CHAPTER SIX
Nagising na lang ako na nakahiga sa isang hospital bed. Nakakumot ako ng hospital blanket at nakita ko na lang si Mommy na nasa tabi ko at nakatingin sa akin. Nang tuluyan kong buksan ang aking mga mata, nginitian ako nito at ngumiti rin ako pabalik. Kumirot na naman ang ulo ko at tsaka ko ito hinawakan para mapigilan ang sakit.
"Mi, may cancer ba ako?", ito kaagad ang tinanong ko. Gusto ko kasi, kung sakaling may sakit ako, malaman ko na kaagad. Para alam ko kung ilang days na lang ako sa mundong ito. "Tumor ba sa utak? Kasi yun ang nararamdaman ko.."
Hinawakan namin ni Mommy ang kamay ko at hinalikan ako sa noo ko, "Wala kang cancer, anak. Masyado ka lang nadala sa emotions mo that caused a temporary state of depression."
"Si JM po?", tanong ko kay Mommy habang lumigid ang mga mata ko sa buong kwarto.
"Pinabalik na namin siya sa dorm niyo sa McKleington.", sinabi ni Mommy sa akin.
Bigla namang bumukas ang pinto at nakita kong pumasok si Doc kasama ang isa niyang partner in crime na nurse. May hawak ang nurse na ito na clipboard at si Doc naman ay nakangiting tiningnan kaming mag-ina.
"Well..", pumalakpak si Doc ng isang beses at nagsalita muli. "No cancer. No dengue. Purely mild depression lang."
"Oh.. Thank goodness.", sabi naman ni Mommy.
"However, the headache.. As your mother have told us, nagkaroon ka raw ng aksidente before. At nagkaroon ka rin ng unhealed amnesia. Noong sumakit ba ang ulo mo, may mga bumalik ba na alaala? No?", tanong naman ni Doc sa akin.
"Wala po, Doc. Pero may mga unclear scenarios po akong nakita noong mga panahong 'yon. But I'm not sure kung yun ang tinutukoy mo pong alaala.", inexplain ko naman since yun naman talaga ang nangyari.
"This is a good sign. Misis, your daughter may regain a few of her memories because of this incident. Your daughter is lucky.", sinabi naman ni Doc. "She won't have to suffer long-term amnesia."
"P-Pero, doc.. Wala naman po akong dapat alalahanin, eh. I was in kindergarten when I had the accident. So, wala pong masyadong memories to regain.", sabi ko naman kay Doc na mukhang naguguluhan rin sa mga sinasabi ko.
"From what I remembered, you were in the sixth grade when you had your second acci--"
"Thank you, Doc.", pinutol naman ni Mommy yung dapat na sasabihin ni Doc. "We're very lucky and pleased to know na baka maregain ni Sky ang kanyang memories in the past."
"Mom, anong sinasabi ni Doc na second? Second accident? So, nagka accident na ako before? At teka lang, I was in sixth grade when I had it?", tinanong ko naman nang dire-diretso dahil sa sobrang curious ko.
"Sky, dear..", pinatong ni Mommy ang kamay niya sa balikat ko pero tinanggal ko ito.
BINABASA MO ANG
Searching for Chalk Mendoza
Teen FictionPaano mo hahanapin ang isang taong minsa'y nabura sa alaala mo? -"Searching for Chalk Mendoza"