CHAPTER NINE
Pagkatapos namin kumain sa Dating Tagpuan ay bumalik na kami sa bahay. Wala pa rin sila Mommy kaya nagkaroon kami ng pagkakataon para halungkatin yung mga gamit ko sa kwarto. Tiningnan namin muna ang ilalim ng kama ko at nakakita kami ng limang boxes. Wala namang label ang mga ito at mukhang inaamag na sa tagal na nakalagay sa ilalim ng kama ko.
Hinila namin lahat ng boxes na 'to papalabas at binuksan isa-isa para malaman kung ano ang mga nilalaman nito. Sa isang box, nakakita kami ng mga photo albums. May dalawa ring boxes na parehas dito. Puro mga photo albums. Nilagay namin ito sa isang corner ng kwarto ko para organized.
Sa susunod na box, nakakita kami ng maraming stuffed toys. Nakaplastic ang bawat isa sa mga ito para siguro hindi madumihan kahit na nakatago sa ilalim ng kama ko. Siyempre, hindi namin pinalampas ang mga stuffed toys na 'to at sinama rin sa aming pag iimbestiga. Inusod namin ang box na ito sa isa pang corner ng kwarto.
Ang huling box naman ay naglalaman ng iba't ibang notebooks at journals. Siguro nga, tama si Doc. Baka may mga diaries ako noon na pinagsusulatan ko ng mga hinanakit ko sa buhay. Siguro, ito na ang solusyon sa mga tanong ko.
Nang simulan na naming halungkatin ang mga gamit ay may nakita akong picture sa photo album na kasama ko si Chalk. Medyo nahasa ko na rin sa utak ko kung anong itsura niya noong bata siya buhat nung nakita ko yung isang picture na pinakita sa akin ni JM.
"Tingnan niyo 'to, guys. Si Chalk oh.", sabi ko naman sa kanila habang naghahalungkat rin sila.
"Oh! Eh, ang dami ko nang nadadaanang pictures dito na kamukha ng nasa picture na 'yan ah!", sabi naman ni Luke habang tumitingin sa isang photo album.
"Patingin nga?", sabi ko naman sa kanya. Inabot naman sa akin ni Luke ang photo album.
Tiningnan ko ang front page nito at nakita kong nakalabel ito na "Chalk and Me". Nang buklatin ko ito ay mayroong picture naming dalawa ni Chalk. Mayroon din itong mga designs na parang scrapbook. May arrow pa nga sa picture kung sino si Chalk sa picture at kung sino ako doon. Nang ilipat ko sa susunod na page ay nakakita ako ng dalawang picture sa magkabilang side at isang mahabang essay. O kung hindi naman essay, parang journal entry. Hindi lang pala 'to photo album, scrapbook/journal pa yata 'to. Binasa ko ang nakasulat dito:
January 3, 2007 - Wednesday
Hi, Scrapbook! Alam mo bang may nakilala akong bagong kaibigan ngayon? Oo! Meron nga! Sa maniwala ka't sa hindi! Nakilala ko si Chandler o mas kinikilala kong si Chalk. Sabi niya kasi, yun na lang daw itawag ko sa kanya, eh. Weird, 'no? Ang pagkakaalam ko kasi sa chalk, yun yung ginagamit na pansulat sa blackboard.
Ta's alam mo yung mas weird? Yung kung paano kami nagkakilala! Kanina kasi, nagkaroon kami ng school fair! Eh, mayroong sinet up na "Shoot the Duck" na laro. Kapag nashoot mo lahat ng ducks o kaya nakashoot ka ng lagpas sa lima, may prize ka. Yung prize, isang malaking teddy bear. Sobrang nacute an ako sa teddy bear na 'yon! Siyempre, babae ako. Talagang macucute an ako dun. Kaso, one time play lang 'yon. Kapag hindi mo nagawa, wala na. Eh di, sumubok ako. Kasabay kong maglaro si Bryan James De Asis. Kasama niya yung girlfriend niyang si March. Ang sabi kasi ni De Asis, gusto niyang manalo para mabigay niya yung teddy bear kay March.
Nang magsimula na ang laro, dinidistract ako ni De Asis habang naglalaro! Nakakainis!!! Kahit kailan talaga, pahamak siya sa buhay ko! Inaasar ba naman ako habang naglalaro. Hindi ko daw kaya! Ta's baka daw mabitawan ko yung gun na ginagamit ko dahil sa sobrang payat ko. Grrr! Kainis! Kaya inaasar ko rin siya! Sinasabihan ko siyang tabachoy!
Natalo ako sa kanya pagkatapos no'n. Inis na inis talaga ako! Gustong gusto ko talaga yung bear eh! Pinamukha pa talaga niya sa'kin na nakuha niya yung bear para kay March at hindi ko nakuha para sa sarili ko. :(
BINABASA MO ANG
Searching for Chalk Mendoza
Teen FictionPaano mo hahanapin ang isang taong minsa'y nabura sa alaala mo? -"Searching for Chalk Mendoza"