CHAPTER EIGHT
Nang dahil sa sapilitang pag-aya ni JM sa amin ni Mark na kumain muna kami ay napatigil muna kami sa aming maiksing pag-iimbestiga. Niligpit muna namin sandali ang nakakalat na papel sa kama ko tsaka namin ito binalik sa box. Pinailalim naman namin ang box na ito sa ilalim ng kama ko. At nang makalabas na kami ay nilock ko ulit ang pinto. May susi naman ako pati si JM kaya makakapasok kami later on pagbalik namin.
Dumiretso naman kami, agad-agad, sa Dating Tagpuan. Pagkadating namin dito ay nag-order kami ng makakain kahit na si JM lang naman talaga ang gutom. Nakisali lang kami ni Mark para hindi mag isa kumain si JM (pero in reality, gutom na rin si Mark. Halata sa kanya, eh).
Hindi naman nagtagal ay may dumating na lalaking pamilyar sa akin. Si Luke ba 'yon? Yung nakita namin sa ospital nang minsan? Mukhang siya nga yata. Para makasiguro, kinalabit ko si Mark.
"Mark, si Luke ba 'yon?", tanong ko sa kanya habang kumakain siya ng chicken barbeque na may kasamang kanin. Napalunok naman si Mark at napatingin sa likod niya.
"Oo, si Luke 'yan. Luke!", biglang tawag niya kay Luke na kakadating lang naman dito. Bigla namang nag-init ang pisngi ko sa hindi ko malaman na dahilan pero kinalma ko naman ang sarili ko para hindi ito mahalata. Bakit ako nagkakaganito?
"Bakit siya nandito?", tanong ko kay Mark habang papalapit si Luke sa'min sabay kabog rin naman ng dibdib ko sa hindi ko malaman na dahilan.
"Hiningan ko rin siya ng tulong para mahanap si Chalk. Okay lang ba?", sabi naman ni Mark. Napatango na lang ako nang sinabi niya ito.
"Hi, guys.", sabi naman ni Luke nang makarating siya sa tabi ng mesa namin. "So, sino 'tong hahanapin natin ulit?"
"Chalk daw.", sagot naman ni Mark bago ko pa mabuka yung bibig ko.
"Chalk ano?", tanong naman ni Luke sa amin.
"Yun ang kailangan nating malaman!", sambit naman ni Mark nang sumubo pa ng isa pang kutsara ng kinakain niya.
"Aba, mahirap 'yan! Hindi niyo alam surname, eh.", sabi naman ni Luke nang humila ng isang upuan sa kabilang bakanteng mesa at umupo dito.
"P-Pero marami pa naman akong hindi nahahalungkat sa kwarto ko. Baka sakaling doon ako makahanap ng malinaw na ebidensya.", sabi ko naman na hindi nawawalan ng pag-asa na mahanap si Chalk.
"Gaano ba kaimportante sa'yo 'yang Chalk na 'yan at bakit mo siya hinahanap?", tinanong naman ni Luke sa akin.
"Hindi ko alam. Pero alam ko na kailangan ko siya mahanap at kailangan ko siya makilala ulit!", sambit ko naman na para bang nawawalan ng pasensya.
"Makilala ulit..?", nagtatakang tinanong naman ni Luke.
"Nagkaaksidente kasi si Sky noong bata pa siya.", sambit naman ni JM na ngayon lang hindi puno ang bibig ng pagkain. "At gusto niyang maalala yung mga taong minsan niyang nakalimutan. Katulad na nung Chalk na 'yun."
"Ahh.", ito lang ang naisagot ni Luke sa sinabi ni JM. "Order muna ako. Naiinggit ako sa inyo. Mukhang ang sarap sarap ng kinakain ninyo, eh."
"Sige lang, dude!", sambit naman ni Mark. At dahil doon, tumayo si Luke sa kinauupuan niya at dumiretso sa counter.
"Mark, mapagkakatiwalaan ba natin 'yang si Luke? Baka magsumbong 'yan kila Mommy?", tanong ko naman kay Mark nang makasigurado.
"Oo. Mapagkakatiwalaan natin 'yan. Kung hindi, ako ang makakalaban niya!", nainis namang sinagot ni Mark.
"Easy! Easy! Nagtatanong lang, nahigh blood agad?", sabi ko naman sa kanya.
"Ayoko lang naman kasing nahihirapan ka.", sinabi ni Mark sa akin at pinagpatuloy ang pagkain. Nang marinig ko 'yon ay parang may tumusok na ewan sa dibdib ko. Parang.. Natuwa ako dahil kahit papano, may isang taong ayaw na pasan ko ang mundo. Napangiti na lang ako at pinagpatuloy ang pagkain ng sandwich na ngayon ko lang ulit kakagatan.
BINABASA MO ANG
Searching for Chalk Mendoza
Teen FictionPaano mo hahanapin ang isang taong minsa'y nabura sa alaala mo? -"Searching for Chalk Mendoza"