ang pula? Narinig kong bumukas ang pinto ng banyo. Kinuha ko agad ang isa sa mga polo at linapag sa kama bago daliang lumabas at pinagpatuloy ang pag-aayos. Lumabas din naman agad si Kuya. Napatingin ako sa kanya. Suot niya ang polo.
"See, I told you, red is a nice choice" ang sabi niya; napangiti naman ako at tumango. Naupo naman siya sa tabi ko at nagsimulang tumulong sa pagliligpit.
"I heard... your birthday is near" ang sabi niya bigla kaya naman natigilan ako.
"Oo, kuya" ang casual ko lang naman na tugon.
"What's with that reaction?" ang tanong naman niya. "You should be excited"
"Bakit naman, Kuya?" ang tanong ko ulit. "Normal lang naman na araw yun; at tsaka, hindi naman ako nagcecelebrate ng birthday"
Linapag naman niya ang hawak niya at hinawakan ang braso ko at pinisil-pisil.
"I know it has been very tough for you" ang sabi niya. "But things will change now. PeeJay won't allow that we won't have a celebration"
"Kayo bahala ni Kuya PeeJay" ang sabi ko naman sabay ngiti. Bigla namang tumunog ang doorbell. "Saglit lang, Kuya"
Tumayo naman ako at nagtungo sa pintuan. Binuksan ko ang pinto.
"Kuya PeeJay" ang pagtawag ko sa gulat. "Sabi ni Kuya JayPee, hindi ka raw makakarating"
"Well, I just decided to join you" ang tugon ni Kuya sabay pasok. "And sa tingin ko rin naman, we need to bond... the three of us"
"Oh, you're here" ang walang emosyon na komento ni Kuya JayPee nang makita si Kuya PeeJay na nagtungo sa sofa upang maupo. Linapag niya ang bitbit niyang mga inumin; kumuha naman agad si Kuya JayPee ng sa kanya. Pagkahubad ni Kuya JayPee ng kanyang jacket ay nagsimula siyang tumulong. Nagtungo siya sa shelf kung nasaan ang Manga collection ko. Pinagpatuloy ko naman ang pagliligpit.
"Eliah, bakit walang English translation?" ang tanong ni Kuya. Natigilan naman ako at napatingin sa kanya. Hawak niya ang isa sa mga libro ng Fairytail. "Can you speak Japanese?"
"Uh, oo, Kuya. Yun ang kinuha ko para sa Foreign Language Selective Class namin" ang paliwanag ko naman.
"Bakit naman Japanese" ang nagtataka niyang tanong muli.
"Para mabasa ko ang Manga ng Fairytail" ang nakangiti ko namang tugon bago muling pinagpatuloy ang pagliligpit.
"Eliah" ang muling pagtawag ni Kuya kaya naman napatingin ulit ako sa kanya. "Can you hand me my drink, please?"
Binaling ko namana ng aking atensyon sa dalawang inumin sa mesa. Parehong kulay sa aking paningin.
"Alin dito, Kuya?" ang tanong ko habang tinitignan ang mga inumin. "Yung nasa kanan o nasa kaliwa?"
"Yung strawberry Frappe" ang tugon naman ni Kuya. "Eliah, double time. Nauuhaw na ako."
"Ah, sorry Kuya" ang natataranta ko namang reaksyon; kinuha ko na lang ang inumin sa kanan; umaasang tama ang desisyon ko. Inabot ko yun kay Kuya bago pinagpatuloy ang pagliligpit. HIndi nagtagal ay natapos kaming magligpit sa living room.
"Saan ang susunod?" ang tanong ni Kuya PeeJay.
"The Kitchen?" ang suhestyon naman ni Kuya JayPee.
"Let's skip that" ang komento naman ni Kuya. "I don't think kailangan pa nating dalhin ang mga gamit pangkusina"
"Pwede bang dalhin nating yung iba, Kuya?" ang paalam ko naman. Maraming mahalagang gamit si Mama dun. Ayokong basta na lamang iwan ang mga yun. Napatango naman si Kuya PeeJay.
"Okay, you could bring whatever you want" ang nakangiti niyang pagpayag. "Ikaw na ang bahalang magligpit sa kusina habang sisimulan na namin ang mag-empake sa kuwarto mo"
Pumayag naman ako. Kumuha ako ng kahon at nagtungo sa kusina. Napatingin ako sa paligid. Linagay ko sa kahon ang ilan sa mga gamit dun, lalo na ang palaging ginagamit ni Mama sa pagluluto. Maluha-luha ako ngunit binawi ko yun ng mga ngiti. Magiging okay na ang lahat. YUn ang parang binubulong sa akin ng hanging pumapasok sa nakabukas na bintana. Hindi man ako makakita ng kulay ng maayos ay pakiramdam kong tumingkad ang mundong aking ginagalawan. Huli kong sinilid ang apron na may burda ng kanyang pangalan. Pagkatapos dun ay pumunta ako sa aking kuwarto kung nasaan ang mga kapatid ko. Napatingin sila sa akin nang pumasok ako.
"Eliah, pwedeng pahiram ng shirt?" ang paalam ni Kuya PeeJay.
"Sige, Kuya. Kumuha ka na lang diyan sa aparador." ang tugon ko naman. Pumunta siya sa tapat ng isa sa dalawang aparador ko na hindi pa nila nabubuksan. Binuksan naman niya yun at nagtingin ng damit. Kumuha siya ng isang Tshirt sabay hubad sa turtle neck niyang suot.
"What the heck, PeeJay!" ang reaksyon naman ni Kuya JayPee. Napatingin naman ako sa tinitignan ni Kuya. Ang daming marka sa leeg niya, parang mga pasa. "Did you make love with a piranha?"
Natawa naman ako sa sinabi ni Kuya. Binati ni Kuya PeeJay kay Kuya JayPee ang turtle nevk bago sinuot ang hineram niyang shirt ko.
"So, may concealer ka ba?" ang tanong sa akin ni Kuya habang tinitignan ang leeg niya sa salamin. Napakunot naman ako ng noo. Concealer? Make-up concealer?
BINABASA MO ANG
True Colors
FanfictionMOST IMPRESSIVE RANKING: Two Moons #1 out of 10 stories Boyslove #31 out of 19k stories LGBT #158 out of 5.6k stories boyxboy #89 out of 6.5k stories Si Eliah ay may karamdaman sa mata kaya naiibang mundo ang kanyang nakikita. Limitadong kulay ang k...