CHAPTER FOUR
Matapos naming kumain ng aming mga order ay pumunta kami ng likuran ng Dating Tagpuan. Dito talaga ang mismong hang-out an namin ni Mark at hindi sa loob nito. Sa likod kasi nito ay may malawak na lupain na kung saan may nakatayong play ground. Sa playground na ito ay nabuo ang pagkakaibigan namin ni Mark. Hindi naman gano'n ka-espesyal ang pagtagpo naming dalawa. Nasa swing set lang siya at nakiupo ako sa swing set sa tabi niya. Hindi nagtagal ay nag-uusap na pala kami at naging magkaibigan kami just like that. Unlike yung story namin ni Bryan, urgh, kakaiba. Cliche pero nakakakilig. Teka! Bakit ko ba pinagkukumpara yung dalawa, eh, hindi ko naman gusto si Mark? Zzz.
Nang makarating na kami sa swing set na dati naming inupuan noong bata pa lang kami ay pareho kaming umupo ni Mark dito. Sinimulan kong itulak ang sarili ko para makapagswing. Ganito rin naman ang ginawa ni Mark. Habang nagsuswing kaming dalawa, si JM naman ay nasa monkey bars at pinupulupot ang sarili niya sa mga bars doon. Nawa'y makalabas siya nang maayos.
"So, bakit mo nga pala naisipang makipagkita ulit? May problema ba?", tanong ni Mark sa'kin.
"Oo.", sabi ko naman. "Mamamatay na 'ko."
"HA?!"
"Joke lang!", sinabi ko naman sabay tawa ng malakas.
"Skyler Ann Marquez!! 'Wag ka ngang magjoke ng gano'n! Hindi nakakatawa. Pero seryoso, may problema ba?", tanong naman ulit ni Mark.
"Mark, hindi ba ikaw ang tumulong sa'kin noon na ibalik ang alaala ko?", tanong ko sa kanya.
"Oo.", sabi naman ni Mark. "Ano naman tungkol do'n? May naaalala ka na ba?"
"Wala pa naman pero.. Nagbabakasakali lang naman na ako na baka ikaw ang nakakaalala ng nawala sa memory ko.", sabi ko naman sa kanya.
"Sky, 'di ba sinabi ko na sa'yo? I know little of your life before. I just filled the empty spaces in your life para hindi mo maramdaman na maraming nawala sa buhay mo.", pag-eexplain naman ni Mark sa'kin.
"Yeah, I know. Pero 'di natin alam, 'di ba? Si Bryan James nga, naalala ko after the incident eh! 'Di ba nga, sabi niyo pa, siya ang unang-una kong hinanap noong nasa ospital pa ako pero hindi niyo alam kung bakit? And neither did I. All I knew was that he was important enough that I had to remember him. At tama nga ako. Dahil a few days after the incident, pinagtanggol niya 'ko from those nasty bullies back then.", sabi ko naman sa kanya. Napabuntong-hininga naman si Mark at napatingin sa akin.
"What do you wanna know?", tanong naman ni Mark sa akin.
"Who's this? Do you know him?", tinapat ko kay Mark ang picture ko kasama ang isang lalaki na posibleng nagngangalang CHALK.
"I have no idea who that is.", sabi naman ni Mark sa'kin. Napabuntong-hininga naman ako at napatingin ako sa lupa.
"Life is so unfair, you know. There are so many things I want to know but I cannot remember.", sabi ko naman na para bang paiyak na ako. Oops, hindi pala. Umiiyak na pala ako. "Paano kung marami akong dapat maalala pero hindi ko maalala? What if marami akong nakalimutang mga importanteng tao at hindi lang si Chalk na 'to? What if--"
BINABASA MO ANG
Searching for Chalk Mendoza
Teen FictionPaano mo hahanapin ang isang taong minsa'y nabura sa alaala mo? -"Searching for Chalk Mendoza"