Chapter Two

29 1 2
                                    

CHAPTER TWO

"Nakakahiya! Urgh! Nakakahiya, Mommy! Hindi mo po alam kung gaano nakakahiya ang nangyaring 'yon! Bakit pa kasi nangyari 'yon?! Mommy, help me! In midlife crisis ang baby girl mo!", sabi ko sa Mommy ko. Kung bakit naman kasi nandoon si Chalk no'ng nadulas ako sa harap ng library pagkalabas ko kanina! Nakakahiya tuloy!

"Baby girl, calm down.", sabi naman ni Mommy sa'kin. Napayakap naman ako sa kanya habang umiiyak ako. Oo na. Kababaw-babaw ng dahilan ko, umiiyak pa ako. Nang dahil lang sa nadulas ako sa harap ng ALL-TIME crush ko, eh, iiyak-iyak na ako. Ewan ko ba! Ang babaw-babaw ko mag-isip. Buti pa si Mommy, napagtitiisan ako.

"Mommy, it was embarrassing.", sabi ko naman habang umiiyak pa rin. Hinahawi-hawi naman ni Mommy ang buhok ko habang magkayakap pa rin kami nito.

"Don't you worry about that. He's not worth it. You deserve better.", sabi ni Mommy sa akin.

"But, Mommy! Siya ang gusto ko! Siya lang! Hindi ko alam kung may lalaking mas hihigit pa sa kanya dahil sa ngayon, siya pa lang naman ang nag-iisang lalaking nagpapaikot ng mundo ko.", sabi ko naman kay Mommy.

"You are too much, Sam. That's not true! Umiikot ang mundo hindi dahil sa isang tao pero dahil umiikot talaga 'to sa ayaw at sa gusto natin. Okay?", sabi ni Mommy bilang pagcomfort. I think?

"Okay, Mommy.", sabi ko naman nang walang ibang inaangal-angal pa.

"Buti naman ngayon, medyo kalmado ka na sa pagtatype mo.", sabi naman ni JM nang biglang pumasok siya sa kwarto namin dito sa dorm.

"Wala na ako dun sa part ng GIRLFRIEND.", sabi ko naman sa kanya. Of course, best friend ko siya. At siyempre, pinapabasa ko sa kanya ang mga gawa ko. Parang kanina lang. After kong umiyak talaga, just like Sam in the story, ay pinabasa ko sa kanya ang latest update ko sa story kong "Forevermore". Kung bakit ganun ang title ng story ko ay hindi ko rin alam. Yun kasi ang pumasok sa isip ko nung sinisimulan ko pa lang gawin yung story ko, eh.

So ayun nga. Masasabi mong sinusulat ko ang sarili kong love story pero hindi ko pinapahalata sa mga readers ko. Ayoko naman kasing ilantad na yung kwentong inaakala nilang fiction ay kwento pala ng buhay ko. Baka sabihin pa ng mga readers ko na ginagawa ko palang mala- MMK ang Wattpad instead na pinagsheshare-an ng mga unrealistic stories.

"Mabuti naman. Ano na nangyari?", tanong ni JM sa akin nang umupo ito sa kama ko, sa tabi ko, at tumingin sa screen.

"Kausap na ni Sam ang Mom niya tungkol sa pagkakadulas ni Sam in front of Chalk.", sabi ko naman bilang sagot sa tanong ni JM. "Hayy. Alam mo bang miss na miss na miss ko na si Mommy? Kaso, nandito ako sa university kaya hindi ako makakabisita until Saturday. Gusto ko nang ibuhos sa kanya lahat nang 'to katulad ng ginawa ni Sam sa story ko."

"Why not call her?", suggestion naman ni JM. Yeah, why not? Hmm.. Kinuha ko naman ang cell phone ko mula sa bag ko at dinial ko ang number ni Mommy. She always said na she's just a phone call away. After ng tatlong ring ay sinagot na ito ni Mommy.

"How's my baby girl doing?", salubong sa akin ni Mommy sa phone with that same old sweet voice.

Searching for Chalk MendozaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon