CHAPTER ONE
Sa buhay ng isang tao, may mga umaalis. May mga umaalis para may mga panibagong taong dumating. Para may space sila sa buhay mo para mapunan nila.
Pero paano mo malalaman kung yung aalis na 'yon ay hahayaan mo na lang umalis? Paano kung yung aalis na 'yun yung taong hindi mo dapat pakawalan? Paano mo naman malalaman?
Eto ang naging problema ko kay Chalk. Chalk Mendoza. Siya ang all-time crush ko ever since kindergarten pa lang ako. Ewan ko ba! May something sa kanya na hindi ko talaga magets pero dahil do'n ay nagustuhan ko siya. Magkaibigan kaming matalik, matagal na. Pero dahil sa isang pangyayari ay bigla na lang naglaho ang lahat nang 'yon. Tuluyan na siyang lumakad papalayo sa buhay ko. Pero hindi ko siya hinahayaan. Kumakapit pa rin ako sa kaunting pag-asa na baka bumalik pa rin kami sa dati naming pagsasama. Or baka nga humigit pa. Sana.
Ayoko naman kasi siyang pakawalan kasi alam kong malaking kawalan kapag nawala siya sa buhay ko. I mean, hello? ALL-TIME CRUSH nga, 'di ba? Hindi ko naman siya mapapakawalan nang gano'n gano'n lang! Malay mo naman, may pagkakataon pa kami, 'di ba? Pero sabi ng mga kaibigan ko, parang malabo na daw. Eh siyempre, eto naman akong si Loka--kapatid ni Loki--hindi naniniwala sa mga sabi-sabi nila! Kasi naniniwala ako na kami ni Chalk ang naka-destined sa isa't isa. Oo. Corny na kung corny pero destined kami for each other! 'Wag nang kumontra! Para saan pa ang tatlumpung taong pinagsamahan namin kung hindi naman pala kami para sa isa't isa, 'di ba? Nang dahil lang sa one month and two weeks na hindi kami nag-uusap eh susuko na ba 'ko? Hindi 'no!
Sa ngayon, nasa loob ako ng library at umaasa akong bubukas ang pintuan na halos malapit lang sa kinauupuan ko at makikita ko si Chalk na lalapit sa akin at kakausapin ako katulad ng dati niyang ginagawa. Oo, umaasa talaga akong mangyayari pa rin 'yon. Alam mo naman.. Sa buhay, may dalawang klase ng tao: umaasa at nagpapaasa.
"Sam?", tawag ng isang tao sa likod ko. Pagkalingon ko ay napabagsak ang mukha ko dahil hindi pala si Chalk ang tumawag sa akin. Si Justin lang naman--ang best friend kong lalaki--ang tumawag sa'kin.
"Oh, Justin! Anong balita?", tanong ko naman sa kanya.
"Balita saan?", sagot naman niya sa'kin.
"Alam mo na 'yon.", sabi ko naman sa kanya.
"Tungkol kay Chalk na naman ba tinatanong mo?", tanong niya na may kasamang pagtaas ng kilay for emphasis. "H'wag ka na umasa, Sam."
"Justin naman! Tell me na! Alam kong may nasagap ka tungkol sa kanya!", sabi ko naman na pilit inilalabas ang napagtanto ni Justin tungkol kay Chalk.
"Hindi mo na dapat alamin, Sam.", sabi naman niya. ANO BA NAMAN?! Gusto ko nga malaman, eh! Para man lang malaman ko kung ano yung nasagap niya!
"JUSTIN, TELL ME OR FRIENDSHIP OVER NA TAYO!!", sinigaw ko nang pabulong. Nasa library kasi kami kaya hindi ko pwedeng sigawan nang malakas si Justin.
"MAY GIRLFRIEND NA SI CHALK, SAM! MAY GIRLFRIEND NA SIYA, OKAY NA?", sigaw niya sa akin nang pabulong rin naman. Pero kahit pabulong yung pagkakasabi niya sa'kin, parang dumadagungdong nang paulit-ulit sa loob ng kweba ng ulo ko ang mga katagang iyon. Sinasampal pa nga yata ako nang paulit-ulit para mas ramdam yung sakit, eh!
BINABASA MO ANG
Searching for Chalk Mendoza
Teen FictionPaano mo hahanapin ang isang taong minsa'y nabura sa alaala mo? -"Searching for Chalk Mendoza"